CHAPTER 2

1189 Words
Wesley's Point Of View I packed all my personal stuff then I called Secretary Johnson, "I need to find another condo. Nahanap ako ni papa dito. Hindi ako komportable, baka bigla na lang niya akong ipapapatay dito." "Paano niya nalaman ang unit mo? Sige. Maghahanap na ako mamaya ng malilipatan mo." In-end na nito ang call. He was my mom's bestfriend and childhood sweetheart kaso hindi pabor si lolo sa kanya dahil hindi daw siya member ng alta sociedad kaya ninais ipakasal ni lolo si mama kay papa. Ayaw man ni mama pero tinakot siyang aalisan ng mana at ipapatapon sa malayo si Johnson kapag tumangging magpakasal kay papa. Pumayag rin ang family ni papa sa arranged marriage because their shipping company was in bad debt and my grandfather was interested to penetrate the shipping industry kaya nag-invest siya dito at tinake-over ang shipping lines. If my grandfather only knew he's a monster, he would never throw his daughter off to the lion's mouth. Kung pwede lang din magpa-suck ng blood at palitan lahat ng dugo na dumadaloy sa akin, I will do it anytime. Naupo ako at nanuod ng TV habang naghihintay ng tawag ni Johnson. Nilipat-lipat ko ang channel hanggang sa makarating ako sa News TV, ipinapakita ang babaeng biktima ng serial killing na may sakal sa leeg at may hawak na pulang rosas. Bagong biktima na natagpuan kaninang umaga. Napahampas ako sa center table dahil sa nakita ko. "Damn that killer!" Kung tinanggap ko kaya ang inaalok na posisyon nung Hannah at nalutas agad ang kaso, buhay pa kaya ang babaeng ito ngayon? I feel responsible about her death. Napatayo ako at nagpalakad-lakad sa sala. Nilamukos ko ang mukha ko at sinabunutan ang sarili ko. I can do my revenge on my father some other time, besides, police department pa rin naman ang mapapasukan ko. Kung totoo rin na puro may alam sa paranormal ang mga tao dun, mas matutulungan nila ako para mapakulong si papa at pagbayarin sa kasalanan niya. I called Johnson again. "Is it possible for you to buy me a house somewhere nearby PCU-UCIPG branch?" Naghintay ako ng sagot mula sa kabilang linya. "Saang lugar ba yan?" Oo nga pala, hindi ko rin alam kung nasaan 'yon. "Search mo na lang kung saan 'yon." "Ah, sa San Jose pala 'to eh. May resthouse kayo do'n ah. Actually sa lolo mo 'yon, at naipamana na sa'yo." "Great! Duon ako titira," masayang tugon ko. "What?! Ang layo no'n ah. Paano kung may gawin ang papa mo sa'yo do'n, tapos wala kang kasama kundi katiwala?" "E 'di magpadala ka ng security. Saka alam ba ni papa na existing ang property na 'yon?" "No. Wala siyang alam sa properties na original na nasa pangalan ng lolo mo. Sige, papadalhan kita ng securities mo. Kailan ka lilipat?" "Ngayon na." In-off ko na ang phone dahil alam kong tututol na naman si Secretary Johnson. Hinila ko na ang maleta ko saka lumabas ng unit. I rode the elevator and pressed UB2 kung saan naroon ang kotse ko. Kontrolado ko na ang power ko, I can only see the history of things I touch if I want to. I reached my car, stuffed all my things in the trunk nang makita ko ang tatlong lalakeng nakamaskara na papalapit sa akin. Ramdam kong wala silang magandang gagawin sa akin kaya hindi ako nag-aksaya ng oras. Pumasok ako sa kotse saka ko agad pinaandar at tinangkang sagasaan ang mga mukhang goons, pero nakaiwas sila. Pinaharurot ko palabas ng basement ang sasakyan. "Ano ang kailangan nila sa akin?" Tinawagan ko si Secretary Johnson. "Sec, may tatlong lalakeng nakamaskara ang nag-abang sa basement. Sayang hindi ko nasagasaan." "What? Ayos ka lang ba?" "Yes, sec. On the way na ako patungong resthouse sa San Jose." "Sige, ingat ka. I'll send your security later." "Okay, sec. Thanks!" Pinaharurot ko na ang sasakyan para hindi hapunin sa daan. Kailangang maabutan ko ang office hours, baka umuwi na 'yong Hannah. I still blame myself for the death of that lady. Naalala ko na naman siya. Naihampas ko ang kamay ko sa manibela. Ilang oras pa at nakarating na ako sa San Jose. Ipinagtanong-tanong ko lang ang address, madali namang matunton. Dumiretso na ko sa Headquarters ng PCU-UCIPG, mamaya ko na iuuwi sa resthouse ang mga gamit ko. Nag-park ako sa labas ng HQ nila, in fairness malaki ang building pero medyo creepy ang pintura. Dark orange talaga? Sino naman ang nag-design nito? Ang sarap ipa-repaint. Hinanap ko ang documents ko sa compartment saka ako lumabas ng kotse. I went to the help desk and asked the bald guy sitting and busy on his monitor. In fairness din, may computer na ang nasa help desk. "Excuse me, I'm looking for Inspector Hannah Delgado." Inilabas ko ang calling card niya at iniabot dito. "Naroon siya sa kabilang building, nasa autopsy area." Turo nito sa building sa gilid. Kulay orange din. "Puntahan mo na lang do'n." "Ah, sige po, salamat." Tinungo ko ang autopsy building na tinuro niya. Kipkip ko sa kili-kili ko ang envelop na naglalaman ng application form na binigay niya last week pati ang school documents ko. Malayo pa lang ay amoy ko na ang gamit nilang disinfectant at kung ano pang gamot ang gamit nila. I pressed the button at the center of the glass door and I heard the sound 'click', automatic na bumukas ng pa-slide ng magkahiwalay ang pinto. Wow, medyo mas okay dito kaysa sa Manila ah. Pumasok ako at nagtanong sa babaeng nasa middle age na sa reception area. "Miss, narito raw si Inspector Hannah Delgado? Nasaan po siya?" "Sino po sila?" magalang na tanong nito. "I'm Wesley Gutierrez. Inalok niya ako ng trabaho last week as a police officer dito." "I see. Kumaliwa ka do'n tapos sa door sa right mo pumasok ka. Sanay ka bang makakita ng ino-autopsy?" Napakamot ako sa ulo. "Ha? Ah eh, s-siguro masasanay rin. Sige, s-salamat." Dumiretso ako sa itinuro niyang direksyon at kumatok sa tinted glass door. May nagbukas ng pinto, si Hannah. Nag-cross arms pagkakita sa akin. Kung hindi lang siguro sisiga-siga ito, ang ganda nito. "Wesley Gutierrez. Ano'ng masamang hangin ang nagdala sa'yo dito?" "I-I'm sorry, maaga dapat akong nagpunta, I just had to finish some matters sa Manila kaya ngayon lang ako." Sinilip ko sa gawing likod niya ang babaeng naka scrub suit na nag-o-autopsy sa bangkay. Naka-open na ang harap nito at kita ko ang lamang loob. Nanlaki ang mga mata ko. Napatalikod ako at, "G-gwarrkk!" Literal na nasuka ako sa hallway. Tinapik-tapik ako ni Hannah sa likod. Napailing 'to. "Masasanay ka rin in time. Sino ba kasi ang nagpapunta sa'yo dito?" "'Yong kalbo sa front desk." Napatawa si Hannah, lumabas ang isang dimple nito sa kaliwa. Ang cute niya. "Napagtripan ka ni Winston. Alam niyang bago ka, at alam na ngayon bubuksan ang bangkay para sa autopsy report. Pagpasensyahan mo na." Umuusok ang ilong ko. Lagot sa akin 'yon mamaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD