CHAPTER 8

1759 Words
WESLEY'S POINT OF VIEW "Cris, get the records of their guests for the past 2 weeks, then give them to Violet and Rowana," tiningnan ni Hannah ang dalawang babae, "search for women who went there with boyfriends. Any woman aged 20-25 years old na gumamit ng credit or debit card at dalawa lang sila sa room, siguradong naka-record 'yan lahat. Kapag na-list down n'yo na ang possible next victim, do a background check. Alamin ang height, clothing style, at kung maganda." Naging busy silang tatlo sa paghahanap ng pagkakakilanlan sa posibleng next victim ng serial killer. "Hihintayin ba nating mambiktima siya ulit at huhulihin sa akto?" Tila nagdadalawang-isip na tanong ni Donnel. "Kung kinakailangan, Donnel." Tipid na sagot ni Hannah. Risky masyado ang naiisip ni Hannah. Are we going to possibly risk someone's life just to catch that crazy bastard? Hindi ako papayag. We need to catch him bago pa siya nakapambiktima. "May naisip ako, Hannah." Lumingon sa akin ang lahat. Curious sa naisip ko. "Since may duda na tayo kung sino ang culprit, puntahan natin ang lungga niya. I just need to confirm kung siya nga ang serial killer. If I could get a hold of something na lagi niyang dala, like car key or cellphone, malalaman ko kung siya ang culprit." Napaisip sila. "Who's willing to go for an outing today?" Seryosong tanong ni Hannah. Excited na nagtaasan ng mga kamay ang lahat. "Tara na!" Aya ni Hannah saka tumayo. "Wait!" Inawat ko silang lahat. Naglingunan sa akin, mga nagtatanong ang mga mata. "Pupunta tayo sa resort ng ganito ang mga itsura natin? We still look like police officers kahit hindi tayo naka-uniform. Palapit pa lang tayo sa resort, pinagsasarhan na nila tayo ng gate." Natatawa kong tiningnan ang mga itsura nila, lalo na si Winston na naka-leather jacket pa. Mukhang kontrabida sa pelikula. "Chillax, loosen up. Hindi kayo mukhang pupunta sa outing kundi mukhang mangre-raid." Napaupo silang lahat. "Don't worry, kami na ang bahala ni SPO4 Donnel." Nilingon ko siya. "Samahan mo ako." Saka ako tumingin sa wristwatch ko. 11:00am. "Tara." Nilapitan ko siya saka tinapik ko sa balikat, sumunod naman siya sa akin na tumayo na pero nagtatanong ang mga mata. "Sumunod ka na lang." Saka ko kinindatan. Lumabas kami ng HQ at sumakay sa kotse ko. Sinipat-sipat pa nito ang loob ng sasakyan ko. "Rich kid ka, ano?" Natawa ako sa tanong niya. Hindi ko siya sinagot, pinaharurot ko na lang ang kotse ko. Patungo kami sa town mall na nasa kabayanan. I parked my car in front of the mall and went straight to the department store. Dinampot ko ang posibleng suotin ng mga kasama namin. Boxers, floral shorts and sando, rash guards, summer hats, at shades. Kumuha rin ako ng ilang sarong at pair of bikinis. 'Di ko alam kung ano ang mga sukat nila kaya dinampot ko na lang ang lahat ng nakita kong maganda na free size daw. Bumili na rin ako ng tube top at ladies' shorts dahil baka hindi sila nagsusuot ng bikini pag nagswi-swimming. "Bibilhin natin 'tong lahat? Sino ang magbabayad?" Nakangangang sabi ni Donnel habang pinagmamasdan ang laman ng push cart. "Don't worry. Get what you need." "Okay." Nawala saglit si Donnel at bumalik na may bitbit na sunblock lotion, sabon at shampoo. "We need this." Napailing ako. Mas vain pa 'to sa babae. Dumiretso kami sa counter at binayaran ko agad using my credit card, pagkatapos ay dumaan kami sa grocery to buy some snack para sa 'outing'. "Tara na." We went back immediately to the HQ and showed them what we've got. Nandilat si Cris. "Ano 'yan? Ang dami n'yong dala! Sino ang nagbayad n'yan?" Lumapit sina Hannah, Rowana at Violet sa mga ibinaba naming plastic bag. Binuklat isa-isa saka nahalungkat ang bikinis na pinamili namin. "OMG!" Sabay na tili nina Violet at Rowana habang namumula ang mga pisngi at isa-isang inaangat ang mga bikini. "Sino ang namili ng mga 'to?" Umiwas ng tingin ang mga lalaking team members namin sa hawak ng mga babae. "Wala akong kinalaman d'yan." Tanggi agad ni Donnel. "We need those. Cover me up. Agawin n'yo ang attention ng staff. Men should look hunk and ladies should look hot. Kailangang makapasok ako sa office ng suspect." Napabuga ng hangin si Hannah. "Okay, deal. Para hindi tayo mapatapon sa bukid." "Maganda 'to, magswi-swimming tayo kahit wala pang tulog. Sigurado akong pagkatapos nito sa ospital ang bagsak ko." Napakamot sa bumbunan si Winston. "Wala kang choice, huwag ka nang magreklamo." Pambabara ni Cris kay Kalbo. Ilang saglit pa ay naka-prepare na kami. "Walang gagamit ng service vehicle. Let's use our personal cars, at magpanggap na hindi magkakakilala." Habilin ko sa kanila. "Sino ang aangkas sa akin?" Nagtaas ng kamay sina Donnel, Hannah, Violet at Victor. "Okay, tatlo sa likod, isa sa passenger's side. Sa harap ka na Victor, malaki ka eh." Ibinato ni Hannah ang susi ng kotse niya kay Cris at nasalo naman nito. "Use my car. Angkas mo sina Rowana, Winston at Baldo." Nagtayuan na kami bitbit ang groceries at ilang gamit na kakailanganin namin saka naglabasan na kami ng HQ. Convoy kami, nauuna sina Winston at kasunod ang sasakyan namin. Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa SJ Hotel and Resort. Pinauna namin sina Winston ng ilang minuto bago ko ipinasok ang kotse sa bakuran ng resort. Bago kami bumaba ay kinausap ko sila. "SPO4 Donnel, pwede ba kayong magpanggap na magkasintahan ni Violet? Para malaman natin ang reaksyon ng suspect kapag may nakikita siyang mag-bf." Hindi ko mauutusan ang Inspector na magpanggap kaya si Violet na lang ang naisip kong magpanggap. Mukhang cool naman si Donnel kahit mautusan siya ng mas mababa ang rank sa kanya, basta para sa misyon. "H-ha? Kailangan pa ba?" Nag-aalangang tanong ni Violet. "We need to know our suspect's personality para malaman natin ang motive niya sa pagpili ng biktima at pagpatay. Empath ka kaya malalaman mo ang emotions niya kapag may nakikitang mag-bf na sweet o kaya ay nagtatalo." "S-sige. Paano ba ang magkaroon ng boyfriend?" Nag-aalangang tanong ni Violet. Napalingon kaming lahat sa kanya. "Seriously, Violet?" Manghang tanong ni Donnel. "I-I was in a convent for 6 years until ma-realize kong it wasn't my calling and went out to take criminology." Kaya pala sobrang mahinhin at soft spoken siya. "H-hindi ka nagka-bf sa pinasukan mong university?" Imposible. Ang ganda nito para hindi mapansin ng mga lalake. Umiling 'to. "Mailap ako no'n sa mga lalake eh." "Don't worry. Ako ang bahala sa'yo." Paniniyak ni Donnel, saka sila bumaba ng kotse. Hinawakan ni Donnel ang kamay ni Violet saka inakay patungong reception area. Sumunod kami sa kanila. Kinausap ni Donnel ang babae sa Front Desk. "Hi, can you book 3 rooms for us. Kaming dalawa ng honey ko, silang dalawa na mag-honey," itinuro kami ni Hannah, "at isa para sa bodyguard namin," na nakaturo kay Victor. Gumaganti ang loko! Si Victor ay mukhang umuusok ang ilong, gawin ba namang bodyguard. Nakita kong gustong batukan ni Hannah si Donnel pero nagtitimpi lang. Hindi ako sumakay sa ganti ni Donnel, pwede naman kaming magpanggap na LQ kami ngayon. Nakakahiya kay Hannah. Iniabot ni Hannah ang credit card na hawak niya. Sinilip ko ang pangalan ng card, Farrah Delgado. Sino 'yon? Binigyan kami ng tatlong susi, magkakatabi ang unit numbers sa second floor. Hinahanap ng mga mata ko kung nasaan ang may-ari s***h manager. Nakita ko siya sa bahagi ng hallway malapit sa hagdan paakyat sa second floor at may kausap na male staff. Siniko ko si Hannah, nilingon niya ang tinitingnan ko. Kumapit si Hannah sa braso ko na ikinagulat ko. Game din pala 'to para sa ikalulutas ng kaso. Lumakad na kami patungong hagdan, napatingin sa gawi namin ang suspect-- si Facundo Herrera. Umakyat na kami at nagtungo sa isa sa kwartong na-assign kina Donnel. Excited na nagtanong kung paano sisimulan ang misyon. "Now what? Paano natin malalaman kung nasaan ang office ni Facundo?" Iwinagayway ko ang kamay ko, ikinapit sa pader ng kwarto saka ako pumikit. Nakita ko kung paano itinayo ang hotel and resort na 'to 10 years ago, kung sino ang unang may-ari at paano nakilala ang resort. Nabili ni Facundo ang resort last year dahil nag-migrate na sa US ang dating may-ari. Hinanap ko sa energy source ng buong building kung nasaan ang office ni Facundo. May CCTV sa bawat sulok ng building at resort. Sa dulong hallway nitong main building ay may brown door na gawa sa narra, may nakasulat na 'Facundo Herrera - General Manager'. Tiningnan ko ang loob, maluwang, malinis, organized ang lahat. Nakaupo si Facundo sa working table habang nagsusulat. Binitawan ang ballpen saka dinampot ang hand bag. Binuksan ito at kinuha ang susi. Tumayo saka lumapit sa estante sa gilid ng office. May malaking space para sa vault sa babang bahagi ng estante, lumuhod si Facundo saka sinusian ang cabinet. Tumambad ang malaking vault na nasa loob. Pinindot nito ang number combination-- 04-14-2010. Bumukas ang vault at nasilip ko ang laman. Hair clip, suklay, hanky, earrings, bra? Teka ... panty ba yung isa? Inamoy-amoy ni Facundo isa-isa ang mga 'to bago muling isinara ang vault. Bumalik sa working table, binuksan ang drawer sa gilid at inilagay ang susi doon. Bumitiw ako sa pader at nanghihinang napaupo sa kama. "Ano ang nakita mo?" Curious na tanong nila ng sabay-sabay. "Nakakapagod pala kapag ganitong kalaki tulad ng building ang gagamitan ko ng psychometry." Pinunasan ko ng kamay ko ang pawis sa noo ko. Hinampas na naman ako ni Victor. "Aba eh syempre, bawat sulok nito ay may history, bawat bagay na nasa paligid nito ay may history. Kung lahat ng energy source ng bawat sulok nito ay masasagap mo, mapapagod ka talaga." Hinimas ko ang braso kong hinampas ni Victor. "Nasa dulo sa ground floor ang office niya. May CCTV ang buong paligid. Mahihirapan tayong pumasok." "Madaling gawan ng paraan 'yan. Nariyan si Cris. Kaya niyang i-disable ang CCTV." Pagmamalaki ni Hannah sa team members niya. Hininaan ko ang boses ko at baka may makarinig sa akin. "May gusto akong alamin, Hannah. Kapag natiyak ko ang isang bagay na tutuklasin ko, magpa-request ka na agad ng warrant. May ebidensya tayo na siya ang serial killer." "We'll do our mission mamayang gabi na. Mag-relax na muna tayo habang minamasdan si Facundo. Lumabas na kayong boys, magbibihis na kami ni Violet."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD