Chapter 14

738 Words
Takot na takot si Melvin sa nagawa niya. Nanginginig na tinawagan niya ang Ina habang ang nakahandusay na katawan ni Jessie ay tinititigan niya. "N-Nabigla lamang ako! Mommy m-maniwala ka sakin hindi ko ginustong patayin s'ya! I swear! Gusto kong maging maayos kami, pero kasi ang dilim 'yung pangin ko nung sinabi niyang may nangyari na sakanila nung lalaki n'ya!" Natatarantang kwento ni Melvin sa Ina. "Diyan kalang, ok? Parating na kami. Walang dapat makaalam niyan, tumahan kana. Parating na kami at aayusin natin ito." Bilin ng Ina niyang natatakot para kay Melvin. "Anong gagawin mo sa bangkay ni Jessie?" "Ipapatapon ko. Hindi ka makukulong, hindi ka pwedeng makulong. Kaya hindi aamin kahit anong mangyari, ok?" Napatango si Melvin. Kalahating oras pa ay dumating na ang Ina ni Melvin. May kasama itong mga tauhan. Agad nilang ipinasakay sa van si Jessie at dinala sa liblib na lugar. Sa isang malaking tambakan ng basura ito napag pasyahang itapon ng mga naatasan nang Ina ni Melvin. Lingid sa kaalam nila ay may nakakita sakanilang matandang lalaki. Mabuti nalang at madilim na kaya naman hindi nila napansin ang matanda. Dali-dali nitong nilapitan ang kaawa-awang si Jessie. "Tao?!" Bulalas nito. Sinubukang alamin nito kung buhay pa si Jessie. Halos mapaluha ang matanda ng malamang may pulso pa ito. Agad siyang humingi ng tulong upang mabuhat si Jessie at agad na maitakbo sa kaniyang bahay. Hindi na niya ito pinadala pa sa hospital dahil kilalang magaling na mang gagamot si toper. _____ "Mira!" Agad akong napatakbo pababa sa tawag ni Tatay. "Bakit po?" Nag-aalalang tanong ko. Iniisip ko kasi ay inaatake na naman ng hapo si tatay, may hika kasi siya dala narin ng katandaan. "Ikaw na bata ka! Kanina pa malamig ang niluto ko kakatawag saiyo. Kumain kana at mahuhuli kana naman sa trabaho mo sa factory." Ang aga na naman manermon ni tatay. Napabuntong hininga ako bago sumagot. "Tay, palagay ko'y bagay akong mag trabaho sa maynila noh? Kasi sabi sakin ni Letti 'yung kaybigan ko, tanda mo? Sabi n'ya malaki daw ang kitaan dun kaysa sa rate dito sa probinsya." Paliwanag ko. Umaasa akong papayag si tatay pero umiba na naman ang awra niya. Palagi na lamang siyang ganito kapag sinasabi kong nais kong mag trabaho sa maynila. May bahay ang kapatid niya dun, si tiyo Mario. Kaya lang ayaw naman niyang bumalik. Kahit nga imbita samin tuwing pasko o birthday ni tiyo ay ayaw n'ya. "Ilang beses ko bang sasabihin na hindi pwede? Nauudyukan kana naman ng kaybigan mong si Letti ano? Sabihin mo sakaniya kung nais niyang mag maynila at siya na lamang! Wag kana kamong idinadamay pa." Pangaral ni tatay bago napabuntong hininga. "Basta anak wag is matigas ang ulo, ha? Pinoprotektahan lamang kita." Ito naman ang palaging sinasabi ni tatay sakin. Wala akong ma-alala sa nakaraan ko. Sabi kasi ni tatay ay nabagok daw ang ulo ko at nalimutan ang kabataan ko. Kaya naman parang nag sisimula ulit ako sa umpisa. Limang taon na nung mangyari ang insidente, at maayos naman ang buhay namin ni tatay dito sa probinsya. Masaya naman kahit na masasabi kong mahirap ang buhay. Wala na si nanay, maaga daw akong na ulila, at ako lang din ang i-isa nilang anak ni nanany. Mira ang tawag sakin, pero miracle ang tunay kong pangalan. Milagro daw kasi na nabuhay pa ako dahil sa nangyaring aksidente. Sa maynila kami nakatira nun nang mangyari ang aksidente na nakapag pawala ng alaala ko. Kaya nga siguro ayaw na ni tatay na bumalik pa kami dun. Sabi ni tatay ay hindi permanente ang pag kawala nang mga alaala ko, pero ewan ko ba kung bakit sa limang taon wala pang linaw ang lahat. May ilang mga scenario na parang bumabalik. Napapanaginipan ko palagi ang mukha ng isang gwapong lalaki na may kargang bata? Ewan ko kung anong connect sakin non. Sabi naman ni tatay ay dalaga ako at no boyfriend since birth, inshort NBSB. "Pasok na po ako tatay." Paalam ko bago nag mano sakaniya. "Maaga po akong uuwi dahil sweldo day! Kakain tayo sa labas tatay." Kumindat ako bago tuluyang umalis. Masaya akong pauwi ngayon. Nakuha ko na ang sweldo ko at excited ako kasi malilibre ko na naman si tatay. Ngunit masamang balita ang nadatna ko. "Anak nasunog ang bahay natin." Humahagulhol na sabi ni tatay. Napaluha na lang din ako at niyakap s'ya. "Tatay mukang kaylangan na talaga nating makitira muna kay tiyo Mario."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD