Chapter 8

857 Words
"Doc, k-kamusta po ang anak ko?" Lumuluhang tanong ko habang nakatitig sa doctor na kanina pa sumusuri sa akin. "Congrats misis, next po be careful, ok? Hindi po makapit ang bata kaya ano man pong oras ay maari kayong duguin at ma-miscarriage. Iwasan po ang stress, be healthy and eat fruits and vegetables para po mas maging malusog kayong dalawa. Mag dadalawang buwan na po kayong buntis kaya doble ingat po tayo." Mahinahong paliwanag ng Doctor. "Si Daddy po muna ang mag aalaga sa inyo ni baby. Congrats po sa inyo ni mister," bati pa nito kaya napasulyap ako kay Cadmus. Naging instant daddy tuloy s'ya. Nakakahiya na sobra, mukang wala na akong maihaharap na mukha sakaniya. "Hindi ko po s'ya asa--" Balak ko sanang ipaliwanag sa Doctor ngunit nag salita na si Cadmus. "May mga dapat po ba siyang inumin para narin mas kumapit pa 'yung baby?" Napaawang ang labi ko. Hindi na ako sumabat pa sa usapan nilang dalawa at nanahimik na lamang. Iniisip ko tuloy ngayon kung ayos lang bang mapag kamalan siyang ama ng dinadala ko? Dahil sa mata ng ibang tao lalo na sa lugar kung saan kami galing. Lahat sila iisiping kabit ko si Cadmus kaya ko ito sinamahan. Kayang-kaya ni Melvin na gawing issue 'yon kaya inihahanda ko na ang sarili ko, at sana si Cadmus ay handa narin. Kasal kami ni Melvin kaya may karapatan parin siya. Kaylangan kong mapa walang bisa iyon o mag karoon man lang ng separation na katibayang tuluyan na nga kaming hiwalay. "Gaano ba katagal ang proseso ng annulment?" Natigilan sa pag babalat ng mansanas si Cadmus. Napasulyap s'ya sakin bago muling bumalik sa pag babalat. "Why? May plano kang i-annul s'ya?" "Oo sana." "May magaling akong abogado, pero ako na mag sasabi sayo. Hindi madali ang annulment lalo na dito sa pinas. Buti sana kung sa abroad, sobrang dali lang ng divorce lalo na at may pera ka. Kaya lang dito? Annulment? Ihanda mo sarili mo dahil tutubuan ka ng puting buhok sa kunsumisyon." Mahabang paliwanag niya. "P-pero tutulungan mo parin naman ako di'ba?" Kapal ng mukha ang inipon ko maitanong lang ito sakaniya. "Hindi ka makakapag tago habang buhay Jessie. Bakit ba hindi mo nalang s'ya harapin at labanan sa korte? Idedemanda ka n'ya? Bakit kaya hindi mo s'ya unahan?" "Wala akong pera, at s'ya marami. Kaya niyang baliktarin ang batas. Sa huli, makukuha na naman n'ya ako." Sagot ko. "Makukuha ka n'ya kapag pinayagan mo, at kapag hindi ka lumaban. How did they know if Melvin was never been abusive? Nandun ba sila? Kasama ba nila ito hanggang bahay ninyo? Ikaw ang mas nakakaalam Jessie." "At ikaw," nakayukong dagdag ko. "Ang tingin nila sakin ay kabit mo, pero para sa ikatatahimik ng buhay mo. Sige, handa kong guluhin ang buhay ko maging malaya kalang." Mariin akong napapikit. "Sapat na sakin ang ganitong kalagayan. Mag tagago na lamang muna ako hanggang sa makapanganak Cadmus. Pakiusap hayaan mo akong mag stay dito hanggang sa makapanganak ako, at pag tapos ay aalis ako. Aalis kami ng anak ko at hindi kana guguluhin pa. Makakabawi din ako sa kabutihan mo balang araw." "Hindi ko ugaling maningil. Ang naitulong ko ay naitulong ko wala akong kapalit na hinihingi, tandaan mo sana iyan palagi." Inilapag niya ang mansanas na nabalatan niya at nahiwa. "Ito na 'yung bagoong mo." "Salamat." Apple na isasawsaw sa bagoong ang cravings ko bigla. Kaya napatakbo tuloy sa labas si Cadmus ng wala sa oras. Naupo s'ya ngunit may pagitan kami kaya hindi siya nakadikit sakin kahit i-isang couch lang ang inuupuan namin. "Pansin ko kanina ka pa busy sa phone mo, hanap kana ba nila Vivian at Manager?" I asked. Napataas ang kilay niya bago sumagot. "Nope, nag vacation leave ako kaya hindi sila mag tataka." Sagot niya. Ibig sabihin ay-- "Sasamahan mo ako?" Gulat na tanong ko. "Hindi lang dahil sa nandito ka. Need ko rin maman siguro ng pahinga, tulad mo. Masyado din akong sugsog sa trabaho. Matagal naman na itong hinihiling ni Mom sa akin. Ang makapag relax na ngayon ko palang magagawa since nandito din naman ako." Mahabang paliwanag niya. "Maselan din kasi ang pag bubuntis mo kaya hindi pwedeng walang umalalay sayo." Dagdag pa ni Cadmus. "Sino pala kausap mo sa phone, family ba? Siguro ay hinahanap kana nila. Dalawin mo naman, mag relax ka Cadmus." "I'm using Google." Sagot niya na ikinatigil ko. "Bakit?" "Sinesearch ko 'yung mga sintomas ng buntis, mga ayaw mo at mga gusto ng isang taong buntis. Nabasa ko din sa isang article na minsan ay may amoy kayong inaayawan." Lumikot ang mata niya. "Tinanong ko si Ate pero sabi n'ya i-Google ko nalang daw so, I did. Marami akong nakuhang sagot at ok naman--" Pinutol ko s'ya sa pagsasalita. "Cadmus, paano ba kita mapapasalamatan?" "I don't know." Kibit balikat na sagot niya. "Hindi sapat ang salitang salamat o papuri sa mga ginagawa mo." "Employee kita so, iyon nalang ang tignan mong dahilan kung bakit kita tinutulungan." "Kapag na laman ni Melvin kung nasaan tayo, papatayin n'ya kami, maging ikaw." "Dadaan muna s'ya sakin bago n'ya kayo masaktan." Seryosong sagot ni Cadmus.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD