CHAPTER 7

1805 Words
We were still waiting for the reports of our team members while analyzing the Long-Stemmed Red Rose case. These girls are all from San Jose, pero 2 of them were picked up from the next town kung saan sila nagtratrabaho. Ipapahinga ko muna ang utak ko. Iniisip ko pa rin kung paano nabuo ang PCU-UCIPG. Nice concept kahit medyo risky. "Inspector Hannah, paano nabuo itong grupong 'to? At walang alam ang mga nasa ibang departments na nasa fourth floor nito at sa katabing building tungkol sa ability natin?" Umiling si Hannah, "wala silang alam. They know that we are Crime Investigators, and we really are, we just use 'additional special methods' in solving crimes without their knowledge." Lumapit si Donnel sa monitor ng computer niya at tinawag ako. Ipinakita sa akin ang napakalaking news last year na gumulantang sa lahat. Ang Trinidad-Ignacio r**e-Murder case. "You heard this news?" "Yes, I heard that. It was all over the news. A certain Inspector Rodrigo de Jesus was able to solve the case, and he's now a Senior Inspector in DTCPD." "It was half the truth," minasdan ako ni Donnel, "iyon lang ang inilabas sa media, pero ang totoong nag-solve ng kaso ay ang girlfriend niyang anak ni Dark Knight." Clueless ako. "Dark Knight? Sino siya?" "He's one of the founders of our sub-unit, PCU-UCIPG, and the founder of UPG along side with other high ranking officials with the support of rich people who owe Dark Knight for saving them using his ability. Ipinasok niya ang anak niya sa school na 'yan dahil maraming missing students for 30 years. Then her daughter who is a Clairvoyant was able to open the can of worms and unmasked the demons. Inspector Rod helped a lot of course, but it was Dark Knight's daughter who unveiled the truth. They just had to hide the identity of his daughter for her safety." Wow, that was awesome. Malaki talaga ang naitutulong kapag may special ability, eh. Dapat nga lang na gamitin sa tama tulad ng sa anak ni Dark Knight. Tinapik ako ni Hannah sa braso. "You will meet Dark Knight in time. I'm sure he'll be interested to meet a person with psychometric ability. Na-inform ko na rin ang high ranking officials assigned in Paranormal Group ng Region 3, they will be glad to meet you in person." Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Ano daw? Ano naman ang sasabihin ko sa kanila? Napalingon ako sa orasan. Hindi pa pala ako umuuwi, mag-mamadaling araw na. Ganito pala ang buhay ng pulis lalo na kapag may kasong iniimbestigahan at nagmamadali ang nasa taas para maresolba ang kaso. Nag-ring ang direct hotline ni Hannah. "Papa ..." naghintay si Hannah sa response sa kabilang linya. "Yes, sir." Tumingin siya sa akin at kay Donnel. "We are given until Friday morning to solve the case, or at least come up with better results sa investigation natin or else, all of us will be transferred sa pinakaliblib na Barrio na maiisip nila." "No way." Napasubsob ako sa desk ko. Sumalampak naman ng upo si Donnel at inihagis ang marker na hawak. Ilang oras pa ang lumipas ay nagdatingan na ang mga naatasan ni Hannah sa misyon nila. Nakatulog na kaming tatlo nina Donnel sa ibabaw ng working table namin. "Hey, hey! Nagtratrabaho kami sa labas pero heto kayo at natutulog dito." Sita ni Victor. "We just had a nap." Habang pupungas-pungas si Donnel ng mga mata. Itinuro niya ang white board kung saan nakasulat ang Comparison chart ng victims. "Hindi kami petics dito." "Wow! So ganyan din ang gagawin namin sa information na nakalap namin?" Tanong ni Violet. Hannah nodded. "Yes. Isa-sahin n'yo ang info na nakuha n'yo, at kung saan ang pare-pareho sila, iyon ang ilagay n'yo sa chart na gagawin n'yo. For example, kung one week before they died ay may natanggap silang package or call or text, and the same number, isulat n'yo then we will investigate them." "Gotcha!" Nagsi-upuan na sa working table nila ang lahat. "We need to solve the case until Friday, kundi ipapatapon tayo sa mga bukid at barrio na walang internet connection. You want that?" Hamon ni Hannah sa mga kasama. "What? Grabe naman! 2 months na nating hawak 'tong kaso, e paano natin isosolve 'to in 3 days?" Reklamo ni Violet. "I know. But let's give it a shot. Walang uuwi. Dito na kayo matulog, magshower at kumain. We need to work double time." Pumalakpak si hannah to i-push pa ang mga ka-team. Buntong-hininga at pabulong na reklamo ang narinig ko sa kanila, pero wala naman silang choice. "Baldomaro, nakuha mo na ang mga CCTV footage?" "May ilan po na nag-provide ng CCTV. Iyong iba, ayaw. 'Di ko naman mapilit dahil wala tayong Warrant. Iyong sa Flower shop, confirmed na may bumili ngang nakamaskara, at nakunan siya ng CCTV. Nagtanong din ako sa iba pang flowershop na tinext n'yo kanina, totoo nga." Iniabot ni Baldomaro ang USB kay Hannah kung saan naka-save ang mga CCTV footage. Isinaksak agad ni Hannah ang USB sa computer niya and played the first video. Ini-adjust na niya ito sa time before mapatay ang victim. Nakinood kami ni Donnel sa likod ni Hannah. There we saw the guy wearing mask with skull design on it. Natatakpan ang mukha hanggang ilalim ng mata, at nakablack -cap ito. "That's him! Siya 'yong nakita ko sa lahat ng rosas na hinawakan ko kanina!" Naglapitan ang ibang team members namin at nakisiksik sa panonood ng video. "Wow! Kita mo talaga 'yang ganyang eksena kapag humahawak ka ng bagay?" Manghang tanong ni Violet. "Oo, ganito, real videos playing. HD pa." Nagtawanan naman sila sa biro ko. Kailangan ding pagaanin ang mood lalo na at may kasama kaming empath. Pinanood pa namin ang ibang videos from those flowershops and same guy appeared on all of them, same body built, same cap, same black leather jacket maliban sa time ng pangatlong victim na maong jacket ang suot niya. Naiiba lang ang pants pero alam mong iisang tao kapag tiningnan mo. "Are we going to show this to media people? We can tell them that we investigated every flowershop and we got these footages." Tanong ni Victor. Mariin ang pag-iling ni Hannah. "Not yet. Baka maalarma ang killer, dalawa ang magiging reaction niya. I-challenge tayo at pumatay pa lalo or mag-lie low at mag-ingat sa next murder niya. Mag-iingat din siya sa kilos niya. Mahihirapan tayo. Kailangan nating masukol siya. We need to find the guy behind the mask." "We need to hurry, Inspector Hannah. Malapit na namang mag-Friday. All his killings happened Friday night. Malapit na rin tayong masipa papuntang bukid." Wala sa loob na nasabi ko habang nakatitig sa pictures ng mga babaeng biktima na nakadikit din sa Comparison table. Sayang sila. Sigurado akong ang mga boyfriend nila ay naglukuksa. Napatigil ako sa isiping 'yon. Lumingon ako kay Winston. "PO1 Winston, can you check if there are credit or debit card usage somewhere, like motels, hotels, restaurants, cafeteria, out of town trips. Anything na possible na kasama ang boyfriends nila, 1-2 weeks before they died?" Nakasimangot man ay sumunod si Winston sa nirerequest ko. In fairness kapag trabaho, trabaho talaga siya kahit minsan ay tetano siya sa buhay ko. Matagal-tagal din na nagbuklat ng files si Winston at ginamitan ng highlighter ang mga importanteng nakikita niya. Nanlaki ang mga mata nito, "may nakita ako ..." Tumayo ito at ipinakita sa akin ang mga naka-highlight sa documents ng victims. "May mga usage sa iba't ibang salon, restaurants, coffee shops, cinemas, pero magkakaiba ng location. Iisa lang ang common denominator nila, lahat sila ay may credit card usage sa isang hotel sa kabayanan. SJ Hotel and Resort, almost 2 weeks before they died." Nagmamadaling kinuha ni Hannah ang dokumentong hawak ni Winston. "This is another big clue. Can you check who's the owner of that resort, kunin n'yo na rin ang details ng staff. Let's do an underground investigation. Hindi sila pwedeng maalarma na iniimbestigahan natin sila. Hack their system, Cris." "Roger, Ma'am." Sumaludo pa ito. Napalingon ako kay Hannah na nakabuka ang bibig. Hacking? "He's an expert, galing siya kay Dark Knight. Ka-level no'ng Inspector Rodrigo na pinakita namin sa'yo kanina." "Ma'am, hindi po. Mas matinik po sila sa akin ni Sir Mike. Pero going there po." Saka ito pinong ngumiti. Mukhang may naaamoy ako dito, pero wala namang kaso kahit bading siya, personal life niya 'yon, as long as he's using his hacking ability in a right way, walang problema. "Don't worry, Wesley, we don't use those as an evidence kung ano man ang makuha nating info. We just start from there kapag may nakita tayo." Tinapik ulit ako ni Hannah bago bumalik sa panonood ng CCTV footages mula sa mga private establishments. Antok na antok na 'ko. Umaga na, 9am sa wall clock. "Is it okay if I'll buy breakfast pampagising? Anyone?" "Yes!" Sabay-sabay na sagot nilang lahat, himala pati si Hannah. Mga nagutom sa pinaggagagawa namin. Lumabas ako at nag-drive sa pinakamalalit na fastfood chain, nagtake out ng lahat ng pagkaing nakita ko saka bumalik ng HQ. Tinawag ko ang dalawang pulis na naka-antabay sa harap at nagpatulong na ipasok lahat sa loob. "Wow! Pagkain!" Sabay-sabay na hiyaw nila. Nagtayuan ang lahat at nag-unahan sa pagkuha ng pagkain. "Mabubuhayan na ako nito!" Sigaw ni Winston. "Okay ka naman pala, brad eh!" Saka ako tinapik ng ubod lakas sa braso. Nilibre ko na nga, sinaktan pa ko. Sadista lang? Matapos kaming mag-galit-galit muna at makapag-breakfast ay nagbalik na kaming lahat sa trabaho. "Ma'am Hannah, na-hack ko na ang system. Nakuha ko na ang details ng staff from their HR. Konti lang pala ang staff nila," ibinigay ni Cris ang print out kay Hannah, "the owner and manager at the same time is Facundo Herrera, 40 years old, single." Parang may kalembang na tumaginting sa tainga ko pagkarinig ng salitang 'single'. Puyat lang ba ako o instinct ang sumisipa sa kaloob-looban ko? "May makukuha ka bang litrato niya?" "Susubukan kong hanapin sa personal computer niya." Ilang kalikot pa ay tinawag ni Cris ang atensyon ko. "Heto, tatlong best shot na nakita ko sa computer niya." Lumapit ako at sinipat ang litrato. Parang gusto kong himatayin sa nakikita ko. Same built, same height, at ang jacket na suot niya sa isang larawan ay kapareho ng suot niya sa CCTV sa pangatlong victim. "Inspector Hannah, ayokong mag-judge based on this, pero gusto ko siyang imbestigahan." Lumapit si Hanhah para tingnan ang nakikita namin ni Cris sa monitor niya. Hindi man siya magsalita, alam kong pareho kami ng iniisip. Ito ang suspect namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD