Chapter 11

769 Words
Malungkot si Jessie sa pag kawala ng kaniyang pinakamamahal na anak. Siyam na buwan nilang iningatan at inalaagan ni Cadmus wag lang mawala ang bata. Ngunit sinusubok nga talaga sila. Dahil kahit anong hiling at dasal ang ginawa niya, ay tuluyan parin itong binawi sakaniya. Kung malungkot s'ya ay mas nakikita niya ang kalungkutan kay Cadmus. Kasabay niyang umiiyak ito araw at gabi. Para bang may nais itong aminin na hindi nito magawa kaya naman palagi na lamang siya ang lumalapit at nag tatanong. Isang linggo palang ang lumilipas kaya sariwa pa ang lahat. Hindi alam ni Jessie kung paano at saan ba s'ya dapat mag simula? Paano ba s'ya magiging masaya ulit? Kaya pa ba n'ya? Mabilis lang ang pa buburol kay Cadberry. Ito ang suggest ni Cadmus sakaniya kahit na alam niyang doble ang pasakit na dinadala nito. Dahil minahal na sila ni Cadmus. Minahal na nito ang anak niya at nag papasalamat siya ng sobra-sobra. Wala si Jessie sa kalayaan ngayon kung hindi dahil sa tulong ni Cadmus. Itinaguyod siya nito maging ang anak niya kahit na wala naman talaga dapat itong obligasyon sakanila. Si Melvin ang dapat sanang nasa tabi niya at umaalalay, at maging ang pag damay ay dapat na kasama niya ang asawa. Ngunit imbis na danayan ay tiyak na bugbog lamang ang aabutin niya. At ngayong wala na ang anak nila maari na siyang umalis sa poder ni Cadmus. Maari na siyang bumalik sa asawa niya at makapag higanti. Hindi papayag si Jessie na maging masaya si Melvin habang siya ay nag dudusa dahil sa pag kawala nang kanilang anak. "Cadmus." Napukaw ang atensyon ni Cadmus mula sa malalim na pag i-isip ng tawagin siya ni Jessie. "Hey." Matamlay na sagot n'ya bago ibinaba ang alak na iniinom. "Alam kong masakit," kita niya ang pag kagat ni Jessie sa ibabang labi nito na sinusubukang pigilan ang luha. "Pero k-kasi hindi naman pwedeng maging ganito nalang tayo di'ba? Sobrang sakit oo, ramdam na ramdam ko 'yang sakit na nararamdaman mo dahil wala na si Cadberry. Pinangalanan mo pa s'ya at sobrang ganda non." Hindi nakaimik si Cadmus. "At ayos lang Cadmus. Alam kong ginawa mo lahat maalagaan lang kami, sobrang nag papasalamat ako kasi dumating ka sa buhay namin. Panandalian man 'yung saya na ibinigay satin ni Cadberry." Hinaplos ni Jessie ang mukha ni Cadmus. "Habang buhay naman natin siyang dadalhin sa puso natin." "Jessie one day magiging maayos din ang lahat, trust me." "Aalis na ako Cadmus." Tila ba binaril sa puso si Cadmus. "Bakit? Hindi kita pinaaalis. Stay here, may mga plano pa ako." Masuyo nitong sabi. "Igaganti kita sa asawa mo pangako." "I'm sorry pero buo na desisyon ko Cadmus." Mapait na ngumiti si Jessie sakaniya. "Labas kana sa problema ko. Wala na akong anak na pinoprotektahan mula sa asawa ko." Mariing napapikit si Cadmus. Hindi s'ya pwedeng mawala sa plano niya kaya naman nag isip muna siya nang sampong beses bago sumagot. "Basta mag tiwala kalang sakin, stay here. Pag balik ko sasabihin ko sayo ang totoo." Tumayo si Cadmus bago derederetsong lumabas ng bahay. Mabilis niyang minaneho ang sasakyan patungo sa mga taong pinag kakatiwalaan niya. Matandang mag asawa na tiyak niyang hindi malalaman ni Melvin kung saan niya itinago si Cadberry. Buhay ang anak ni Jessie. Malusog ito at napakagandang bata. Kinaylangan lang niyang mabilis na itago ito at palabasing namatay upang matigil si Melvin sa pag hahanap sa bata. Upang maging ito ay hindi na madamay sa galit ni Melvin. Dahil kasalukuyan palang na nanganganak si Jessie ay nakita ni Cadmus ang hayop na si Melvin. Nasa mismong hospital ito kung saan nanganak si Jessie. Mukang nakatunog ito kaya naman binantayan na mabuti ni Cadmus ang bata. Kinutsaba na niya ang nurses at doctor sa hospital na 'yon para ma-transfer agad si baby Cadberry. Kinaylangan lang niyang ipalabas na patay ito maging kay Jessie. May balak siyang sabihin hindi lang sa hospital ang tamang lugar. Kinaylangan lang niyang mapaniwala ang lahat na totoong wala na ang bata dahil natitiyak ni Cadmus na may tauhan at nag mamanman sakanila. Ngayong aalis si Jessie mukang kaylangan na niyang sabihin talaga ang totoo. Binabalak niyang sabihin sana na buhay ang bata kapag nasa ibang bansa na ang mag ina. Ito ang plano ni Cadmus sa simula palang. Lilipad patungong Canada si Jessie at ang bata at dun na mananatili habang siya ay tinatrabaho ang hayop na si Melvin. Masayang pabalik na si Cadmus sa bahay kung saan niya iniwan si Jessie. Ngunit wala na siyang inabutan, wala na si Jessie. Nakita niya ang sulat na iniwan nito para sakaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD