Chapter 6 – Mall

1741 Words
Kinahapunan ay pumasok pa rin siya sa school kahit feeling niya ay broken hearted siya dahil sa nalaman niya kahapon. Pilit na lang niyang sinasabi sa sarili niya na 19 years old pa lang siya at siguro ay paghanga at simple pagka-crush lang ang nararamdaman niya para kay Jayvee. Pinapaniwala niya rin ang sarili niya na lilipas din ang nadarama niyang iyon at balang araw ay magkakagusto siya sa ibang lalaki. Ngayon kasi ay hindi niya magawang humanga sa ibang lalaki bukod kay Jayvee. Pero kailangan na niyang mag-move on dahil pag-aari na pala ito ng ibang babae. “Beb, punta tayo sa Mall mamaya!” Masiglang pag-aaya sa kanya ni Sandro pagkalabas ng Psychology professor nila. Isang subject na lang at tapos na ang klase nila. “Bakit?” taka naman niyang tanong sa kaibigang bakla. May iba pa naman siyang ka-close na classmates, pero itong si Sandro ang pinaka-close niya. Marahil ay dahil parehas na silang ulila. Bukod doon ay masaya itong kasama lalo pag sila lang dalawa ang magkausap dahil kung anu-anong kabaliwan na lang ang sinasabi nito sa kanya. Hindi rin ito masyadong halatang bakla dahil hindi ito masyadong ladlad, hindi kagaya ng iba pang bakla sa paligid nila. Nagpapatulong rin siya madalas kay Sandro na itaboy ang ibang lalaking nagpapahaging ng pagkakagusto sa kanya. Sa tuwing may mga lalaking nagtatangka nang lumapit sa kanya o nagsisimula nang magpahayag ng pagkakagusto sa kanya ay lumalapit na kaagad siya kay Sandro sabay kapit sa braso nito, or vice versa. Nangako kasi siya kay Jayvee na hindi siya magkakaroon ng boyfriend hangga’t nag-aaral pa siya, at tutuparin niya iyon kahit ngayong nalaman niyang malapit na itong ikasal at matali sa iba. “Ano ka ba? Di mo ba alam na may pupunta roong mga artista? Maraming gwapings na pupunta, beb! Minsan lang ito kaya sumama ka na! Sige ka, pag tumanda ka na ay magkakarayuma ka na kaya hindi ka na makakagala niyan!” anito na may pagtaas-baba pa ng mga kilay habang nagsasalita. Ang arte talaga! “OA, ha! Rayuma agad? 19 pa lang ako, oy!” Tinaasan niya rin ito ng kilay. Dito talaga siya natutong magtaray. Minsan nga ay nagagamit niya rin ang natutunan niyang iyon para itaboy ang nagkakagusto sa kanya. “Basta sumama ka na lang sa’kin, ok? Para hindi naman boring ang life mo! Magpaalam ka na lang kay papa Jayvee at sabihin mong may project tayo sa school kaya bibili tayo ngayon sa mall ng kailangan natin. Oh, di ba ang galing ko? For sure papayagan ka ni papa Jayvee.” Pamimilit pa nito at muling nagtaas-baba ang kilay habang nagsasalita. Mukhang talent na yata ng kaibigan niya ang magmulti-tasking. Tsk. Nakapangalumbaba pa rin siya na nilingon ulit ito. Ang kulit talagang bakla. “Bakit hindi mo yayain si Myrna? O si Ava?” tukoy niya sa ibang kaibigan rin nila. Agad naman itong umiling kasabay ng pag-asim ng mukha. “Negative ang dalawang bakla. May lakad daw si Myrna at may date naman si Ava.” Umiikot ang mga eyeballs na wika nito. “Haay! Nagka-lovelife lang sila, ang pangit na nilang ka-bonding! Hindi na nga nakikipag-bonding!” napapalatak pa ito. “Kaya ako ngayon ang kinukulit mo?” taas-kilay niyang tanong dito. “Eh ano pa nga ba? Ikaw lang naman ang puwede. Tsaka pambawi mo na rin sa panggagamit mo sa akin!” medyo malakas nitong sabi. Nakakaeskandalo talaga ang bunganga ng baklang ‘to! Baka isipin pa ng iba na naggagamitan sila—literal! Shocks! Tingin kasi ng iba kay Sandro ay silahis lang, na pumapatol ito sa lalaki at ganoon din sa babae. Pero eiw lang talaga dahil alam na alam niyang lalaki lang ang gusto nito. Mga gwapo at machong lalaki. At ang tinutukoy nitong panggagamit sa kanya ay sa tuwing ‘ginagamit’ niya ito para itaboy ang suitors niya. Tsk. At gusto pa yata siyang i-blackmail ng bakla! “Bunganga mo nga!” Sita naman niya rito at pinandilatan ito. “Pumayag ka na kasi, bakla!” bulong na lang nito. Vocal itong tawagin siyang ‘beb’ pero pabulong lang pag ‘bakla.’ Napabuntong-hininga siya. Naalala rin niya bigla si Jayvee at si Sophie. Pupunta nga pala si Jayvee kina Sophie ngayon para pag-usapan ang tungkol sa kasal ng mga ito. Pagak siyang natawa. Bakit nga hindi siya gumala muna? Malamang ay gabing-gabi na makakauwi si Jayvee. Baka nga balewala na rito kung gagala siya dahil busy naman ito kay Sophie. Paayaw-ayaw pa, magpapakasal rin naman pala kay Sophie! Hmp! Umasa lang tuloy siya kahit wala naman talaga siyang pag-asa sa tagapagligtas niya. “Sige na nga! Pero hindi tayo magtatagal.” Aniya at tiningnan ito nang may babala. “That’s my bebe girl!” tumayo ito at niyakap siya bigla. Napatingin tuloy sa kanila ang ibang classmates nila at napangiti, bahagyang natawa naman ang iba. Tsk. Hilig talagang gumawa ng eksena ng walanghiyang bakla. Nagtext na siya agad kay Jayvee para magpaalam, ganoon din sa driver nila at sinabing sa mall na lang siya magpapasundo mamaya. Pinagbawalan kasi siyang magcommute ni Jayvee at ayaw rin nitong magpapahatid siya sa iba. Sakto namang dumating na ang professor nila kaya itinago na niya ulit ang cellphone niya. Napasulyap siya kay Sandro na katabi niya at kinindatan siya nito, pero inirapan lang niya ito. Tsk. Matapos ang isang oras ay natapos na ang huling subject nila. Tiningnan niya kaagad ang cellphone niya at tiningnan kung may reply sa kanya si Jayvee, pero wala. Siguro ay busy na ito kay Sophie at sa pag-uusap tungkol sa kasal ng mga ito. Ngayon pa lang ay wala na agad oras sa kanya si Jayvee, ngayon pa lang na hindi pa nga ito kasal ay balewala na siya rito, paano na lang kung asawa na nito si Sophie? Tuluyan na siyang mawawalan ng lugar sa buhay nito. Hindi naman siya nito tunay na kapamilya, kaya madali lang ditong balewalain siya. Nagreply naman sa kanya si Manong Luis, ang driver nila. Magtext o tumawag na lang daw siya kung saan at kung magpapasundo na siya. Kaagad na silang nagtungo sa mall. Excited much talaga ang bakla! Pagdating nila sa mall ay ang dami na ng taong nakapaligid sa make-stage kung saan magpapakita at magpapakilig ang mga artistang sinasabi ni Sandro. Siksikan na ang mga tao roon ngunit ang baklang kaibigan niya ay pasimple pa ring nakasiksik papunta sa may harap habang hila-hila siya. Tsk. Todo effort talaga makakita lang ng gwapo. Gwapo rin naman si Sandro kaso gwapo rin ang hanap nito. “Ayyy!” “OMG!” “Ampogi!” Halos sabay-sabay na nagtilian ang mga kadalagahan pati ang mga baklang naroroon nang isa-isa nang lumabas ang mga artistang nagma-mall-tour doon. “I love you Papa P! Omg, Alden!” halos mabingi na siya sa tili ni Sandro nang sunod-sunod nitong isigaw ang mga pangalan ng artistang paisa-isang lumalabas at humaharana sa mga fans. May mga babae ring artista ang lumabas at pati ang mga iyon ay pinagtitilian ng mga tao. Halos magkagulo na ang mga fans at hindi na magkandaugaga sa pagtawag at pagpicture sa mga artistang nakikita nila at kung hindi lang dahil sa mataas na bakal na harang at mga staff na nakabantay ay kanina pa siguro nakalapit ang mga fans sa loob. Pamilyar naman sa kanya ang mga mukha at pangalan ng mga artistang naroroon, kaso hindi na siya mahilig manuod ng TV or local movies kaya medyo lito pa rin siya sa mga iyon. “I’d climb every mountain Swim every ocean… Just to be with you And fix what I’ve broken Oh! Coz I need you to see.. That you are the reason..” Lalo pang naghiyawan ang mga fans nang bigla na lang siyang lapitan at akayin ng isang artistang gwapo papunta sa stage habang kumakanta ito! “Go, beb! OMG!” tili ni Sandro. Gulat na gulat naman siya sa gwapong artistang iyon na ngayon ay tila hinaharana na talaga siya! Kumuha pa ito ng isang bulaklak at ibinigay sa kanya at pagkatapos nitong kumanta ay hinalikan pa ang likod ng kamay niya! Lalong naghiyawan ang mga tao at nahawa na lang din siguro siya sa kilig ng mga ito dahil hindi na niya napigilan pa ang malawak niyang ngiti. Ang saya rin palang maging fan kahit hindi naman talaga siya isa sa mga fans. Nakakahawa kasi ang saya at excitement ng mga fans. Nagbeso pa ang gwapong artista sa kanya at ngumiti ng pagkatamis-tamis bago siya nito inihatid muli sa kinatatayuan niya kanina. “OMG beb! Ikaw na talaga! Ikaw na ang winner!” patiling sigaw ni Sandro sa kanya nang sa wakas ay magkatabi na ulit silang nakatayo. Iiling-iling na lang siya rito pero napapangiti pa rin siyang tinitingnan ang red rose na ibinigay sa kanya. Hindi niya namalayan ang oras at naalala lang niyang hindi pala dapat siya nagtagal doon nang umalis na ang mga artista sa mall. “Beb, kailangan ko nang umuwi!” malakas niyang sabi kay Sandro sabay hila dito para lumabas sa mall habang nakatingin siya sa wristwatch niya. 5 PM pa natapos ang last subject nila pero ngayon ay 8pm na! Siguradong uusisain siya ni Jayvee pag nalaman nitong inabot siya ng ganoong oras sa labas. Sana lang ay maniwala ito sa palusot niyang may binili siya para sa project nila. Pero bigla siyang natigil nang ma-realize na wala pala silang biniling kahit ano! Paano kung nasa bahay na si Jayvee? Hindi ito maniniwala kung wala siyang dalang pruweba. “Ano ka ba, beb. Chillax ka lang. Nagpaalam ka naman, diba? Halika, kumain muna tayo kasi gutom na ako.” Balewalang sabi ni Sandro sabay hila sa kanya papunta sa restaurant na malapit lang sa entrance/exit ng mall. Mangilan-ngilan din ang restaurant sa mismong pagkapasok ng mall at mayroon ding tindahan ng ice cream at tinapay. “Beb, sa bahay na lang ako kakain. Baka nandoon na si—” natigilan siya nang paglingon niya sa exit ay nahagip agad ng mga mata niya sa katabi nitong entrace si Jayvee. Madilim ang mukha nito habang nakatingin sa kanila ni Sandro. Napalunok siya at nakaramdam ng kaba. Hindi pa nga pala niya nachi-check ang phone niya kung may mga text o missed-calls na ito sa kanya. Baka kanina pa siya nito pinapauwi pero hindi niya iyon nalaman. Dahan-dahang lumapit sa kanila si Jayvee pero nananatili ang matalim nitong tingin sa kanya at sa kaibigan niyang bakla.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD