"Namamayat kana."
"Nag taka ka pa? Gusto mo 'to di'ba?" Galit na tanong ko.
"Kumain ka." Inilapag niya sa side table ang pagkain na idinala n'ya para sakin.
Dalawang araw na akong hindi kumakain. Wala na akong gana mabuhay dahil wala na lahat sakin.
Anong silbi ng buhay ko?
"Kahit mabuhay ako wala narin naman itong silbi. Alam mo," napatingin sakin si Melvin. "Kung hindi lang kasalanan ang mag pakamatay? Matagal ko nang ginawa." Madiing wika ko.
"Kumain ka." Tanging sagot niya bago kinalas ang tali sa kamay ko.
"Itali mo lang ako," napangisi ako sakaniya. "Bakit? Tinatablan kana ba ng konsensya? Wala ka nun Melvin. Dapat nga binubugbog mo na ako ngayon. Kasi wala ka namang awa di'ba?"
"Pag tapos mong kumain tatawag ka kay Cadmus." Malamig na sabi n'ya.
Nabuhayan ako ng pag-asa. "B-Bakit pa?" Utal na tanong ko. Hindi ko pinapahalatang excited ako. "Ayoko siyang makausap kaya wag mo na siyang idamay."
"Sasabihin mo ang lahat ng i-uutos ko Jessie. Maging masunurin kalang mag titiwala ulit ako sayo. Mag si-simula tayong muli."
Malakas akong napamura sa isipan ko dahil sa sinabi niya.
"Joke ba 'yan?" Malakas akong napahalakhak. "Hindi bagay sayo muka kang tanga." Walang emosyong sabi ko bago tinabig ang kamay n'ya. "Kahit balat mo lang madikit sakin? Sobrang nandidiri ako sayo. Kinakasuklaman kita Melvin, at hinding-hindi na tayo babalik sa dati. Wala na 'yung dating masayang relasyon natin na pinili mo mismong sirain. Ikaw ang pumili nito kaya panindigan mo, at oo nga pala." Napatitig ako sa mata niya. "Maging asong taga sunod kana lang sa Ina mo tutal parehas naman kayong walang kwenta di'ba? Isagad nyo na pagiging demonyo nyo."
Isang malakas na sampal ang iginawad ni Melvin sakin. "Huwag mong babastusin ang Mommy ko!" Dinuro n'ya ako. "Binihisan kita, ginawang tao at pinalamon. Kaya wala kang karapatan na mag salita ng ganiyan na iintindihan mo ba?" Hindi ako sumagot kaya naman sumigaw siya. "Naiintindihan mo ba?!" Pag-uulit niya.
Napilitan akong tumango. Oras na makuha ko ang loob n'ya magagawa kong makalaya ulit. Kaylangan mo munang tatagan ang sarili ko ngayon. Magiging masunurin ako tulad ng gusto n'ya, at kapag nakuha ko na ulit ang loob ni Melvin magagawa ko nang bumalik kay Cadmus para mag paliwanag.
Walang imik kong kinuha ang pagkain na dinala n'ya sakin. Lumuluhang kinain ko 'yon kahit na hindi ko na malunok ang iba dahil sa mga pang-iinsultong sinabi niya sakin.
"Good girl," hinaplos niya ang buhok ko. "Kung magiging masunurin ka, magiging maayos tayong muli Jessie. Hindi kana masasaktan maging ni Mommy, basta maging mabait ka lang. Masakit sakin na nawala 'yung baby at alam kong napakasakit nun para sayo. Babawi ako, pangako." Hinawakan niya ang aking kamay at hinagkan.
Kahit na gustong-gusto kong sipain s'ya at murahin ay naging tahimik lang ako.
Umalis s'ya kaya naman natahimik na muli ako. Isang oras din bago siya bumalik, at pag balik n'ya may dala na siyang cellphone.
"Sasabihin mong nag balikan na tayo, ok?" Bilin ni Melvin bago tinawagan si Cadmus. "Huwag mo na kaming guguluhin ng asawa ko maayos na kami, at oo kami na ulit."
Rinig na rinig ko ang pag pipilit ni Cadmus na makausap ako. "Nasaan si Jessie?" Aligaga nitong tanong kaya naman si Melvin ay agad na ibinigay sakin ang phone.
"H-Hello?"
Pinanlakihan ako ng mata ni Melvin. May nakatutok din na baril sa sentido ko, at isang maling salita ko lang? Tiyak na sabog ang ulo ko.
"Jessie sinasaktan ka n'ya bakit ba bumalik ka pa? Tanga kaba?" Galit na tanong ni Cadmus.
"Oo tanga ako." Impit akong naiyak. "Huwag mo na sana kaming gagambalain pa."
"Narinig mo ba 'yon Cadmus? Mahal ako ni Jessie, at napatawad na n'ya ako. Nawala man ang baby namin ay mag sisimula kaming muli kahit na mahirap."
Matapos itong sabihin ni Melvin ay binaba na niya ang tawag.
"Napakahayop mo!" Nag pupumiglas ako at nais siyang pag sasampalin ngunit wala akong lakas. Mahigpit din ang pagkakatali ni Melvin sakin.
"Inutil ka!"
"Isa pang sabi mo niyan mapapatay na kita!" Nanlilisik ang mata ni Melvin.
"Mas mabuti kung patayin mo na ako! May nangyari na samin ni Cadmus," matapang na sabi ko. "Iniputan na kita bilang ganti sa kasamaan mo sakin! Pinapak n'ya ako sa kama kahit na buntis ako!"
Pagsisinungaling ko upang mas galitin s'ya.
Pinukpok n'ya ako ng matigas na bagay kaya naman nakaramdam ako ng hilo. Napahawak ako sa aking ulo at nakapa kong may dugo.
"Malandi ka!" Galit na galit si Melvin.
Dahil sa galit niya ay naiputok niya ang baril.
Ramdam ko ang pag tagos ng bala, at bago ako mawalan ng malay kita ko ang gulat na reaction ni Melvin.