Chapter 1

810 Words
"Jessie". Agad akong napalingon kay Mama Lita nang tawagin n'ya ako. Busy kami sa pag aayos nang mga kasangkapang ginamit kagabi sa party ni Melvin. Birthday kasi n'ya kagabi kaya naman may kasiyahan na ginanap. Gastos nang magulang n'ya lahat, at ako? Ako lang naman 'yung naging katulong buong gabi. Wala naman kasi kaming maids dahil ayaw ni Melvin. Magiging tamad lang daw kasi ako kapag kumuha pa kami, at isa pa ayaw niya na wala akong ginagawa. Kahit nga malinis na 'yung bahay pinapalinis muli niya sakin. Ewan ko ba kung bakit s'ya nag iba. Hindi naman talaga masama ugali nang asawa ko, o baka naman akala ko lang 'yon? "Bakit po?" Tanong ko nang bumalik ang aking diwa. "Nag away na naman ba kayo nang anak ko? Galit na naman kasi s'ya kagabi kaya lasing na lasing. Ano ba kasing pag aasikaso ang ginagawa mo sa anak ko?" May katarayang tanong ni Mama habang nakataas ang kilay sa akin. Kahit naman yata mag paliwanag ako isa lang ang kinakampihan n'ya. Ginaganito ba nila ako kasi ulilang lubos na ako, o dahil high-school graduate lang ang tinapos ko? Hindi ko na kasi kayang mag kolehiyo dahil mas kinaylangan kong buhayin ang sarili ko. Sariling sikap ko ang tinutustos ko sa pang araw-araw. Gumaan lang naman ang buhay ko kahit paano nung naging boyfriend ko si Melvin. Ginastosan n'ya ako at sinuportahan. Anim na taon kaming mag kasintahan, at ang buong akala ko ay kilala ko na s'ya. Pero totoo nga ang kasibahan na hanggat hindi mo nakakasama nang matagal sa isang bubong ang taong 'yon. Hindi mo malalaman ang buo niyang pagka tao niya. "Mama wala naman po kaming pinag awayan. Palagi lang po kasing galit si Melvin sakin lately," mahinahong paliwanag ko. "Actually nung isang buwan pa po, Ma. Para pong nag i-iba s'ya sa pakikitungo sakin." Pinigil ko ang aking luha. Ayoko kasing masabihan na naman nila akong pa victim. "Sinasaktan na po n'ya ako." Dagdag na sumbong ko pa. "So, pinapalabas mo ba na barumbado ang anak ko? Binubugbog ka at tinatrato na parang hindi niya asawa? Jessie ang labo naman yata nang sinasabi mo!" Tumaas ang boses ni Mama kaya naman nag panic na ako. "Hindi po sa ganun Mama. Pasensyahan nyo na po ako, baka nga po mali lang ako nang akala." Bawi ko upang kumalma na s'ya. Kapag kasi narinig pa kami ni Melvin ay sasaktan na naman n'ya ako. "Jessie marangal na tao ang anak ko. Mataas ang pinag-aralan at tinapos n'ya. Kaya sino ka para husgahan s'ya? Eh, high-school graduate kalang naman di'ba?" Mapang insultong tanong ni Mama na ikinayuko ko. "Kahit naman po high-school graduate lang ay may tinapos parin naman po. Valedictorian po ako, Ma. Maya nga po na gawa kong makapasok sa malaking company kahit po 'yon lang ang tina--" Hindi na n'ya ako pinatapos sa sinasabi ko. "At ipinag mamalaki mo samin 'yang maliit na achievements mo? Jessie, baka iyan ang dahilan kung bakit nag sasawa na saiyo ang asawa mo? Kasi mayabang ka. Tama naman ako di'ba? Mayabang ka! Kaya wag kanang mag taka kung ganun ka n'ya itrato. Mag didiwang ako kapag nagising na sa katangahan at hiniwalayan ka nang anak ko." Madiing wika ni Mama bago nag patuloy sa ginagawa niyang pag pupunas nang mga wine glass. "Pasalamat ka nga at pinapayagan ka pa niyang mag trabaho kahit na dapat sana ay dito kana lang sa bahay nakapermi at pinag sisilbihan ang anak ko." Hindi na ako kumibo, at tinuloy ko na lamang ang aking ginagawa. Hindi rin naman ako mananalo lalo na sa magulang ni Melvin na masyadong mataas ang expectations. "Gising kana pala", ngumiti ako upang lagyan nang sigla ang aking mukha. "Gutom kana ba? Masakit ba ulo mo? May niluto ako para sayo mahal, kain kana." Alok ko bago inilapag ang soup na ginawa ko upang may mahigop siya. "Tumawag nga pala 'yung secretary mo, si Penelope ba 'yon? Sabi n'ya tatawag nalang daw ulit s'ya sayo, may importante lang daw na sasabihin." Paliwanag ko habang nilalagyan nang soup ang bowl n'ya. Ngunit natigilan ako nang matalim niya akong titigan. "Sinong nag sabi saiyo na may karapatan kang sumagot nang tawag sa phone ko?" Galit na tanong n'ya. "P-pasensya n-na mahal, pero kasi wala naman akong ibang sinabi sa secretary mo. Ano bang ikinagagalit--" Tinabig n'ya ang bowl na may lamang soup kaya naman na tapunan ako sa hita. Impit akong napaiyak dahil sa mainit pa ang soup na 'yon. Kakahango ko lang nito kaya naman talagang mainit, at tiyak na mag papaltos ang hita ko. "Stop calling her my secretary cause she's not!" Sigaw ni Melvin bago ako hinawakan sa panga. "Bwiset na bwiset na ako sa istilo mo Jessie! Ngayon ko nakikinita na mali pala ang naging desisyon ko na pakasalan ka." Madiing wika niya bago ako iniwang umiiyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD