Chapter 16

772 Words
Hindi kami nag tagal sa court kaya naman hindi nakapag laro si Cadberry. Nawala nalang kasi ako sa mood. Hindi ko matanggap na namalikmata lang ako. Sa loob ng limang taon ay ngayon lang nangyari sakin 'to. Ngayon lang ako namalikmata kaya naman 'yung natitira kong pag-asa? Naubos na. "Papa bakit po parang kanina ka pa malungkot?" "Sorry anak, bawi nalang si Papa. Kila Lola muna tayo dederetso, ok?" Napatango s'ya. Tahimik lang kami buong byahe hindi narin nag tanong pa si Cadberry dahil nararamdaman niyang may iniisip ako. Ganito s'ya, napakatalinong bata. Marunong siyang makiramdam kaya naman ingat na ingat ako. "Cadberry laro tayo!" "Papa pwede po ba?" Paalam n'ya kaya naman agad akong napatango. "Ingat kayo, baka madapa kana naman." Bilin ko bago niyakap si Mommy. "Dito muna kami," napabuga ako ng hangin bago na upo. "May problema ba? Nag tatanong na naman ba ang apo ko tungkol sa Mama n'ya?" Nag aalalang tanong ni Mom. "Hindi ka maniniwala sa nakita ko, Mom." "What is it?" "Naku! Let me guess," sabat ni Samantha, my sister. "Si Jessie na naman ba?" Hindi ako nakasagot kaya naman napailing s'ya. "So, tama ako? Bro, move on. Limang taon na s'yang patay. Nandun ka mismo sa burol at sa libing n'ya. Let say na gago 'yung asawa niyang si Melvin, pero hindi pa ba malinaw sayo na ginusto naman niyang balikan ang asawa n'ya? At alam mo ba kung bakit?" "Samantha," saway ni Mom. "Nah, it's ok Mom hayaan mo lang s'ya." Malamig na sabi ko bago tumitig sa kapatid ko. "What I'm try to say for you to understand is ginawa lang ni Jessie kung ano 'yung tama. Bumalik s'ya sa asawa n'ya maybe because gusto niyang maging maayos silang muli? At 'yung ibinibintang mo sa kampo nila Melvin? Bro, wala kang matibay na ebedensya kaya talo ka talaga. Pending lang 'yung kaso at sinira mo lang pangalan mo. Look at yourself," malungkot n'ya akong tinitigan. "Kuya hindi na ikaw 'yung dating Cadmus. Ang laki na nang pinag bago mo 'di na ikaw 'yan. Sinugal mo 'yung sarili mo alam namin 'yon. Ginawa mo lahat maprotektahan lang s'ya, at ngayon ay ang--" "Don't even go there." Galit na banta ko. "Huwag mong idamaya si Cadberry na iintindihan mo ba? Desisyon ko 'to at wala kang pake. Sa tingin mo ba na pabayaan ko ang company kaya ganiyan ka manalita? Well you're wrong Samantha. Ayos lang kami, at ayos lang din ang company don't worry." "Kuya I didn't mean that, pero ang sakin lang naman at least give a chance. Subukan mong maging masaya ulit kasama 'yung anak-anakan mo. Bakit hindi mo pansinin si Kyline? Kuya palaging nasa tabi mo 'yung tao, at maging si Cadberry tanggap n'ya." Hinawakan ni Mom ang kamay ko. "Anak at some points, tama naman ang kapatid mo. Bakit nga ba hindi mo subukang mag mahal ulit? Si Kyline, tanggap n'ya si Cadberry." Napabuntong hininga ako. "Susubukan ko Mom," napabaling ako kay Samantha. "Alam kong kaybigan mo si Kyline at kilala mo na s'ya kaya mo na sasabi ito, at alam kong gusto mo ang mapaayos ako. Salamat, pero ako ang mag dedesisyon kung kaylan ko bubuksan muli ang puso ko." "Papa!" "Yes princess?" Inayos ko ang expression ng muka ko at nag lagay nang ngiti. "Tita Kyline is here na po, at Papa binigyan n'ya ako ng gift." Napasulyap ako kay Kyline. "Thank you," I mouthed. "Anything for princess Cadberry." Nakipag beso s'ya sakin. "Kamusta ka?" "Kuya is fine, and sabi n'ya mag dinner daw kayo." Napabaling ako kay Samantha at tinaasan s'ya ng kilay. "Really? Yah, sure. Wala naman akong gagawin today so, yeah. Free ako." Wala na akong na gawa kundi ngumiti nalang. "Don't worry Kuya kami na ang bahala kay Cadberry." Pinisil ni Samantha ang pisnge nito. "Gusto mo kay tita at Lola, right?" Napahagikhik ito. "Opo tita!" Nag ti-tiwala naman ako sa parents ko at kay Samantha. Napamahal na sakanila si Cadberry. Itinuring nila itong tunay na kadugo katulad ng ginawa ko. Hinding-hindi s'ya makukuha sakin ni Melvin, at hindi nito malalaman na may naging anak sila ni Jessie. Ito ang ipinapangako ko. "Balita ko gusto mo daw mag hanap ng Yaya na mag aalaga kay Cadberry? Gusto mong tulungan kita?" Napasulyap ako kay Kyline bago ibinalik sa daan ang tingin ko. "Oo sana kasi i-eenroll ko na s'ya." Sagot ko. "May gumawa na non para sakin, pero salamat pa din. Mag start na s'ya pero kakauwi lang daw kasi nito kaya naman humihingi pa ng ilang araw." Paliwanag ko. "S'ya parin ba?" "Sino?" Patay malisyang tanong ko. "Si Jessie?" "Hindi na", pagsisinungaling ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD