Chapter 5

765 Words
"Why are you crying?" Gulat akong napalingon kay Cadmus. Nakabukas na nga pala ang pinto after kong umihi. "Wala naman, pasensya na sir. Nakigamit na po ako nang banyo ninyo." Nahihiyang sagot ko habang tinutuyo ang aking luha. Itinago ko ang PT sa likod ko upang hindi na siya mag tanong pa, pero mukang huli na. Dahil nakita na n'ya ito kanina pa. "Congrats," walang emosyong sabi niya bago bumalik sa swivel chair. "Nakakaiyak ba talaga maging nanay?" Tanong pa niya. "M-masaya po." Pagsisinungaling ko. "Really? Pero sa tingin ko'y tila ba pinag sakluban ka nang langit at lupa sa nalaman mo? Normal lang naman na mabuntis ka dahil you're married, right?" Napatango ako. "If you're not comfortable with my questions just ignore it. Nevermind." Napailing pa si Cadmus bago nag focus sa laptop niya. "Seat down, rest if you want. Don't mind me." "Tungkol kagabi--" "Nah, it's fine. Hindi ko ugaling makialam sa away nang mag asawa." Mabilis na sagot n'ya. "Kung sinasaktan ka n'ya ikaw ang unang dapat na a-aksyon at hindi ang ibang tao. Ikaw ang nakakaramdam at ikaw ang may katawan, so it's your decision, o baka sadyang loyal kalang." Napakagat ako sa ibabang labi ko. "Ayokong mabuntis," naiiyak na sambit ko. "May alam kabang pwedeng doctor na makatulong sa akin?" Alam kong katangahan ito, pero kasi sa mga oras na ito. Si Cadmus nalang ang tanong nakikita kong makakatulong sakin kahit paano. Marami siyang kakilala, may doctor rin siyang kakilala. Magaling daw iyon nabalitaan ko. Kaya nga siguro s'ya na 'yung best option para sa akin. "What do you mean? Para maging healthy ang baby mo?" Takang tanong pa niya. "Yeah, I have a friend. Libre na 'yon don't worry," napaiwas siya nang tingin. "Kung mag le-leave ka just send it to me at pipirmahan ko agad." "Cadmus." Napatitig s'ya sakin. "Ayokong ituloy 'to." Tuluyan na akong naluha. "Hindi p-pwede, pakiusap tulungan mo ako. Gagawin ko lahat, mag tatrabaho ako nang walang sweldo parang awa mo na tulungan mo lang ako." Napaluhod ako sakaniya habang pinag kikiskis ang palad ko. "Are you out of your mind?" Galit na tanong n'ya bago ako inalalayan patayo. "Think twice, mahirap 'yang gusto mong mangyari. At isa pa, ano bang kinalaman nang bata sa problema mo? Nasaan ba mga utak ninyo?" "Halimaw ang asawa ko. Hindi ko na kayang pakisamahan s'ya, ag itong bata na ito. Gagamitin lang n'ya kami para makuha ang gusto niya pagka tapos ay ibabasura na." Umiiyak na paliwanag ko. "He's abusive?" Napatango ako. Kumuha ako nang tissue upang ipunas sa make-up ko upang lumitaw ang pasa na itinatago ko. Mahina siyang napamura. "Bakit hindi mo s'ya isumbong sa pulis?" "Ang gusto ko nalang ay makalayo sakaniya." Napabuga ito ng hangin bago muling tumitig sa akin. "Kapag tinulungan kita madadamay ako. Gusto mo bang kasuhan nila ako nang kidnapping? Gusto mo bang masira reputasyon ko? No, I won't do that." Matigas na turan niya. "Alas onse nang gabi, sa bus station malapit dito. Doon kita hihintayin, dumating ka o hindi mag papasalamat parin ako. Isang oras lang kitang hihintayin, pero pag tapos nun at wala ka pa. Ako nalang mag isa ang gagawa nang paraan makapag tago lang sa halimaw kong asawa." Tumalikod na ako at derederetsong lumabas nang office. Maingat ang bawat kilos ko. Saktong wala na si Melvin dahil maaga rin ang pasok nito. Agad akong nag tungo sa kwarto upang i-impake lahat nang damit ko. Itinago ko ito sa likod nang bahay upang pag labas ko ay derederetso na ako. Nag halungkat na din ako sa taguan nang pera ni Melvin. Ngunit dalawang libo lang ang nakuha ko, pwede na itong pamasahe kung sakaling hindi ako tutulungan ni Cadmus. Malayo narin naman siguro ang mararating ng dalawang libo. "Aano ka?" Tanong ni Melvin nang tumayo ako mula sa pagkakahiga. "Iinom lang," sagot ko bago tuluyang lumabas. Maaga kasi siyang umuwi ngayon, at pag tapos ay inaya na agad niya akong matulog. Nagmamadali akong lumabas nang bagay pag tapos kong makuha ang maleta. Nakapanjama pa ako at tsinelas lamang ang suot. Naiwan ko pa nga ang kabiyak dahil sa pag takbo ko. Hindi na ako nag abalang balikan pa ito dahil sa takot na baka nalaman na ni Melvin na umalis ako. Naluluhang yakap ko ang maleta habang nakaupo sa waiting area. Saktong alas onse, ngunit wala parin si Cadmus. Mag i-isang oras na kaya naman nag pasya na akong sumakay sa bus na huminto. Ngunit pasakay pa lamang ako nang may humawak sa braso ko. "Cad-- Melvin?!" Matalim ang titig n'ya sakin at tila ba papatayin ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD