Tulala lamang ako hanggang sa makarating kami sa lugar na titirahan ko. Hindi ko inaasahan na sasamahan pa ako ni Cadmus dahil napakarami niyang trabaho sa maynila. Alam kong hindi niya iyon iiwan para lamang sa akin.
"Vacation house ito ng family ko, pero na sabi ko naman ng may uukupa muna." Basag niya sa katahimikan. Ipinasok niya ang maleta ko kung saan ay nakalagay ang lahat ng aking damit. Ang ibang gamit ay iniwan ko na. Makakabili naman ako ng bago kaysa mag tiis sa piling ni Melvin at ng pamilya niya. Marangya nga ang buhay ko. Ngunit wala din naman pinag kaiba sa impyerno ang buhay ko sa piling niya.
"Pasensya na sa abala." Nahihiyang sagot ko bago nag iwas ng tingin.
Bakit nga ba humantong ako sa ganito? Boss ko pa ang inabala kong hingan ng tulong. Kaya lang sa kalagayan ko ay may choice pa ba ako? Sino bang maari ko pang ibang pwedeng mahingan bukod kay Cadmus? Ang mga pulis? Parang hindi ko yata gusto ang idea na iyon. Kayang bayaran ni Melvin ang batas dahil sa mapera siya, at gagawin lahat maging ng kaniyang Ina ang palabasin akong sinungaling.
Si Vivian?
Hindi pwede si Vivian. Dahil single mom siya at maging magulang niya ay sakaniya lamang umaasa. Dadagdag pa ba ako sa problema niya? Si Cadmus ang best option ko. Hindi talaga kami madalas mag usap ni Cadmus. Sasabihin ko lang ang schedule niya ay buong araw na kaming walang pansinan, pwera nalang kung may itatanong siya na work related.
Kaya nga napakaliit ng tiyansang tulungan niya ako. Tanggap ko kung hindi siya sumipot dahil nag baka sakali lang naman ako nun. Sinong tao ba naman ang isusugal ang sarili niya para sakin? Hindi naman kami close, at wala din kaming relasyon.
Secretary n'ya ako at boss ko s'ya. Ito lamang ang nag u-ugnay saming dalawa. Ngunit ngayon ay iba na. Pinili niyang makisali sa gulo ng aking buhay. Kaya naman kasali na s'ya sa galit ni Melvin na desperadong hanapin ako-- upang patayin.
Mas lalo siyang mag hahabol kapag na laman niyang buntis ako. Iyon ay kung malalaman pa niya. Dahil lahat ay gagawin ko, maitago lamang ang aking anak mula sa demonyong ama niya.
Kasalukuyan akong nandito sa kwarto upang ayusin ang aking mga damit. Matagal ang naging byahe namin dahil liblib ang lugar na ito. Secured din daw sabi ni Cadmus kaya nga ngayon ay kampante na akong makakapag isip.
Napahawak ako sa aking tiyan. "S-Sorry." Nanginginig ang aking labi habang lumuluha. "Pasensya na anak na damay ka pa sa gulo ng buhay ni Mommy. Palalakihin kitang mabuting bata, at hinding-hindi ka magiging katulad ng demonyo mong ama. Sorry kung na pag isipan kita ng masama anak. Hindi ko sinasadya," napabuga ako ng hangin. "Magulo lang talaga ang pag-iisip ko, pero ngayon babawi ako. Magiging malusog kang bata. Thanks to mommy's savior," napangiti ako ng maalala ang ginawang pambubogbog ni Cadmus kay Melvin. "Mabuti nalang mabait si Cadmus anak. Tinutulungan n'ya tayo ngayon kaya dapat ay tanawin natin itong malaking utang na loob."
Tinuyo ko ang aking luha. Babalik na sana ako sa pag aayos nang damit ng may kumatok sa pinto.
"It's me", aniya bago muling kumatok.
Napatayo ako bago inayos ang sarili. Sinigurado kong walang bakas ng luha upang hindi niya mapansing umiiyak na naman ako. Lumapit ako sa pinto at pinag buksan si Cadmus.
"What are you doing?" He immediately asked.
"Nag tutupi ng mga dam--"
"I told you to rest, right? Puyat ka sa byahe kaya kaylangan mong mag bawi ng tulog." Seryosong sabi niya. "Hindi ko alam kung paano ba dapat itatrato ang buntis, pero alam kong pagod ka pa. So, i suggest na matulog ka muna."
Napatango ako bago akmang tataliko ng muli niya akong tawagin.
"Jessie you legs," aniya habang nakatingin sa binti ko.
Akala ko ay may iba siyang ibig sabihin. Ngunit nanlaki ang aking mata at mabilis na nag panic nang makitang may dugo.
Makukunan na ba ako?
Mawawala na ba ang baby ko?!
Agad akong kinarga ni Cadmus. "A-anong g-ginawa ko? Dahil sa kapabayaan ko ito eh." Sinisisi ko ang aking sarili. Si Cadmus ay mabilis akong ipinasok sa sasakyan at dinala sa pinaka malapit na hospital.
Kapag na wala ang baby ko, isinusumpa ko. Babalikan ko si Melvin at kukunin din ang pinaka mahalagang bagay para sakaniya.