CHAPTER 32

1731 Words

Malalim na ang gabi at nasa labas pa ng mansyon si Warson. Mabagal siyang naglalakad-lakad sa palibot nito habang tinitingnan ng kanyang mga mata ang paligid na nabibigyang liwanag ng mga nagkalat na ilaw. Matapos niyang ilipat at ayusin ang lahat ng kanyang gamit sa bagong tutulugan niya ay napagpasyahan niyang maglakad-lakad para kahit papaano ay gumaan ang kanyang pakiramdam. Hindi alintana ang lamig na dala ng hangin sa gabi dahil sa totoo lang, kahit papaano ay napapagaan nito ang kanyang saloobin. Huminto siya sa paglalakad. Tumingala si Warson sa kalangitan. Napangiti siya nang tipid nang makita ang kagandahan nito. Ang bilog na buwan na dumadagdag ang taglay na liwanag at nagbibigay tanglaw sa kapaligiran. Ang mga bituin na mistulang holen na nagkalat sa palibot nito at nakikisla

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD