CHAPTER 1

1301 Words
Wesley's Point Of View I reached the condo building so tired and worn out. Napagod ako sa pagtakbo at paggy-gym. Parang gusto ko munang huminto sa daily routine ko, sinasawaan na ako. One week na akong nag-iisip kung tatanggapin ko ang alok ng PCU-UCIPG o hindi. Hindi ko pa rin ma-imagine na may ganoong department ng police force. I never let anyone know my ability. Na-curious lang talaga akong subukan ang psychometry ko that time. Sayang kasi yung babae, ang ganda pa naman kaya ginusto ko lang alamin kung sino ang may gawa. Wala rin namang nangyari, may mask ang killer. Malay ko ring maniniwala sila sa sinabi ko at may alam sila sa paranormal. Hindi naman siguro nila ako susundan pa dito sa Manila. I rode the elevator and reached my unit. Bubuksan ko na sana ang pinto pero nakabukas na 'to. Kinabahan ako. I slowly went inside to know who's the intruder, only to find out it's my father, sitting in my leather couch. "Paano n'yo nalaman ang nilipatan ko?" Nilingon ko siya at tinignan ng walang emosyon. "You're my father, yes, but at least stop invading my privacy. Pwedeng maghintay sa labas." "Hanggang kailan mo ba ako susuwayin? Just because you have your own money doesn't mean you already have your freedom." Seryoso ang tono niya. "I want to live my life alone, so please get out." Mas seryosong tono ko. "Mas may pakinabang ang Kuya Leo mo kaysa sa'yo. He's now taking care of our shipping lines, pero ikaw, eto, still a bum. Kung ano-anong kurso ang kinuha mo na walang pakinabang sa negosyo." I went to the fridge and grabbed a bottle of water. "Mas magaling naman pala si kuya eh, ano pa ang ginagawa n'yo rito? At hindi walang kwenta ang tinapos ko. Maraming umaasa sa mga pulis na minamata n'yo." "Maraming pulis ang walang silbi, nababayaran, nalalagyan, hindi maganda ang tingin ng mga tao sa kanila. Ano ang mapapala mo sa pagpupulis? Pababayaan mo ba ang mga negosyong iniwan sa'yo ng mama mo dahil sa pagpupulis mo?" "Mas maraming nagpapanggap na anghel ang mas asal demonyo pa kaysa sa totoong demonyo," pasaring ko kay Papa, "isa pa, marami pa ring pulis ang matitino at tapat sa serbisyo, at isa ako sa magiging huwarang pulis. Kaya na ni Secretary Johnson ang pagpapatakbo sa kumpanya. May tiwala ako sa kanya. Kung wala na kayong sasabihing maganda, umalis na lang kayo." Mariin kong sabi saka ako nagkulong sa kwarto ko. I resent my dad. He was the reason why my mother and my younger brother died. He killed them, but I have no means of proving my claim. "Blag!" Pabalyang pagsara ng pinto ni Papa. I was 12 years old back then when my father did the most horrible thing a human being could do to his own family. 10 years ago... Papunta kami sa company party that time when my mother heard my father's on the phone talking to his mistress. Magkikita daw sila sa party. Alam kong may mistress siya dahil nakita ko na sila once, nung isinama ako ni Secretary Johnson sa office ni Papa. Iniwan ako ni Secretary sa lounge area sa labas ng office ni papa dahil may tumawag sa kanya sa front desk. Dumating na ang mga bisita for the board meeting. Nainip ako kaya palihim kong tinungo ang office ni Papa. Binuksan ko ang pinto at mukhang nakalimutan yata niyang mag-lock ng pinto kaya nahuli ko sila sa akto sa ibabaw ng working table niya habang nakahubad ang babae. I lost my innocence that moment. Nauna si Papa na pumunta sa party kasama si kuya Leo, samantalang kami naman ni Gray ang kasama ni Mama at sumunod kami sa kanya. We arrived at the party na ginanap sa MR Star Hotel na pag-aari rin namin and everyone was greeting my mom na kulang na lang ay sambahin siya. Siya talaga ang may-ari ng lahat ng businesses namin, bilang nag-iisang anak ng lolo namin na si CEO Matteo Romualdez. Sa kanya ipinamana ang lahat ng ari-arian bago ito namatay. Nagtungo kami sa banquet hall at nakipagchikahan si Mama sa mga bisita. Nakamasid lang kami ni Gray sa plastikan nila. Naging busy kami ni Gray sa kakakain nang maya-maya ay nawala sa paningin namin si Mama. Hinanap ng mga mata ko si Mama and there I saw her na lumabas ng banquet hall, sinundan namin siya ni Gray. Nakita namin siya na sumakay sa elevator at nakita ko sa ilaw na tumigil ito sa fifth floor. Nasa second floor kami ngayon. Hinila ko si Gray para takbuhin namin ang fifth floor. "Saan tayo pupunta, diko?" inosenteng tanong sa akin ng makulit kong kapatid. "Maglalaro tayo bilisan mo. Unahan makaakyat sa fifth floor?" sabi ko habang tumatakbo. "Mauuna ako!" Saka nagmadaling tumakbo si Gray paakyat. Nakarating kami sa fifth floor, nakita ko ang likuran ni mama na papasok na sa pinakadulong unit. "Si Mama, Kuya oh!" Turo ni Gray. Tumakbo siya patungong end unit ng hotel. "Gray!" Napailing na lang ako. Napakahyper ng kapatid ko. Naglakad na lang ako patungong dulong unit. Palapit na ako sa pinto when I heard 2 gunshots. Tinakbo ko ang kwarto, naestatwa ako sa kinatatayuan ko sa labas ng kwartong nakabukas ang pinto. Naalarma rin yata ang ibang guests at staff sa fifth floor kaya nagtakbuhan sila patungo sa pwesto ko. There I saw my Mom and my brother, lying on the floor. Duguan sila pareho. My father's mistress was holding a gun, and my father was sitting beside my mother. Dumating ang mga gwardya at hinuli ang babaeng pumatay sa mama ko at sa kapatid ko. Nabitawan niya ang baril sa tabi ni mama. "Mama! Gray!" Tumakbo ako sa tabi nila. My Mom uttered some words. Bumulong siya sa akin. "Don't give your share to your father and brother ..." bago siya nalagutan ng hininga. "Mama!" Nahawakan ko accidentally ang baril na nabitawan ng babae nang makita ko sa vision ko kung ano ang nangyari. Pumasok si Mama, nakita niya ang ginagawa ng dalawa kaya dumukot si Mama ng baril pero nakipag-agawan si Papa. Naagaw niya 'to saka binaril si Mama, pero nakita 'yon ni Gray kaya binaril din niya si Gray. Mukhang natauhan yata si Papa sa ginawa niya. Kinuha ng babae ang baril sa kamay ni Papa dahil sa pagkataranta at iyon na ang eksenang nakita ko. Hindi nila pinaniwalaan ang sinabi kong si Papa ang pumatay. Na nakita ko si Papa na siya ang bumaril. Idiniin ni Papa ang kabit niya na ito ang pumatay at iyon ang naabutan ko. Pinatunayan din ng ibang mga naroon na yung babae ang may hawak ng baril pagdating nila sa kwarto. Ilang araw matapos ang burol nina mama at Gray ay binasa na ng abugado ang Last Will niya. Nagwala si Papa nang malaman niyang higit sa kalahati ang ipinamana sa akin ni mama, at maging ang share ni Gray na resthouse sa Batangas ay sa akin ipinamamahala kung sakaling maaga siyang mawala. Ang natira lang kay kuya Leo ay ang shipping lines at ang bahay sa Tagaytay. Kay Papa ang mansion, ang 5 branches ng restaurant namin at ang MR travel and Tours. Nasa pangalan ko ang airlines, ang 2 resorts, at ang tatlong 5 star hotels namin. Kay Secretary Johnson lahat ipinamahala ang mga negosyong naiwan sa akin ayon na rin sa Last Will ni Mama, at ginawang legal guardian ko, as if alam na ni Mama na maaga siyang kukunin sa akin. Siya lang din ang naniwala sa sinabi kong si Papa ang pumatay kina Mama. "I will never forget what you did, Papa. Nagpulis ako para mabigyan ng katarungan ang pagkamatay nina Mama at Gray, at maparusahan ang mga kagaya mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD