CHAPTER 41

4764 Words

Nakaugalian na ni Warren na umupo sa ibabaw ng kama kaya ‘yun na naman ang ayos niya ngayon. Bukod sa nakakulong siya, wala rin naman kasi siyang magawang iba bukod sa pag-upo at pagtingin lang sa kawalan. Nagbuga ng hininga si Warren. Habang tumatagal siya rito sa loob, bukod sa pagkainip ay mas lalo rin niyang nararamdaman ang kawalan niya ng kwenta. Wala siyang magawa para sa sarili. Gustuhin man niyang tumakas at lumayo na ngunit paano niya gagawin? Kahit na ilang libong beses pa siyang mag-isip ng paraan, nauuwi lamang ang lahat ng iyon sa wala. Maya-maya ay tiningnan ni Warren ang mga paa niyang nakatali ng kadena. Hindi rin niya mapigilang maawa sa sarili. Mas daig pa niya ang bilanggo sa selda dahil mabuti pa sila, nagagawa pa rin nila ang mga gusto nilang gawin kahit na tinangga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD