FIVE o’clock pa lamang ng hapon, naligo na si Syrene. Pangalawang ligo na niya sa araw na iyon pero siniguro niyang malilinisan talaga ang lahat ng kasuluk-sulukanng bahagi ng kaniyang katawan. Kaninang umaga, kahit na abot-abot ang kaba niya nang mabangga ang taxi na sinasakyan, nagawa niya pang dumiretso sa isang beauty salon para magpa-manicure at pedicure. Hindi niya naman kadalasang ginagawa iyon dahil kuntento na siya sa simpleng pag gupit sa sariling mga kuko. Hindi siya mahilig maglagay ng mga kolorete roon. But tonight was special. Kaya nga nag-shave na rin siya ng legs at maging ang buhok sa gitnang bahagi ng kanyang katawan ay hindi niya rin pinalagpas. Nagsuot siya ng simpleng bestida at nagpabango. Nang lumabas siya ng kuwarto, natulala ang dalawa niyang kapatid. “