NANGINGINIG ang buong katawan ni Clint habang sakay sila ng elevator ng babaeng pinakilala sa kanya kanina ni Jacob na pinsan daw nito. Ni hindi na niya matandaan ang pangalan ng babae ngayon. Sinama niya lamang ito dahil alam niyang maghihintay sa kanya si Syrene. Tinawagan na niya kanina pa lang ang security at receptionist ng condo na huwag magpapasok ng kahit na sino kahit pa may dala itong key card niya. Ngunit ngayon, gusto niyang bumaba ulit sa lobby at habulin si Syrene. Hindi niya alam kung bakit parang siya ang nasaktan sa mga binitiwan niyang salita kanina. Sanay naman siyang manghiya ng fans na hindi alam ang boundary nila. Ngunit nang makita niya ang expression ng mukha kanina ni Syrene, parang gusto niya itong yakapin at humingi ng tawad. Ngunit alam niyang hindi niya p