Chapter 5 – Self-proclaimed Girlfriend

1580 Words
“Good morning!” masayang bati ni Luna kay Jayvee kinabukasan ng umaga. Mamaya pa ang pasok niya sa school pero sinadya niyang gumising ng maaga para maipagluto niya ng breakfast si Jayvee bago ito pumunta sa opisina nito. Ang alam niya ay pagawaan ng mga laruan ang isa sa mga pangunahing negosyo nito pero hindi pa siya nakakapunta sa opisina o factory nito. Hindi talaga mahilig si Jayvee na kumain ng breakfast pero kapag siya ang nagluluto at pinipilit niya itong kumain ay kumakain naman nito. “Why did you wake up very early? Mamaya pa naman ang pasok mo.” Umupo na ito sa puwesto nito sa dining area at imbes na pagsilbihan ito ng katulong at ipagtimpla ng kape ay siya na ang gumawa niyon. “Peace offering ko sa’yo sa ginawa ko kahapon.” Nakangiti niyang wika. Nagsimula na siyang ihanda ang plato at mga kubyertos nito at siya na rin ang naglagay ng mga pagkain sa plato nito. Mayroon doong fried rice, omelet, salmon at fried egg. Inilapit na rin niya rito ang tinimpla niyang black coffee para rito. Sinalinan na rin niya ng tubig ang baso nito. Noong pinakauna niyang ginawa ang ganoon kay Jayvee ay noong bago pa lang siya sa bahay nito. Tumanggi ito noong una, hanggang sa pumayag na lang itong pagsilbihan niya dahil na rin sa pakiusap niya. Kahit iyon man lang ay magawa niya para hindi naman siya masyadong mahiya rito sa lahat ng tulong nito para sa kanya. Pero ngayon, gaya ng sinabi niya ay inaasikaso niya ito dahil peace offering niya iyon para rito. Para kung sakaling may kahit kaunting tampo pa ito para sa kanya ay mawala na iyon ng tuluyan. “Tss. You’re forgiven already. Basta ba wag mo na ulit gagawin iyon dahil pinapakaba mo ako ng sobra.” Lumapit siya rito at hinalikan niya ito sa pisngi. Niyakap din niya ito saglit habang nakaupo ito at nakatayo naman siya sa gilid ng kinauupuan nito. Hindi na niya maalala kung kailan pa sila nagsimulang naging sweet sa isa’t-isa. Basta napansin na lang niya noon na naging normal na lang sa kanila na palagi siya nitong inaakbayan hanggang sa namalayan na lang din niyang normal na sa kanya ang humawak sa braso nito sa tuwing magkatabi o naglalakad sila. Madalas na rin silang nag-uusap noon at nagbibiruan, madalas nagkukulitan. Pero marami ring pagkakataong inaasikaso nila ang isa’t-isa kahit hindi naman kailangan. Siguro nga ay tunay na kapatid na talaga ang turing nito sa kanya. Pero hindi siya. “Yes, kuya.” Kaagad na rin siyang umalis sa gilid nito bago pa ito makahalata sa damdamin niya. “What are you waiting for? Join me.” Hindi na siya nagpapilit pa at kaagad na rin siyang pumuwesto sa upuan malapit kay Jayvee. Ito naman ang naglagay ng mga pagkain sa plato niya habang nananatili itong nakaupo. Ganon na talaga sila ni Jayvee. Aasikasuhin niya ito tapos ay aasikasuhin naman siya nito. Minsan nga ay napapatunganga na lang sa kanila ang mga katulong dahil imbes na ang mga ito ang maghanda ng pagkain ay may nauna nang gumawa niyon kaysa sa mga ito. “You take care. Pagkagaling sa school ay umuwi ka agad. You know that I don’t like it when you’re hanging around with some of your classmates.” Anito habang papalabas na sa main door. Sinasabayan naman niya ito ng lakad para ihatid ito sa pinto. “Yes, kamahalan.” Aniya at pabiro pa siyang yumukod dito. At paano naman kaya siya makakalakwatsa kasama ang classmates niya kung napakahigpit ng bilin nito sa driver nila? Alam ni Jayvee ang lahat ng schedule ng klase niya at ang bilin nito sa driver ay kapag lumampas ng 30 minutes pagkatapos ng klase niya na hindi pa siya nakakarating sa kotse ay hahanapin na siya ng driver nila. Siyempre hindi pa naman iyon nangyayari, at ayaw din niya iyong mangyari dahil nakakahiya sa classmates at schoolmates niya at baka tuksuhin pa siya. Nagsimula lang namang maging ganoon kahigpit sa kanya si Jayvee matapos niyang samahan sa bookstore ang classmate niyang bakla. At bilang ‘kuya’ niya, naiintindihan niyang pinoprotektahan lang siya nito para wala sa kanyang mangyaring masama. “Tss.” Ginulo nito ang buhok niya bago mabilis na hinalikan ang pisngi niya at tuluyan na itong naglakad patungo sa kotse nito. Lumipas ang ilang araw. Isang Linggo ng hapon, habang sabay silang nagmemeryenda ni Jayvee sa garden area ay may biglang dumating na di inaasahang bisita. Si Sophie. Ang self-proclaimed girlfriend ni Jayvee. Hindi lingid sa kanya na maraming babae ang nagkakagusto, nagpapapansin at ang iba ay naghahabol pa sa ‘kuya’ niya, pero itong si Sophie talaga ang hindi matinag-tinag at wala yatang balak sumuko. Siguro nga ay itinatak na nito sa isip nito na ito ang makakatuluyan ni Jayvee kaya ganoon na lang um-effort at balewalain ang pang-i-snob dito ni Jayvee. “Hi, babe! Akala ko busy ka. Hindi mo kasi sinasagot ang calls at text messages ko.” Lumapit ito sa kanila at agad hinalikan sa pisngi si Jayvee. Nahalata naman niya sa mukha ng ‘kuya’ niya na napipilitan lang itong harapin si Sophie. Kahit kasi ilang beses na nitong itaboy ang babae ay paulit-ulit pa ring bumabalik si Sophie. Hindi niya alam kung ganoon na ba ito ka-desperada o baka wala lang talaga itong hiya. “Hi, Luna.” Nakangiti ring bati sa kanya ni Sophie. Paniwalang-paniwala na ito na magkamag-anak sila ni Jayvee at minsan pa nga ay pasimple itong lumalapit sa kanya at pasimple ring nagpapatulong tungkol kay Jayvee. Kung alam lang nito ang totoo. Tssk. Pinilit na lang niyang ngumiti dito pabalik samantalang si Jayvee ay nanatili lang ang malamig na pagkakatingin kay Sophie. Ewan ba talaga niya sa babaeng iyon kung bakit masyadong manhid! “I haven’t checked my phone.” Balewalang sagot naman ni Jayvee kay Sophie. Dahan-dahang umupo si Sophie sa isang bakanteng upuan at nakanigiti nitong binalingan ulit si Jayvee. “Mom and Dad came back. They want to see you and talk to you about our wedding.” Kunot-noo naman siyang napabaling bigla kay Jayvee. May ganon pala? Wala siyang alam tungkol sa kasal na sinasabi ni Sophie para sa mga ito. Kahit naman kasi close na sila ni Jayvee at sweet sa isa’t-isa ay marami itong hindi sinasabi o ikini-kwento sa kanya. Isa na roon ang tungkol sa pamilya nito at sa lovelife nito. At ngayon ay nagugulat na lang siya na may unawaan na pala sa pagitan nito at ng pamilya ni Sophie na magpapakasal sila? Kaya pala hindi bumibitaw si Sophie kay Jayvee ay dahil may pinanghahawakan naman talaga ito sa lalaki. Napasulyap din sa kanya si Jayvee pero agad din itong nag-iwas ng tingin. “Tell them I’ll come over tomorrow.” Sagot naman ni Jayvee kay Sophie. So, it’s confirmed. Hindi pinabulaanan ni Jayvee ang sinabi ni Sophie tungkol sa kasal ng mga ito kaya ibig sabihin lang noon na tama ang sinabi ni Sophie. Bigla siyang nakaramdam ng munting kirot sa dibdib niya. Buti na lang pala at hindi niya hinahayaang lumalim masyado ang nararamdaman niya kay Jayvee dahil unang-una ay ‘kuya’ niya ito at ang mas malala pala ay ikakasal na ito. Buti na lang nalaman na kaagad niya habang hindi pa niya hayagang ipinapakita ang damdamin niya dahil wala naman talaga siyang pag-asa. Kinupkop lang siya ni Jayvee. Iyon lang siya at hindi na dapat siya maging abusada at mangarap ng sobra. Minabuti niyang magpaalam na sa mga ito para makapag-usap ang mga ito ng pribado at para na rin maitago niya ang kasawiang nadarama niya. Balang araw, baka kakailanganin na niyang umalis sa buhay ni Jayvee pag ikinasal na ito at si Sophie. Wala na siyang kalalagyan sa buhay nito dahil ibubuhos na nito lahat ng oras at atensiyon sa pamilya at negosyo nito. Pasalamat na lang siya at tinulungan siya ni Jayvee . At least ngayon ay makakaya na talaga niyang mabuhay nang mag-isa. Kinagabihan ay maaga na lang siyang natulog. Ni hindi na niya inalam kung nakaalis na ba si Sophie. Hindi na rin siya nagdinner dahil hindi naman siya nakaramdam ng pagkagutom. Siguro ay nawalan lang siya ng gana dahil sa nalaman niya. Kinabukasan naman ay hindi rin siya gumising ng maaga para asikasuhin si Jayvee. Mabuti na lang at nataon na mamaya pang hapon ang pasok niya. May mga katulong naman na mag-aasikaso kay Jayvee. At buti nang maaga pa ay sanayin na niya ang sarili niya na wala nang Jayvee sa buhay niya dahil siguradong iyon ang mangyayari oras na magpakasal na ito at si Sophie. Habang nananatili siyang nakahiga sa kama at hinihintay na lumipas ang oras ay bigla siyang nakarinig ng mga pagkatok sa pinto niya. “Luna? Gising ka na ba?” Hindi siya sumagot kay Jayvee. Hahayaan na lang niyang isipin nitong tulog pa rin siya dahil hindi niya kayang ipaliwanag dito ang kakaibang inaasta niya. “Hindi ka raw nagdinner kagabi. Masama ba ang pakiramdam mo?” tanong ulit ni Jayvee pero muli ay hindi siya sumagot. “I have to go to the office now dahil may importante akong meeting. Kumain ka na and call me if you have any problem, ok?” Ilang segundo pa ang lumipas bago niya naramdaman ang mga papalayong yabag ni Jayvee. Kung may problema man siya ay sasarilinin na lang niya iyon. Iyon na rin naman ang mangyayari sa sa oras na mag-isa na siya ulit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD