Kabuwanan mo na!" Masayang sabi ni Along Luz ng makita akong palakad-lakad. Hindi ako mapakili kanina pa dahil nararamdaman kong makirot na ang tiyan ko.
Wala pa naman si Cadmus. May binili lang s'ya saglit pero babalik din naman daw s'ya. Hindi n'ya kasi gustong iniiwan kami ni baby dahil nga kabuwanan ko na.
Si Manang Luz ay kinuha ni Cadmus na taga linis at taga pag laba. Ngayon ay wala siyang pasok at nasa bakuran lang niya. Malapit lang kasi bahay niya, kapitbahay nga lang namin. Marami narin akong nakilala sa tagal ng pananatili ko dito kasama si Cadmus.
Nung mga unang buwan ay na iiwan pa ako ni Cadmus kapag may importanteng meeting siya ay kinakaylangan niyang lumuwas pero agad din siyang bumabalik.
Maingat na maingat si Cadmus samin ni baby. Hindi man siya 'yung ama ay mas excited pa siyang lumabas na si baby. Hindi ako kaylan man pinakitaan ni Cadmus ng masama kaya naman naging maayos ang pag sasama namin sa i-isang bubong. Wala kaming relasyon pero may namumuong pagkaka intindihan sa pagitan namin.
"Aling Luz manganganak n-na p-po yata a-ko!" Napakapit ako sa bakuran niya. "Pakisuyo naman po kay Cadmus." Sabi ko habang habol ang aking hininga. Sobrang sakit ng tiyan ko at humihilab na kaya naman maging si Aling Luz ay taranta na.
Tatawagin palang sana niya si Cadmus ay nakita na namin ang kotse nito. Nag mamadali n'ya akong kinarga papasok sa kotse ng makababa s'ya at mapansing nananakit na ang tiyan ko.
"Relax kalang malapit na tayo."
"Ang sakit na!" Umiiyak na sigaw ko.
Ganito pala talaga kasakit kapag nanganganay. Dinala n'ya ako sa isang private hospital, sa palagi naming pinupuntahan tuwing may check up.
Agad akong kinuha at isinakay sa hospital bed. At bago ako maipasok sa delivery room ay hindi mo makakalimutan ang mukha ni Cadmus na takot na takot habang inihahatid ako ng tingin.
"Babae po, congrats." Sabi ng nurse bago inilapag sa tiyan ko ang aking anak.
Lahat ng hirap at pagod ay nawala ng marinig ko siyang umiyak. "Tiyak na matutuwa ang tito Cadmus mo anak." Nanghihina man ay na gawa ko paring mag salita.
Ngunit ilang sandali pa ay kinuha na ulit 'yung baby. Ililipat muna daw ako bago ito maibigay sa akin. Nasilayan ko naman na ang mukha n'ya kaya naman tanda ko na ang anak ko.
"Kamusta si baby girl?" Agad na tanong ni Cadmus sakin. "Ikaw, kamusta ka?"
"Ok lang ako, si baby nasa nurse pa. Dadalhin na rin dito," sagot ko bago napangiti. "Excited kang makita s'ya?"
Napatango si Cadmus bago sumagot. "Natitiyak kong napakaganda niyang bata."
Tila ba hinaplos ang puso ko sa sinabi ni Cadmus.
"Nandito na po--" Natigilan ang nurse ng tumayo si Cadmus. "Kayo po ang?"
"Daddy," sagot ni Cadmus bago hinintay na ibigay sakaniya ang anak ko.
Palaging sinasabi ni Cadmus na s'ya ang Daddy kaya hindi na ako nagugulat. Sabi naman niya ay siya na ang tatayong pangalawang ama sa anak ko.
Kinarga ni Cadmus si baby. "May name na ba tayo?" Tanong n'ya sakin habang pinag mamasdan ang mukha ni baby.
"Ikaw na mag pangalan." Nakangiting sagot ko.
Hindi pa s'ya makapaniwala nung una ngunit agad din naman siyang nakarecover sa pagka bigla. "Cadberry," sambit niya habang titig sa anak ko.
"Maganda ang pangalan n'ya." Natutuwang sabi ko. "S'ya ang ating princess Cadberry."
"Jessie parang hindi s'ya humihinga."
Bigla akong kinilabutan at kinabahan. "Cadmus hindi magandang biro 'yan." Seryosong sabi ko bago pinilit na tumayo.
"Jessie hindi s'ya humihinga." Nag papanic na si Cadmus. Agad siyang tumawag sa nurse kaya sumugod agad ang doctor at kinuha ang bata kay Cadmus.
Agad itong dinala sa emergency kaya naman hindi ko na nakita ang bata. Niyakap ako ni Cadmus bago nag salita. "Magiging ok din s'ya."
Lumabas siya upang sundan si baby. Ngunit kalahating oras na ay wala parin si Cadmus kaya naman nag aalala na ako. Hindi mawala wala 'yung kaba sa dibdib ko hanggat hindi sila bumabalik.
Nag liwanag ang muka ko ng makita ko si Cadmus na pumasok. "Kamusta? Nasaan ang anak ko? Ok na ba s'ya?"
Ngunit walang sagot si Cadmus. Niyakap n'ya lamang ako at mas ikinakunot pa ng nuo ko ay ng marinig ko siyang umiyak.
"Cadmus mag salita ka naman! Sumagot ka naman! Nasaan 'yung princess Cadberry natin?!"
Kumalas s'ya sa pagkaka yakap sakin bago lumuluhang tumingin sakin. "I'm sorry Jessie, pero ginawa ng Doctor ang makakaya nila. Hindi kinaya ni Princess kaya tuluyan na siyang namaalam. Mahina ang puso at katawan niya. Wala na s'ya Jessie." Napahagulhol si Cadmus habang ako ay napatulala na lamang habang lumuluha.