Namalayan na lang niyang ang mga munting halik ni Jayvee sa leeg niya ay lalong dumiin at naging malalim. Nakakaramdam na rin siya ng munting kirot sa parteng iyon kasabay ng di maipaliwanag na kiliti nang mapansin niyang sinisipsip na pala iyon ni Jayvee. Tuloy, ang paghaplos siya sa buhok nito ay naging mahinang sabunot. Napakagat-labi na lang siya para pigilin ang sariling mapaungol sa ginagawa nito. Pero ang pagpipigil niya ay nauwi sa wala nang maramdaman niya ang kanang kamay ni Jaycee na humahaplos na sa tiyan niya, at unti-unti na iyong umaakyat sa dibdib niya! Nakatutok ang buong pansin niya kanina kay Jayvee kaya hindi niya napansing nasa kabilang panig na ng leeg niya ang mukha ni Jaycee! At pasimple na rin itong humahalik doon! Oh, gosh! Ano ba ang ginagawa ng dalawang iy