Napahagulhol ako habang pinipilit ni Melvin na iuwi. Ngunit nag pupumiglas ako dahil alam kong mapapatay na n'ya ako kapag umuwi pa ako sa bahay. Pipilitin kong makatakas kahit anong mangyari! Napakapit ako sa pinto ng bus kaya naman 'yung mga tao ay takot na takot na nakatingin sa amin. Maging ang driver at kondoktor ay ayaw kaming pake alaman.
"Nasasaktan na s'ya!" Lakas loob na sigaw ng isang babae.
"Ano bang pake mo?! Asawa ko naman ito! Wala kayong pake! Away mag asawa ito kaya tumahimik nalang kayo kung wala naman kayong ambag sa buhay namin!" Galit na sigaw ni Melvin sa mga tao.
"Pulis! Parang awa nyo na tumawag kayo ng pulis!" Pakiusap ko habang humahagulhol. "Ayokong sumama sakaniya. Maawa po kayo sakin tulungan ninyo ako!"
Ngunit wala ni isang tumulong sa akin. Ang tanging ginawa lamang nila ay ang tignan ako habang pinipilit ni Melvin na kalasin ang kamay kong nakahawa sa pinto ng bus na dapat sana ay sasakyan ko.
Hindi ko na sana hinintay pa si Cadmus! Dahil sakaniya ay na abutan ako ni Melvin. Wala siyang puso! Akala ko ay matutulungan n'ya ako pero gaya lang din s'ya ng iba. Pinapanuod lang din n'ya ako.
Buong lakas ko na sanang itutulak si Melvin ng may mauna na sa akin.
"C-Cadmus?!"
Labis ang tuwa at iyak ko ng makita siya. Sinipa n'ya si Melvin at pinaulanan ng suntok. Bumanlandra sa kalsada ang asawa ko habang si Cadmus ay sinusuntok ito kung saan-saan.
Siyang-siya ako ng makitang binubugbog ni Cadmus si Melvin. Pakiramdam ko ay nakaganti na ako sa pambubugbog na ginagawa n'ya sa akin araw at gabi.
"Sorry I'm late." Hinuli n'ya ang pulsuhan ko at hinila ako palayo kay Melvin.
Ngunit bago pa kami makasakay ng kotse ni Cadmus ay narinig pa namin ang galit na sigaw nito habang nakahilata sa daan. Ang mata ni Melvin ay kitang-kita kong nanlilisik.
"Papatayin ko k-kayo! Tandaan mo 'yan Jessie! Hahanapin ko kayo kahit saang sulok pa kayo mag tago! Hindi mo ako matatakasan! T*ngina na kayo! Papatayin ko kayo!"
"Tara na", pukaw ni Cadmus. Kaya naman agad akong sumakay sa kotse habang nanginginig ang buong katawan.
Ang tanging tumatak sa isip ko ay ang salita ni Melvin. Papatayin n'ya ako kasama ang anak ko. Takot na takot akong humagulhol kaya naman napasulyap sa akin si Cadmus na ngayon ay tahimik lang na nag da-drive.
"Akala k-ko h-hindi kana d-darating." Nauutal na sabi ko habang patuloy sa pag luha. "Sabi mo kasi--" Pinutol n'ya ako sa pagsasalita.
"Humingi ka ng tulong kaya nandito ako. May puso ako, tao ako. Jessie hindi ko kayang matulog ng mahimbing habang gabi-gabing iniisip 'yung kalagayan mo sa abusado mong asawa."
"S-salamat." Nakagat ko ang ibabang labi ko. "Hindi ko talaga alam gagawin ko kung hindi ka dumating. Ikaw ang nag litas sa amin ng anak ko. And I'm sure maging s'ya proud na proud sayo sir."
"Cadmus nalang." Tipid na sabi niya.
Napatango ako at pinahid ang mga luha ko.
"Wipe your tears." May inabot saking panyo si Cadmus. "I'm here to help you. Hindi mo na kaylangang matakot, because you're safe now."
Akala ko ay iuuwi ako ni Cadmus sa bahay niya ngunit malayo na ang biniyahe namin. Hiindi ko na alam kung saan kami patungo pero 'yung pakiramdam ko safe na safe. Hindi ko s'ya ganun kilala pero mabilis akong naging komportable.
Huminto kami kaya nag mulat ako. Hindi naman ako tulog dahil nakikiramdam parin ako. Ipinikit ko lamang ang aking mata.
"Wala pa tayo. Stop over lang muna tayo kaylangan mong kumain dahil hindi lang ikaw ang nagugutom." Tumingin s'ya sa aking tiyan. "Pati iyang batang nasa sinapupunan mo."
Napatango ako. Inalalayan n'ya akong makapasok sa restaurant dahil napansin yata niyang may takot parin ako. Pakiramdam ko kasi ay nakasunod lang sa amin si Melvin.
"Kumain kana."
Nanumbalik ang aking diwa at sinimulang hiwain ang steak na inorder niya para sa akin.
Ngunit sadyang nanlalambot parin ako dahil sa takot kaya naman inilapag ko na lamang ang hawak ko at nag kamay.
Wala talaga akong lakas kaya kahit nakakahiya ay nag kamay na lamang ako. Nakatingin sa amin ang iba pang taong kumakain. Nag bubulungan sila at pinag-uusapan ako. Habang 'yung iba ay nag tatawanan na para bang iniisip na mangmang ako.
Mabilis nila akong hinusgahan sa tingin nila.
Ngunit si Cadmus ang nakakuha ng aking atensyon. Binitiwan niya ang hawak niya at nag kamay din. Hindi n'ya ako tinigna ngunit nag salita siya. "Kumain kana".