Third Person's POV
"We are still in need of people who will help us resolve crimes. We have screened several applicants from crime groups and criminology schools but they do not have special abilities," ito ang sabi ni Senior Superinterdent Mauro Santiago. "We can't fulfill every operation on time if we are lacking people. Kapos tayo sa nag-iimbestiga sa crime site at sa field. Kahit sa ordinary police force natin, kulang tayo ng tao."
"We have already talked to the UPG under Dark Knight. They are willing to provide us their UPG graduates to help us resolve crimes in our jurisdictions," sagot naman ni Chief Superintendent Ramon Delgado.
Nasa conference room sila ngayon para pag-usapan ang bagong unsolved crime na pumasok sa department nila. Hindi ito maresolba ng police force, at walang mahanap ng evidence. Walang fingerprints, walang DNA, walang marka ng suspect. Ilang bangkay na ang natatagpuan sa ilang masusukal na gubat ng Region 3. They have sent out people to investigate pero kulang ang manpower nila dahil may iba pa silang mga kasong kinakaharap. Magkakaharap ngayon ang mga commissioner ng iba't ibang probinsya ng Region 3.
"That's good. We'll wait for their reinforcements. As much as possible, i-instruct ang mga tao ninyo na maaari rin silang magrecruit ng tingin nila ay may potential na maging bahagi ng PCU-UCIPG. That's all." Tumayo na si Senior Superintendent Santiago, tumayo na rin at sumaludo si Chief Delgado para magpaalam at magtungo sa kanyang jurisdiction, kasunod si Inspector Hannah Delgado, ang anak nito. Myembro rin ng PCU.
Legal na department ng police force ang PCU, pero internal police na higher up lang ang nakakaalam ng totoong meaning ng acronym nito na Paranormal Crime Unit. Ang alam ng mga outsiders at ibang police departments ay Police Crime Unit ito. Ito ay bagong tatag na department wala pang isang taon, at itinatag ng mga matataas na official at sponsored ng mga mayayamang naging biktima rin ng crimes na hindi ma-solve ng ordinaryong imbestigasyon.
"Sir, kailangan kong mauna, may bagong bangkay na nakita sa San Jose. Ang sabi ni Donnel, may long stemmed rose ding hawak ang biktima. Hindi iyon kakayanin ng ordinary police force," paalam ni Hannah sa ama.
"Go ahead, hija. You know what to do," pagpayag ng ama. "Be careful."
"Yes, sir." Sumaludo muna ang anak bago lumabas ng conference room. Patakbong tinungo ang sasakyan saka paharurot na pinaandar ito. She immediately went to the crime site.
Sumaludo kay Hannah ang ilang pulis na nasa crime site. "Ma'am, may sakal sa leeg at may hawak na pulang rosas ang biktima. Walang sign ng physical abuse. Mukhang hindi rin nanlaban ang biktima, walang ibang pasa o anuman maliban sa pagkakasakal sa leeg." Tiningnan ni Hannah ang name plate ng pulis. PO1 Cruz ang nakalagay.
"Salamat, PO1 Cruz. Sige, I'll go and check the victim." Dinukot ni Hannah ang hand gloves niya sa belt bag saka tinungo ang biktima na nasa damuhan hindi kalayuan. Kakahuyan na ang lugar na 'to na nasa paanan ng bundok at madalang ang dumadaan. Maswerte pa ang biktima at may ilang nangagahoy na locals ang nakakita sa kanya. "Donnel," tawag ni Hannah sa nakatalikod na SPO4. Nakatayo ito paharap sa biktima. Lumingon ito sa kanya saka matabang na ngumiti.
Napailing ito. "Hannah, we have another body. Same crime, young woman strangled by hand, left with long stemmed red rose at pinahawak sa victim."
"Gosh. Pang lima na 'to for the past 2 months. No fingerprints?" Napaluhod si Hannah sa tabi ng bangkay. Sinipat ang leeg nito, ang mga braso at ilang bahagi ng katawan. Walang bakas ng paglaban o pamimilit. How come?
"May nakikita ka ba, Hannah?" curious na tanong ni Donnel.
Umiling si Hannah. "Tulad ng dati. Trapped ang spirit ng biktima somewhere. I can't reach to it." Isa siyang clairvoyant pero hindi ito gagana kung hindi naman makakausap ang spirit ng biktima. Baka hindi siya dito pinatay.
"Hindi ko rin makita sa paligid ang kaluluwa niya. Baka sa ibang lugar nga ito pinatay." Tinignan ni Donnel ang bag ng biktima. Naroon ang mga gamit nito, cellphone, tablet at wallet. Kumpleto ang laman ng wallet, may ilang lilibuhin pa rito.
Nagpalinga-linga si Hannah. Tinignan ang mga nag-uusyoso sa paligid. There are times na ang suspect ay bumabalik sa crime scene para makiusyoso sa nagaganap na imbestigasyon. Parang satisfaction ba sa kanila na they did a perfect crime. Most psychotic criminals think that way. Kumunot ang noo nito sa isang lalakeng nasa early 20's at titig na titig sa katawan ng biktima, parang gustong lapitan at hawakan pero nagpipigil. Iyon ang itsura ng lalake. Gwapo ito at mukhang disente, naka-mountaineering bag, pero kadalasan din sa mahusay sa perfect crimes ay mga disente ang itsura. Don't be fooled by their looks, ika nga.
"Ikaw." Turo ni Hannah sa lalake. Napadilat ang lalake at kabadong lumapit sa kanya. "Ano'ng pangalan mo?"
"W-Wesley. B-Bakit po?" kabadong sagot nito.
"Wala pa akong tinatanong sa'yo pero nauutal ka na." Sinusuri ni Hannah ng tingin ang binata.
"N-Naku! W-wala po akong kinalaman d'yan!" mariing tanggi ng binata.
"Defensive ka ah." Salubong ang kilay ni Hannah. Mainit ang ulo niya ngayon dahil sa tambak na kasong iniimbestigahan nila kaya nakadagdag pa 'yon sa paghihinala sa binata.
"H-Hindi po! A-Ano lang po, gusto ko lang po tingnan ng malapitan ang biktima. Kaka-graduate ko lang po kasi ng criminology. Gusto ko lang masubukan ang mag-imbestiga sa totoong crime scene," sagot nito. Dinukot nito ang wallet sa bulsa at pinakita ang school ID mula sa isang prestigious school, at nakasulat ang pangalan at course ng binata. Wesley Gutierrez, Criminology.
Nag-cross arms si Hannah. "Interesado ka?"
"O-opo eh, pasensya na po." Sinilip ulit nito ang biktima.
Napaisip si Hannah. They need people. Kahit sa ordinaryong investigator sa field ay makakatulong ang dagdag na taong marerecruit nila. "Sige, lumapit ka. Tingnan mo ang biktima at sabihin mo kung paano siya pinatay. Kapag natuwa ako sa sasbihin mo, irerekomenda kita." Lumingon ito kay Donnel. "Pahingi ng extra gloves." Inabutan ni Donnel ng gloves si Hannah.
"Heto, suotin mo."
Parang nabuhayan ang binata, excited na isinuot ang gloves saka lumapit sa bangkay. Umakyat siya ng bundok para mag-hiking at nag-overnight doon, pagbaba niya ng bundok ay nakita na niya ang nagkakagulong mga tao. Ito pala ang pinagkakaguluhan. Gusto niyang hawakan ang rosas para alamin ang nangyari ang kaso pinagsusuot siya ng gloves.
Hinawakan ni Wesley ang leeg ng bangkay saka iniangat ng kaunti. Pinatay sa sakal gamit ang kamay. Tiningnan ang mga braso, kamay at binti ng biktima, walang sign na nakapanglaban ito. "Pinatay siya sa sakal. Walang sign na nanlaban o nakalaban pa ang biktima. Yung rosas..."
Nilingon ang babaeng pulis na tumayo at humarap do'n sa tinawag na Donnel. Inalis ng binata ang isang hand gloves. Madaliang idinikit ni Wesley ang dulo ng daliri sa isang petal ng rose. Ngayon lang niya gagamitin ito sa isang totoong crime scene. Pumikit siya at nagulat sa kanyang nakita sa balintataw niya.
Isang lalakeng may itim na maskarang may markang bungo ang bumili ng rosas sa bayan, sumakay ng tricycle at nagpababa sa simbahan, nakita ang magandang babaeng lumabas ng kotse at pumasok sa simbahan para magdasal. Pasimpleng dinistrungka ng lalakeng nakamaskara ang pinto ng kotse sa likuran, saka pumasok dito at nagtago. Ilang minuto ang nakalipas ay lumabas ang babae mula sa simbahan at sumakay sa sasakyan. Napansin niya ang lalakeng nakatago sa likuran ng kotse niya pero huli na. Sinakal nito ang babae at wala na itong nagawa pa. Namatay ang babae sa loob mismo ng sasakyan niya.
Lumabas ang lalake at binuksan ang driver's seat. Itinulak ang katawan ng babae palipat sa passenger's seat, saka ito umupo sa driver's seat at pinaandar ang sasakyan. Inihinto nito ang kotse sa kakahuyan, madaliang binuhat ang babae, inihiga sa damuhan at ipinahawak ang rosas sa kamay nito saka ipinatong ang kamay sa dibdib. Bumalik sa sasakyan ang lalake saka pinaandar ito palayo.
"Hoy! Bakit mo hinawakan yang rosas ng walang gloves?" saway ni Hannah.
Napaupo ang binata sa damuhan, tagaktak ang pawis at tulalang nagsalita sa hangin. "Nakita ko ang may gawa nito. Lalakeng may suot na maskarang may design ng bungo."
"Ano? Nakita mo ang may gawa nito? Saan? Kailan? Ano'ng oras?" Manghang lumapit pa lalo si Hannah at nag-squat sa tabi ni Wesley.
"B-baka po hindi kayo maniwala eh. N-Nakita ko po 'yon habang hawak ko ang rosas."
Kumunot ang noo ni Hannah. "What? Don't tell me...."
Nag-squat din si Donnel sa kabilang side ni Wesley, narinig din niya ang sinabi nito. "You have Psychometric ability?" mangha at hindi makapaniwalang tanong nito sa binata.
Author's Note:
Readers of Tormented University know what UPG is and who Dark Knight is. So this is Book 2 of Underground Paranormal Group Trilogy and a stand-alone story. Different main characters, different plot and different events. If you haven't read the first book, no need to read it if you don't feel like reading it.