Chapter 12

718 Words
"Bitawan mo 'ko!" Paos na kakasigaw si Jessie. Halos lumuha na s'ya nang dugo kakaiyak. Hindi niya alam ang gagawin o kung paano ba siya makakatakas sa asawa niyang nahanap na kung saan siya nag tatago. Wala naman talaga siyang balak umalis lalo na at ibinilin ni Cadmus na mag hintay siya. Tiyak na umaasa ito na hindi siya aalis. Hindi rin nito malalaman na kinidnap siya ni Melvin dahil sa sulat na iniwan nang asawa niya. "Hayop ka!" Dinuran n'ya ito at masamang tingin ang ibinigay. "Nakakadiri ka! Napaka hayop mo talaga!" Napasigaw si Jessie ng sabunutan siya ni Melvin. "Nasaan ang anak ko? Saan mo itinago ang bata?! T*ngina sumagot ka!" Napahagulhol si Jessie. "P-patay na." Nanghihina niyang sagot. Gulat na nabitiwan siya ni Melvin. "T*ngina, anong sabi mo? P-patay? Paanong?! Paano mamatay 'yung batang kakasilang mo lang?! Naunahan lang ako ng lalaki mo! Malinaw kong nakita na karga n'ya 'yung bata! Huwag ninyo akong gawing tanga!" "Patay na nga di'ba?! Patay na! P*tangina mo Melvin! Hindi mo alam 'yung sakit na dinadala ko hanggang ngayon! Siyam na buwan ko s'yang dinala sa sinapupunan ko, pero kunuha parin s'ya sakin. Nasaan kaba? Nasaan ka nung mga araw na nahihirapan ako? Wala naman di'ba?! Kasi napaka inutil mo! Sarili mo lang iniisip mo! Wala kang kwentang ama! Kung nasa tabi pa nga kita baka binugbog mo pa ako kasi iyan lang naman kaya mo eh! Binubugbog mo ako kasi alam mong wala naman akong laban! Deserve mong mamatayan ng anak dahil t*ngina ka! Pero ako? Hindi ko deserve ang lahat ng ito. Minahal ko 'yung bata." Napatakip ako sa muka ko at malakas na humagulhol. "M-Minahal k-ko si Cadberry kahit na ikaw 'yung ama! Kahit na dugo mo ang nanalaytay sa ugat n'ya!" Matalim akong napatitig kay Melvin. "Bubugbogin mo na naman ako? Sige! Sige patayin mo narin ako hayop ka! Huwag mo na akong pahirapan! Hindi na kita mahal! Hinding-hindi na! Nagsisisi ako na naging asawa kita! Sana maibalik 'yung oras kasi babalik talaga ako sa panahong nakilala kita, tapos si Cadmus 'yung pipiliin ko." "Lalaki mo ba s'ya?" Garalgal ang boses ni Melvin. "Nakakadiri k-ka Jessie. Pinaako mo sa iba 'yung anak ko! Sana hindi s'ya namatay kung hindi ka umalis!" Sinakal ako ni Melvin. Binitawan lamang niya ako nung sunod-sunod na ang pag agos ng aking luha. "Kung hindi ako umalis? D-Dalawa na kami ng anak ko na pinag lalamayan." "Jessie hindi ko kayang pumatay." "Pero kaya mong mambugbog!" Tinalikuran na n'ya ako. "Hindi ka makakawala sakin hanggat hindi ka nag sasabi ng totoo." Malamig na sabi niya bago lumabas sa kwarto. Inuwi na naman n'ya ako sa bahay. Ngunit nakakulong ako, at walang kalayaan. Isang araw palang ang ipinamamalagi ko. Isang araw palang pero sobrang na ngungulila na ako. Mababaliw na ako kakaisip kung hinahanap ba ako ni Cadmus? Ano bang iniisip n'ya ngayon? Kung alam lang sana niya na sobrang nag titiwala ako sakaniya. Minahal ko s'ya sa sandaling nag kasama kami. Parte na s'ya ng buhay namin ni Cadberry, at natitiyak ko na kung lalaki nga lang sana si Cadberry. Si Cadmus ang kikilalanin niyang ama. Hinding-hindi ko s'ya ipapakilala sa ama niyang walang kwenta! "Anak.." Napatingala na lamang ako habang nakatanaw sa binatana. "Kung naririnig mo man si Mommy s-sana wag kang mag tatampo sakin. Mahal na mahal ka namin ni Cadmus. Lalo na s'ya," napangiti ako ng may ma-alala. Bumalik sa isipan ko 'yung buwan na kwinekwentuhan pa kami ni Cadmus para lang makatulog. At sa tuwing sumisipa si Cadberry, tuwang-tuwa s'ya. "Si Cadmus din pala ang nag pangalan sayo. Napakaganda anak," napaluhod ako at tuluyang humagulhol. Niyakap ko na lamang ang aking sarili. "Sayang hindi ko na sabi 'yung nararamdaman ko sakaniya." Kasi sobrang na du-duwag ako. Natatakot akong umamin kasi mas lalo lamang gugulo ang lahat. Mapapatunayan lamang ni Melvin na sumama ako sa ibang lalaki para sa pansarili kong kapakanan, at pwede niyang kasuhan si Cadmus. Sobrang dami kong ikinakatakot, at ngayong nasa poder na naman ako ni Melvin? Wala na akong nakikitang pag-asa. Pakiramdam ko hindi talaga ako gustong maging masaya, may pumipigil. Pakiramdam ko nga hindi na pag subok ito, parusa na yata. At kung mag kikita man muli kami ni Cadmus? Sisiguraduhin kong aamin na ako kahit na hindi kami parehas ng nararamdaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD