"Nasasaktan ako ano ka ba?!"
"Mas masasaktan ka kapag nanlaban ka pa!" Bulyaw ni Melvin sa akin kasabay nang pag untog niya sa ulo ko.
"L-Lasing kana naman? Utang na loob naman Melvin! Tantanan mo naman na 'yang kakainom mo! Kaya siguro ganiyan mo na ako itrato eh. Kasi panay kana lang alak, trabaho at palagi mo nalang akong iniiwan." Umiiyak na turan ko habang hawak ang aking nuo na dumudugo dahil sa pagkaka untog niya. "Look at me Melvin," hirap na hirap akong mag salita dahil sa pag-iyak ko. "Para na akong tanga kaka intindi sayo. Minsan na iisip ko dapat siguro mag hiwalay nalang tayo, pero anong ginagawa ko? Inilalaban ko Melvin! Kasi mahal kita, at kung ako hindi mo minahal. Ikaw minahal ko nang higit pa sa buhay ko. Kaya nga na titiis kong makisama sayo kahit na pati magulang mo pinaparamdam pagkaka mali mo lang ako!"
"T*ngina Jessie! Bakit hindi ba? Totoo naman ah!" Galit na sagot n'ya habang nakatitig nang matalim sa akin.
"Totoo ang ano?"
"Totoong pagkakamali lang kita. Kaya lang no choice ako e," nakangisi s'ya sakin. "Kaylangan ko pang mag tiis na pakisamahan ka dahil kay Dad. Kasi hindi ibibigay ni Dad 'yung pamamahala sakin sa company kapag hindi kita na anakan. Ikaw ang gusto n'ya kaysa sa ibang babae na may mas class." Mapang-insultong sabi pa n'ya.
Napahagulhol ako sa inamin ni Melvin. "Napakasama mo! Minahal kita at alam na alam mo iyan."
"Takot kang hiwalayan ako di'ba? Kasi wala kang mapupuntahan. Hampas lupa ka kasi, at basura." Madiing wika niya bago ako hinawakan sa panga at piniga iyon. Marahas n'ya akong isinandal sa pader. "Akin ka, alipin kita. Hanggat hindi kita na a-anakan ay hindi ka makakawala sa akin. Kukuhanin ko ang anak ko, at pag tapos ay makakalayas kana sa buhay namin."
"No! Hindi manyayari 'yon Melvin! Gagamit ako nang protection. Gagawin ko lahat huwag lang akong mabuntis demonyo ka!" Humahagulhol na sabi ko bago siya pinag ha-hahampas sa dibdib. Ngunit masyado siyang malakas.
"Tignan natin kung magawa mo pa nga iyon." Nakangising sabi niya bago ako marahas na itinulak sa kama. Agad niya akong kinumbabawan at inalis ang kaniyang sinturon.
Isinampal niya ang sinturon sa mukha ko at sa iba pang parte nang aking katawan.
Napakahayop n'ya!
Ibang-iba na si Melvin. Hindi ko na talaga s'ya kilala. Hindi na s'ya 'yung tao na minahal ko.
"Tandaan mo na wala kang ibang lalaking lalandiin. Akin kalang Jessie, at kapag na laman kong may lalaki ka." Kinuyom niya ang kaniyang kamao at malakas akong sinuntok sa kaliwang mata. "Papatayin ko kayong dalawa!" Sinakal n'ya ako habang nanlilising ang mata niya.
"T-tama n-na.."
Nagmamakaawang pakiusap ko habang nahihirapang huminga dahil sa pagkakadiin niya sa aking leeg.
"Palamunin kalang kaya umakto ka nang ayon sa kalagayan mo. Huwag kang feeling asawa Jessie, at wag na wag mong pagsasalitaan si Abby." Bilin pa n'ya bago ako binitawan.
Habol ko ang aking hininga habang patuloy sa pag agos ang aking mga luha.
Ayoko na!
Ayoko na sa impyernong buhay na ito. Kaylangan kong makaalis bahala na kung saan ako pupulutin, pero ayoko na rito.
At 'yung Abby na tinutukoy ay n'ya, ay ang secretary niya. Alam ko naman na kabit n'ya 'yon, pero patay malisya lang ako.
Nakatulala lamang ako habang pinagmamasdan si Melvin na ikabit ang sinturon na ginamit niyang pang hampas sakin. Gusto ko s'yang saksakin hanggang sa bumaon ang kutsilyo sa laman niya at tumagos sakaniyang buto. Ngunit hindi ko parin magawang patayin s'ya kahit nung may pagkakataon pa ako.
Kasi akala ko may dahilan s'ya kung bakit siya nagiging ganito sa akin. Ngayon malinaw na sa aking ginagamit lang n'ya ako. Ang ama kasi ni Melvin ay gustong-gusto ako. Palagi sila nitong sinesermonan, maging si Mama Lita. Kaya nga ganun na lamang ang galit sakin nang Ina niya.
Ngunit ngayon wala ang ama niya ay nagagawa nila sakin ito. Hindi ko magawang mag sumbong dahil bugbog na naman ang abot ko. Kaunting kibot ay sinasaktan ako ni Melvin, ni kahit ang mangatuwiran ay inalisan na n'ya ako nang karapatan.
"Layuan mo ang Boss mo," malamig na bilin n'ya bago tuluyang lumabas ng kwarto.
Nagseselos ba s'ya kay Cadmus, o natatakot lang s'ya na malaman nang iba ang ginagawa nilang pangmamaltrato sa akin?