Pumasok kami nina Donnel at Victor sa room na assigned sa amin at dun kami nagbihis. Nag-trunks na lang ako dahil sanay naman akong mag-trunks lalo na kapag may swimming competition sa school.
"Wow, sana ganyan ang katawan ko." Papuri ni Donnel na may tonong inggit. Medyo payat kasi siya.
"Ano naman ang panama ko sa katawan ni Victor?" Ang katawan kasi niya ay big body built tapos nag-impok pa ng muscles kaya nagmukha siyang kasing katawan nung mga sumasali sa contest na palakihan ng muscles.
"Ayoko naman ng ganyan, nakakatakot." Saka humalakhak ng malakas si Donnel.
"Pasalamat ka mataas ang rank mo sa akin." Naghahamong pabiro ni Victor.
"Thanks!" Saka tumawa ulit si Donnel.
Lumabas na kami ng room at dumiretso sa pool. Naroon na sina Hannah at Violet. Nag-bikini sila sa top pero sinuot ang summer shorts na binili ko. Nasa kabilang dulo ng pool ang grupo nina Winston, hindi nagpapansinan tulad ng plano.
Napalingon sa amin sina Hannah at Violet. I can also feel stare from other guests na nasa pool pero di ko na lang pinansin.
Lumublob ako sa tubig saka tumambay sa gilid ng pool.
"S-salamat ha." Tipid na sabi ni Violet sa akin.
Nagtataka akong tumingin sa kanya. "Saan?"
"For being considerate. Hindi lang bikini ang binili mo, bumili ka rin ng shorts." Tipid siyang ngumiti.
"Wala 'yon. Naisip ko kasing hindi lahat ng babae ay nagswi-swimsuit. Ayoko namang pilitin kayong magsuot ng skimpy outfit."
Lumuwang ang ngiti nito. "Thank you ulit."
"Honey, halika doon tayo sa gitna." Tawag ni Donnel kay Violet. Oo nga pala, they need to play as boyfriend-girlfriend. Lumapit si Violet kay Donnel at sabay silang nagtungo sa malalim na bahagi ng pool. Napatingin ako kay Hannah na nasa kabilang side ng pool, nakatingin din siya sa akin. Bigla akong naasiwa sa isiping kailangan naming magpanggap na mag-bf. Ang sexy pa naman niya.
Tinanguan ako ni Hannah saka sinenyasan na lumapit. Nag-aalangan man ay lumapit na rin ako habang nagkakamot ng ulo. Iniyakap ni Hannah ang dalawang braso niya sa batok ko saka bumulong. "Just play along. Nakatingin si Facundo sa atin. 3 o'clock position."
Bigla kong naalala ang taong kailangan naming imbestigahan. Iniyakap ko ang mga braso ko sa baywang ni Hannah, saka ko pasimpleng inikot ng konti para matapunan ng tingin si Facundo. Nakatayo siya sa tabi ng puno malapit sa pool at nakatingin talaga sa amin, particularly sa amin ni Hannah.
Pasado alas-sais na ng gabi. Medyo madilim na rin. Nakayakap pa rin si Hannah sa akin, ang lakas tuloy ng kaba ng dibdib ko. Sana hindi niya mapansin, nakakahiya. Maya-maya ay tumalikod na si Facundo saka nagtungo sa exit ng resort, mukhang paalis siya. Nilingon ni Hannah sina Winston, sinenyasan na sundan si Facundo. Umahon sina Winston at Baldomaro mula sa pool saka dinampot ang phone at susi ng kotse na nasa beach bed. Kinuha ang tuwalya at ibinalot sa katawan saka sumunod patungong exit.
Nag-ahunan na rin kami, we need to take action and move our asses. Dinampot ko ang tuwalya at ipinulupot sa katawan ko, malamig na masyado. Umakyat kaming lahat sa mga silid namin para magpalit agad ng tuyong damit at ilang saglit pa ay nagtipon-tipon na kami sa kwarto namin ni Hannah. Tinawagan ni Hannah si Winston. Umalis nga daw si Facundo.
"Huwag n'yo siyang iwawala sa paningin ninyo, at tawagan kami agad kung pabalik na kayo." Bilin ni Hannah. Ini-end call na niya at lumingon kay Cris. "Hack the CCTV and security system."
"Roger." Ini-on ni Cris ang laptop saka kinalikot ito. Napakabilis niyang mag-type, hindi ko rin maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng mga tinatype niya sa black screen, puro command. Wow! Kabisado niya ang lahat ng mga command?
"Done." Sabi ni Cris. "Look."
Pinakita sa amin ang monitor ng laptop niya. Na-penetrate niya ang access ng security system at kita namin kung ano ang mga makikita nila sa monitors nila-- Zoo. Ang lakas ng tawa ko!
"Look out kami nina Violet, Rowana, Victor at Donnel. Ikaw lang ang pumasok, Wesley. Halika na." Tumayo na si Hannah at binuksan ang pinto. Nagdala ako ang transparent rubberized hand gloves at isinuot.
Bumaba kami ng ground floor at kalat-kalat na tumambay malapit sa dulo ng hallway. Kunwari na kanya-kanyang nagpipicture taking. May mga padaan-daan na hotel staff kaya hindi ako makalusot sa pagpasok sa office ng manager.
"PO1, punta ka sa pool side, umarte kang may sakit at inaatake, bilis! Get their attention." Bulong ko dito.
"Bakit ako?" Bulong na reklamo ni Victor.
"Alangan namang ako? O, ikaw na maghanap ng ebidensya do'n at gumamit ng psychometry." Hamon ko.
"Ay 'wag na, kaya mo na 'yan." Lumakad si Victor patungong pool side, sa bungad ng hotel saka umarteng inaatake. Bumagsak ito sa simento na hawak-hawak ang dibdib.
"Victor!" Sigaw ni Violet lumapit 'to sa maskuladong PO1 saka sinampal-sampal ang pisngi. "Tulong!" Lumapit din si Donnel kay Victor at nataranta. Wala nga pala silang alam sa plano namin. Naglapitan ang mga staff ng hotel kay Victor. Pagkakataon ko na. Sinenyasan ko si Hannah, tumango naman siya. Pinihit ko ang seradura ng pinto, bukas. Pumasok ako sa office ni Facundo at sinara 'yon agad.
Nilinga ko ang office saka ko nakita ang cabinet. Tinungo ko ang drawer sa table ni Facundo at binuksan ang pinaglalagyan niya ng susi. Naroon susi, nakahinga ako ng maluwag. Kinuha ko ito saka ko tinungo ang cabinet at lumuhod sa harap nito. Humugot muna ako ng malalim na hinga bago ko sinusian. Binuksan ko ang pinto ng cabinet at tumambad sa akin ang vault. Pinindot ko ang numerong 04142010, accepted ang passcode. Binuksan ko ang vault at nakita ko ang mga gamit pambabae. Tama nga, panty ang isa at ayaw kong hawakan 'yon, kahit 'yong bra. Tinanggal ko ang isang hand glove ko at pinili kong hawakan ng dulo lang ng daliri ko ang hair clip saka ako pumikit.
Nakita ko ang unang biktima na si Marissa San Juan na suot ang hair clip. Pauwi na sila no'n galing sa bakasyon sa SJ Hotel and Resort. Nageempake na si Marissa at isinasara na ang travelig bag pero naglalambing pa rin ang nobyo niya. Humarap si Marissa at gumanti ng halik dito. Hinawakan ng nobyo ang magkabilang pisngi ng dalaga, at halos masabunutan na dahil sa maalab na palitan ng halik. Natanggal ang hair clip ng dalaga at nalaglag ito sa lapag. Napahiga sila sa kama pero naudlot ang gagawin dahil may kumatok sa pinto nila.
Tumayo ang nobyo ng babae at pinagbuksan nito ang kumakatok, babaeng resort staff ang nasa labas ng pinto, "good afternoon po sir, time na po for check-out."
Napabuga ng hangin ang lalake. "Okay, sige. Palabas na kami." Tumalikod na ang staff.
"Halika na." Aya ng nobyo ni Marissa. Tumayo na ito, binuhat ang back pack at iniabot sa nobyo ang traveling bag saka lumabas ng kwarto. Naiwan na ang hair clip sa lapag.
Pumasok si Facundo at nilinga ang paligid ng silid, nakita nito ang nalaglag na hair clip. Pinulot niya ito saka sinilid sa bulsa. Nagtungo si Facundo sa office at binuksan ang guests records. Hinahanap ang information ng babae, saka isinulat sa sticky note ang ilang detalye. Nang makuntento ay tumayo ito at lumabas ng resort. Tinungo ang sasakyan saka nagmaneho papunta sa Dental Clinic ni Marissa. Naghintay ito ng matagal sa labas ng clinic hanggang sa lumabas ang dalaga, sumakay ng kotse at umuwi. Dinukot ni Facundo ang hair clip sa bulsa saka inamoy-amoy ito.
Araw-araw na ginagawa ni Facundo ang pagtambay sa tapat ng clinic ni Marissa, at palaging dala ang hair clip. Sa huling gabi ng pag-stalk sa dalaga ay nag-drive ito patungong kabayanan. Bago bumaba ng kotse ay nagsuot ito ng itim na maskara, nagtungo sa Flower shop at bumili ng long stemmed-red rose. Matapos bumili ay sumakay ng tricycle at nagpababa sa dental clinic. Naghintay na dumilim ng kaunti saka dinistrungka ang susian ng kotse ni Marissa at pumasok do'n.
Kasunod na eksena na ang nakita ko nang hinawakan ko ang lantang rosas, kung paano pinatay ang babae hanggang sa itinapon ito sa kakahuyan. Nagmaneho ito palabas ng San Jose at iniwan ang sasakyan sa isang abandoned tow area sa katabing bayan. Inalis ang plaka ng kotse bago umalis ng lugar. Nagtricycle na lang din ito mula doon pabalik sa kabayanan ng San Jose at nagbayad ng malaking halaga sa driver.
Sinasabi ko na nga ba! Siya ang serial killer! Pinunasan ko ng bahagi na nahawakan ng hintuturo ko at ibinalik sa dati kung paano nakaayos ang hair clip, kinuhanan ko ng litrato gamit ang phone ko saka ko isinara ang vault.
Biglang bumukas ang pinto.
Akala ko si Facundo na, si Hannah lang pala! Ang lakas ng kabog ng dibdib ko! "Tara na! Pabalik na raw si Facundo!"
Ibinalik ko sa dating pwesto ang susi sa cabinet. Karamihan sa killers ay metikuloso, at alam kung paano ang pwesto ng iniwang mahalagang gamit nila.
Nagmamadali akong lumabas at nagtungo kami sa second floor. Nagmamadali kaming pumasok ng silid, kasunod sina Donnel, Rowana at Cris.
Hinihingal din si Donnel. "Dinala na si Victor sa hospital. Kasama naman si Violet. Kakausapin na lang namin ang hospital director na protocol 'yon."
Halos habulin ko ang hininga ko dahil sa kaba. "Inspector Hannah! Siya ang killer! May ebidensya tayo, get a search warrant, now! Pa-expedite mo na!"
"Sigurado ka?" Paniniyak ni Hannah.
Ang lakas ng tango ko. "Nakita ko ang lahat. Naroon sa vault ang mga gamit ng biktima na naiwan dito, nakita ko rin kung saan niya iniwan ang mga kotse nila!"
Ipinakita ko sa kanila ang litrato na nakunan ko sa vault.
"Ano ba 'yan! Kadiri naman, pati panty? Mukhang gamit pa yata 'yan at di pa nalalabahan, eh!" Nandidiring sabi ni Hannah.
Tumawag si Baldo. Nasa labas na raw sila.
"Pack-up na tayo. We'll serve the warrant first thing in the morning." Tumayo na si Hannah saka lumabas ng silid.
Nagsiuwian na kami sa HQ. Kahit gabi na ay pinautos agad ni Hannah sa search team na hanapin ang mga sasakyan ng mga biktima sa lugar na sinabi ko.
"Team, nakita nga nila ang mga sasakyan do'n sa abandoned tow area." Parang nabunutan ng tinik na sabi ni Hannah.
"Aaaaahhh!" Sigaw ni Victor. "Sa wakas! Nami-miss ko na ang kama ko!"
"Sorry, dito pa rin tayo matutulog. Makakahinga lang tayo ng maluwag kapag na-serve na ang warrant kay Facundo."
"Kaya pang magtiis ng isang gabi, boss." Sagot ni Cris.
Nagkanya-kanya na kami ng pwesto sa HQ. Umaga kinabukasan ay nakuha agad namin ang pina-expedite na search warrant at pinuntahan ang resort.
Pinosasan ni Hannah si Facundo at sinabi ang Miranda rights nito. "Para saan 'to? Ano'ng kasalanan ko?!" Hiyaw ni Facundo.
"May search warrant kami." Ipinakita ko ito sa suspect saka sinenyasan ni Hannah sina Donnel. Pumasok naman sila sa office ni Facundo. Maya-maya ay lumabas sila dala ang mga ebidensyang pag-aari ng mga biktima.
Itinapat ito ni Donnel sa mukha ni Facundo, "sa presinto ka na magpaliwanag." Saka ito tumalikod sa serial killer.