Chapter 4
Isang buong araw akong nag file nang absence dahil sa masakit ang buo kong katawan. Maging ang isang mata ko ay kitang-kita ang pasa na iniwan nang panunutok ni Melvin. Kaya nga kahit nasa bahay lang ay nag shade parin ako dahil sa kahihiyan.
Gumawa na lamang ako nang alibay kay Vivian at sa tingin ko naman ay pinaniwalaan niya. Kinalkal ko ang mga gamot na binili ko upang mapigilan ang aking pag bubuntis. Ngunit wala na ang mga ito. Wala na 'yung pills na kabibili ko lang nung isang araw! Hayop talaga ang lalaking iyon!
Kamakaylan lamang nang mag pasya akong wag na munang mag buntis. In-advance ko na ang sarili ko dahil sa malupit na trato ni Melvin sa akin. Sana una palang nang pagsasama namin ay na isip ko na ito. Una palang sana na nakakaramdam na ako ay uminom na ako nang contraceptives.
Bakit ba napaka tanga ko?
Napakabulag ko!
At ngayon, ang tanging magagawa ko nalang ay ang umiyak at magsisi sa lahat nang desisyon na ginawa ko.
Tinignan ko ang calendar kung kaylan ako huling ni regla. Tinatandaan ko din kung kaylan muli ako dadatnan. Lahat iyon ay kalkyulado ko na sa aking utak. Ngunit mag dadalawang linggo na, lampas na ako sa dapat na araw nang dalaw ko.
Mariin akong napapikit habang malakas ang pag kabog nang akong dibdib. Nag text ako kay Vivian at nakikisuyo na bilihan n'ya ako ng PT. Hindi naman siguro tama ang iniisip ko, baka pressure lang ako dahil kay Melvin. Dalawang linggo palang naman. Wala pang dapat ikabahala. May iba nga na isang buwan hindi dinadatnan dahil nag lalayag.
Hindi ako pwedeng mabuntis.
Kasalukuyan akong nag luluto nang dinner namin ni Melvin. Niluto ko ang paborito n'ya. Napatitig ako niluluto ko. Gustong-gusto ko na siyang lasunin, pero napakalaking kasalanan nito. Kahit naman napakasama ni Melvin ay hindi parin nararapat na patayin s'ya. Dahil hindi sapat ang kamatayan para sa demonyong gaya n'ya.
Narinig ko na ang sasakyan niya kaya agad akong lumabas upang pag buksan siya nang gate. Hinintay ko siyang lumabas ng sasakyan ngunit hindi lang s'ya ang lumabas dito. Si Abby din, 'yung secretary n'ya.
"Don't mind her." Malambing na sabi niya kay Abby bago ako sinamaan ng tingin. "Anong tinatanga mo? Ipag handa mo na kami nang pagkain." Utos nito bago inakay papasok si Abby.
"Malandi ka!" Hinablot ko ang buhok ni Abby at iwinagwag. Pinahalik ko s'ya sa semento habang sinasabunutan. "May asawang tao kinekerengkeng mo! Ako ang asawa n'ya! Mrs. Samonte! Naiintindihan mo ba?!" Galit na singhal ko.
Ngunit itinulak ako ni Melvin dahilan para mapabalandra. Inalalayan n'ya si Abby, bago inayos ang nagulo nitong buhok.
"Pasok sa loob!" Galit na utos ni Melvin.
"Pero kasi--"
"T*ngina! Papasok ka o kakaladkarin kita?!"
"Melvin asawa mo parin naman a-ako." My voice cracked. "Huwag naman sanang ganito. Kahit bilang asawa mo nalang kaunteng respeto naman."
"Asawa sa papel," madiing wika ni Melvin. "And sooner or later mapapalayas na din kita. Kaya malaya na kaming makakapag pakasal ni Abby," napasulyap siya sa nakangiting secretary n'ya.
Hindi na ako nag file nang leave of absence kahit na masakit parin ang katawan ko at na dagdagan lamang ang aking pasa. Naitatago ko naman ito sa make-up. Kagabi matapos niyang maihatid si Abby ay binalikan ako ni Melvin upang piliting makipag talik habang binubugbog n'ya.
"Jessie nakabili na ako." Bulong ni Vivian nang salubungin n'ya ako. "Hindi ka yata late? Hindi ka na ba nang asawa mo?" Masayang tanong n'ya.
"Malapit na," pabulong na sagot ko.
Malapit na n'ya akong ihatid sa hukay.
"What do you mean na malapit na?"
"W-wala. Salamat nga pala Vivian, maasahan ka talaga. Bayaran ko nalang 'to sa sahod."
"Hindi ako na niningil, basta kapag positive ninang ako."
Hindi na ako sumagot. Ngumiti lang ako bago pumasok sa office. Mabuti nalang at wala pa si Cadmus. Inagahan ko talaga para makapag PT pa ako bago s'ya dumating.
May sariling banyo na kami sa office kaya naman ito na lamang ang ginamit ko upang hindi lumabas pa.
"P-Positive.."
Isa-isang nalaglag ang aking luha. Imbis na maging masaya ay gumuho ang aking mundo. Matutupad ang gusto ni Melvin, maging ang anak ko ay gagamitin niya sa pansarili niyang kapakanan. At hinding-hindi ako papayag! Hinding-hindi n'ya malalaman, makikita o makukuha ang bata sa akin.
Impit akong napaiyak habang yakap ang aking sarili.