Maayos ang pakikisama sakin ni Cadmus. Kahit paano ay hindi na ako ilang sakaniya dahil ipinaparamdam niya sakin na wala naman akong dapat ika-ilang.
Lagi siyang nasa tabi ko. Hindi s'ya masalitang tao pero napaka showy naman niya. May mga times na bigla nalang akong umiiyak at natatakot dahil sa mga na aalala ko pero palagi niya akong kinakausap at ipinapasyal.
Dalawang linggo na kami at maayos naman. Kaya lang parang habang tumatagal mas nagiging delikado 'yung pag bu-buntis ko. Hindi na nga nakakatulog si Cadmus dahil sakin. Palagi n'ya akong itinatakbo sa hospital at sobrang abala na ako.
"Kain na".
"Anong ulam?" Mahinahong tanong ko.
"Adobo, and may garlic s'ya ok lang ba?"
Napatango ako. "Wala pa naman akong amoy na inaayawan." Sagot ko bago na upo.
"Umuulan pala mag jacket ka malamig." Bilin niya bago ako binigyan nang plato.
"Sana walang kidlat," bulong ko.
Takot kasi ako sa kidlat. Kumakabog ng malakas 'yung puso ko kapag 'yung kidlat at kulog nag tandem.
"Palagay ko meron kasi napanuod ko sa news."
Mariin akong napapikit at nahimas ang tiyan ko. "Anak natatakot si Mommy sana wag kang matakot." Bulong ko.
Nag tama ang tingin namin ni Cadmus ngunit agad din niyang iniwas. "Eat," malamig na utos niya bago ako nilagyan nang ulam.
Matapos kumain ay tutulong sana akong mag ligpit dahil nakasanayan kong may ginagawa palagi. Sa bahay kasi nung kasama ko pa si Melvin ay hindi pwedeng nakaupo lang ako. Kahit walang gagawin ay inuutusan n'ya akong ulitin ang mga bagay na ginawa ko na.
Ngunit ayaw ni Cadmus. Halos ayaw n'ya akong pakilusin kulang nalang ay buhatin n'ya ako at wag nang pag lakarin.
Hinintay ko na siyang umakyat upang sabay na kami pumasok sa kani-kaniyang kwarto namin. Hindi kami tabi ni Cadmus pero mag katabi 'yung kwarto namin. Sa masters bedroom ako habang 'yung may-ari mismo at boss ko pa ay sa guest room.
"Matulog kana masama ang nag pupuyat sa buntis", bilin pa n'ya bago pumasok sa kwarto niya.
Napangiti ako bago pumasok narin. Hindi ko naman ugaling mag locked ng pinto dahil wala naman akong dapat ikatakot kay Cadmus. Mabait s'ya at maalaga. Malinis at pure ang intention niya kaya naman hindi ako na i-ilang.
Pahiga palang ako sa kama nang bigla na lamang kumidlat at kumulog ng malakas. Napalundag ako sa kama dahil sa gulat. Agad akong nag talukbong ng kumot dahil sa takot. Ramdam ko din ang panginginig ng katawan ko.
Wala akong magawa kundi ang pumikit na lamang at hindi na pansinin ang kidlat at kulog ngunit sadyang malalakas ang mga ito.
Naalala ko nung si Melvin ang kasama ko. Alam naman niyang takot ako sa thunderstorms pero hinayaan n'ya akong manatili sa labas, basang-basa at giniginaw. Dun ako mas lalong na trauma sa thunderstorm. Nag talo kasi kami nun at pag tapos ay pinalabas n'ya ako at hinayaan sa labas mag damag.
Nilagnat ako kinabukas ngunit ako pa ang sinisi n'ya. Ubod daw kasi ako ng tanga kaya naman sinapit ko iyon sakaniya.
Naramdaman ko na lamang na may nag bukas sa pinto, at kahit malakas ang ulan at thunderstorm ay rinig ko parin ang yabang nang kaniyang mga paa, si Cadmus.
Ramdam ko na s'ya lalo na ng tabihan n'ya ako. Dahan-dahang inalis ko ang nakataklob na kumot sakin upang tignan siya.
"Sleep, don't be scared I'm here."
Ito ang mga salitang nakapag pakalma sakin. "Pasensya kana talaga Cadmus hindi kasi talaga--"
"Hindi mo kaylangang mag explain."
Tanging sagot niya bago tumalikod sa akin. Hindi na ako nag salita dahil alam kong inaantok narin s'ya. Nirerespeto talaga n'ya ako. Hindi s'ya dumikit sa akin, tumalikod din s'ya. Tinabihan lang n'ya ako upang hindi ko isiping nag i-isa lang ako.
Ipinikit ko na ang aking mata. Naging kalmado narin ang aking isipan dahil may taong nasa tabi ko, at si Cadmus 'yon.
Mukang ito na talaga ang simula nang pag babago ng aking buhay. Sana lang maging maayos na ang baby ko, at sana maging matatag rin s'ya katulad ko. Ayokong mawala ang anak ko kaya naman lahat ng pag i-ingat ginagawa ko. Kahit naman gago at malupit ang ama niya kahit kaylan hindi ko kinamuhian ang anak ko.
Minsan na akong nakapag isip ng masama sakaniya at binalak siyang ipalaglag, pero pinagsisihan ko iyon.