CHAPTER 24

1014 Words

“NAKU, Sir! Nabangga ng pick-up truck ang taxi.” Nang marinig ni Clint ang sinabing iyon ng kanyang driver, dali-dali siyang bumaba ng kotse at patakbong pumunta sa kinaroroonan ng disgrasya na ilang metro ang layo galing sa kanila. Hindi pa man siya sigurado kung sino ang naaksidente dahil marami namang taxi ang dumadaan doon, halos mabingi na siya sa sobrang lakas ng pagkabog ng kanyang dibdib. Huwag sana si Syrene. Please don't let it be her. Bigla siyang nanlumo nang makumpirmang ang sinasakyang taxi ni Syrene ang nakatigil sa unahan habang may pick-up truck na nakadikit sa hood niyon. Mas lalong bumilis ang mga hakbang ni Clint ngunit bigla siyang napatigil bago pa man niya marating ang taxi. Nakita niya si Syrene sa loob habang kinakapa-kapa nito ang sariling ulo. She’s con

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD