Chapter 15

808 Words
[Cadmus POV] "Papa!" Isang malakas na sigaw ang nakapag pa hinto sa kanina ko pang ginagawa. "Princess? Hey," niyakap ko siya ng makita itong umiiyak. "What happened?" Nag-aalalang tanong ko. "Kasi Papa gusto ko na makita si Mama!" Humahagulhol na sabi ni Cadberry. "Naiinip na ako", muli siyang ngumawa. "Sabi mo mag pray lang ako na sana maayos ang kalagayan niya and so I did. I always prayed Papa, bumalik lang si Mama." Napayuko ako at hindi agad nakasagot. Namumuo ang luha sa aking mga mata ngunit na gawa ko naman itong pigilin. Hindi ko masasabi 'yung totoo sa bata. Hindi ko magawang masabi na matagal ng patay ang Mama n'ya, at hanggang ngayon walang usad ang kaso. Walang ibedensya sa pag kamatay ni Jessie, but I know in my heart na si Melvin ang may kagagawan ng lahat. Hindi totoong nag pakamatay nalang basta si Jessie, and why would she do that? Maayos ko siyang nakausap. Sinabi niyang wag ko na silang gambalain. Galit na galit ako kay Jessie, pero anong magagawa ko? She still choose her cruel husband. Hindi niya nais manatili sakin. Kaya sino ba naman ako para ipag laban pa s'ya kung siya na mismo 'yung bumitaw? Pero kahit ganun? Hindi ko ikakahiya ang mga ginawa ko para sakaniya. Iniwanan niya ako ng isang napaka gandang anghel, at si Cadberry 'yon. Nagi-guilty ako kasi hindi man lang niya na laman na buhay ang anak niya. At kung sa susunod na buhay ay muli kaming mag tatagpo? Hinding-hindi ko na s'ya pakakawalan. May pagsisisi ako na hindi ko s'ya ipinag laban, pero wala akong pagsisisi na minahal ko s'ya kahit palihim lang. Baka nga hindi talaga pwede? "Papa tulala ka na naman." Bumalik ang diwa ko ng hawakan ako ni Cadberry. "May problema po ba?" "Nothing princess," pinilit kong ngumiti. "Gusto mo bang dalawin natin Mama mo mamaya?" "Gusto ko kapag dinalaw natin s'ya gumising na s'ya." Kumirot ang puso ko sa sinabi ni Cadberry. "Anak pasensya na pero kasi hindi pa magagawa ni Mama 'yon." "Bakit po?" Ito na naman siya sa pag ta-tanong. "Anak gusto mo punta tayo sa paborito nating lugar? Pasyalan natin 'yung mga batang hinahatidan natin ng pagkain? Miss mo na ba silang kalaro?" Tanong ko upang ibahin ang usapan. "Talaga po?" Manghang tanong niya bago ako niyakap at hinagkan sa pisnge. "Sige po! Gusto ko na silang kalaro at tsaka Papa na ba-bagot na po ako." Sumibangot ito kaya naman napangiti ako. "Ang princess ko talaga napaka cute. Manang-mana ka sa Mama Jessie mo." Nangilid ang aking luha ng mapatitig kay Cadberry. "Kamukang-kamuka mo s'ya." Wala sa sariling sambit ko. Minsan may araw na hindi ko kayang tignan si Cadberry kasi sobrang miss na miss ko na si Jessie. Nakikita ko sa anak niya ang ngiti, galaw at ang malambing na pananalita niya. Hanggang ngayon nangungulila parin ako. Limang taon na, pero s'ya parin ang hinahanap ng puso ko. Alam kong mali ang mag mahal nang may asawang tao, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na mahalin si Jessie. "Ayaw mo bang makipag laro sa mga pinsan mo?" Takang tanong ko bago napasulyap kay Cadberry. "Gusto naman po pero kasi mas gusto ko kalaro 'yung mga batang nasa lansangan." Napatango na lamang ako bago nag focus sa pagmamaneho. "Wow! Papa may picture ka pala ni Mama sa kotse mo? Ang ganda namin Papa noh?" Kinikilig na tanong ni Cadberry. "Maganda kasi ang Mama mo kaya naman maganda ka." "At gwapo si Papa!" Natawa ako. "Talaga walang halong pambobola?" Paninigurado ko. "Baka kasi sinasabi mo lang 'yan para payagan kitang mag dumi mamaya?" Panunukso ko. "Totoo ang sinasabi ko Papa." Nag cross arm ito habang nakanguso. "Sayang lang Papa noh?" Biglang lumungkot ang itsura ni Cadberry. "Kung nandito lang sana sa tabi natin si Mama, baka sobrang saya talaga natin." Hindi ako sumagot. Paliko na sana kami sa court kung saan kami nag papamigay ng pagkain sa mga bata nang mabilis kong tinapakan ang preno upang tumigil ang sasakyan. "Papa bakit po?" Gulat na tanong ni Cadberry. "Anak sandali lang, ok? Dito kalang sa kotse wag kang lalabas." Mahigpit na bilin ko bago nag mamadaling lumabas. Mabilis akong tumakbo upang habulin si Jessie. Oo si Jessie ang nakita ko hindi ako maaring mamalikmata! May kasama siyang matanda ngunit huli na ako dahil mabilis silang nakapasok sa isang baryo. Hinalughog ko 'yon ngunit wala na sila. Mariin akong napapikit. Sa galit ko ay nasuntok ko ang pader habang patuloy ang pag-agos ng aking luha. "Bakit ba hindi ko matanggap na wala kana? Jessie parang awa mo na bigyan mo 'ko ng sign." Bumalik na ako sa kotse. "Papa there's a blood!" Natatarantang sabi ni Cadberry bago kumuha ng tissue. "Nakipag away ka p-po ba?" "No anak, sorry. May nakita lang kasi ako." Matamlay na sagot ko bago pinaandar ang sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD