Bakit ba ganito na n'ya ako itrato? Hindi na ba n'ya ako mahal? Iniyak ko na lamang ang lahat ng sakit na ipinaparanas niya sa akin. Iniligpit ko ang kalat na ginawa niya, at 'yung soup na ginawa ko para sakaniya ay itinapon ko na lamang. Mukang malabo rin naman niyang tikman dahil galit na naman siya sa akin.
Matapos mag ayos ay umakya na ako sa kwarto upang i-ayos ang uniform ko. Late na naman ako kaya masasabon na naman ako sa sermon nang manager. Mabuti na nga lang at hindi nag rereklamo si Mr. Guevara. S'ya 'yung CEO, at ako daw 'yung maswerte niyang secretary. Sabi nang mga kasamahan kong employees sa company. Maging ang manager at team leader namin pinupuri ako at palaging tinutukso. Sabi nila ay ako mismo ang pinili ni Mr. Guevara dahil sa educational background ko. Valedictorian daw kasi ako at talaga namang pasok sa expectation nang mismong may-ari.
Buti nga at hinahayaan ako ni Melvin na mag trabaho. Sabagay gusto naman talaga n'ya akong nag wo-work. Hindi rin naman n'ya ako sinusuportahan sa pang araw-araw kaya sariling sikap ako sa pera ko. Asawa n'ya ako pero wala akong karapatan sa kinikita n'ya. Si Melvin ay sa sarili nilang company nag tatrabaho. Sinabi ko naman na sakanilang dun nalang ako mag tatrabaho ngunit hindi nila ako tinanggap. Kaya nga pinilit kong humanap sa iba, at kahit na alanganin pa ako dahil malaking kompanya ang in-apply-an ko ay nag lakas loob parin ako.
"Late ka na naman Jessie," bulong ni Vivian. S'ya 'yung team leader, mabuti nalang at close ko s'ya. Maging 'yung manager close ko rin pero mukang busy na yata kaya hindi na ako na pansin na late na naman.
"Oo nga e, pasensya na. Inasikaso ko pa kasi asawa ko, tapos alam mo namang traffic pa." Nahihiyang paliwanag ko.
"Nag commute kana naman? Akala ko ba ay may kotse kayo? Iba na 'yan friend, baka naman kasi may ibang hinahatid sundo."
Nagawa ko paring ngumiti. "Ano lang kasi mag kaiba 'yung time nang pasok namin, so ako ayoko naman na siyang abalahin pa. Maiba tayo," napalinga-linga ako. "Nandiyan na ba si Mr. Guevara?" Mahinang tanong ko.
"Ah, si sir Cadmus? Wala pa. Kaya nga bilisan mo na at baka makasabay mo pa sa elevator. Katakot pa naman 'yon, sobrang tahimik lang pero 'yung presen--"
Hindi ko hinintay matapos si Vivian sa sinasabi n'ya dahil kumaripas na ako nang takbo. Ayokong makasabay si Cadmus sa elevator! Sobrang nakakahiya talaga 'yon para sa akin. Kasi naman ako 'yung secretary, tapos 'yung oras nang pasok ko sumasabay sakaniya na feeling boss.
Makakahinga na sana ako nang maluwag dahil pasara na ang elevator nang makita ko si Cadmus na humabol. Mariin akong napapikit bago patay malisyang sumulyap sakaniya at bahagyang itinango ang aking ulo.
"Good morning Mr. Guevara," nahihiyang bati ko.
Hindi n'ya ako sinagot.
"Pasensya na po late na nam--" Natigil ako nang mag salita s'ya.
"I don't care," sagot n'ya bago napatitig sakin. Naningkit ang mata n'ya habang sinusuri ako nang tingin. "Anong nangyari diyan?"
"P-po?" Napakurap kurap pa ako bago napatingin sa tinuro n'ya.
Nanlaki ang mata dahil nakalitaw pala ang paltos ko sa binti. Hindi ko ito na isip kanina dahil sa pag ma-madali.
"Natapunan po nang sabaw hehe. Kasi po hindi ako nag i-ingat," palusot ko bago ngumiti upang hindi n'ya ako mahalatang nag sisinungaling.
"Overtime tayo today", malamig na sabi n'ya bago na unang lumabas sa akin.
Napakagat ako sa ibabang labi ko. Hindi ko kasi na sabing overtime kami kay Melvin, baka magalit na naman sakin 'yon.
"Kanina ka pa balisa, may problema ba? If you want to go home, then go." Walang emosyong sabi ni Cadmus na kanina pa pala ako napapansin na hindi mapakali.
Ilang missed call na kasi si Melvin. Hindi ko agad na sagot dahil nga sa busy ako kakaset nang appointment. Madami akong kinausap, ibat-ibang tao para bukas ay prepared na si Cadmus.
Ito rin dahil kung bakit nag suggest s'ya na mag overtime kami, bukas kasi ay tutok na ang oras kung kinabukasan pa kami mag se-set.
Malaki ang hakbang ko palabas nang building. Natanaw ko sa harapan si Melvin na yamot na yamot na habang nakasandal sa harapan nang kaniyang kotse.
"T*ngina mo! Ano bang inaatupag mong tanga ka, ha?! Kanina pa ako dito nag hihintay Jessie!" Galit na singhal n'ya bago ako hinawakan nang mahigpit sa braso.
Napasulyap ako kay Cadmus na natigilan at sa gawin namin ang tingin. Napansin ito ni Melvin kaya naman agad niya akong binitawan at inakbayan.
"Pasok sa kotse," madiing utos niya.
Agad akong pumasok upang hindi na kami mag talo pa, at kung mag tatalo man kami ay sa loob na nang kotse, at walang makakarinig.