NANG MAGISING si Syrene kinabukasan, nakayakap pa rin sa kanya si Clint. Nagkaroon tuloy siya ng pagkakataon na pagmasdan ang nakakalaglag p*nty nitong kaguwapuhan na ilang pulgada lamang ang layo sa kanya ngayon. Kung makakausap lamang niya ang sarili niya noong labing apat na taong gulang pa lamang siya, tiyak na hihimatayin ito sa sobrang kilig na hindi lamang ang posters nito ang kaharap niya ngayon. Totoong mukha na talaga nito. Dapat ayaw ko na sa ‘yo ngayon eh. Matagal na akong na-turn-off sa mga kalokohan mo. Kaso bakit kasi napaka-caring mo palang tao? Ginagawa mo rin ba ‘to sa ibang mga babae? Kaya ba ang daming nahuhulog sa ‘yo? Pangatlong araw pa lamang nila ito sa isla pero ang dami na nitong nagawa para sa kanya. Hindi niya aakalaing ang isang napakasikat at napakayaman