TILA naging napakagaan ng buong araw nina Clint at Syrene buong araw. Para silang matagal nang magkakilala na nagbibiruan at nagpapalitan ng mga kuwento sa buhay. Kahit na adik na adik siya noon kay Clint kabisado halos lahat ng mga sagot nito sa interviews, na-realize niyang marami pa siyang hindi nalalaman tungkol sa binatang aktor. She felt so honored na willing itong mag-share sa kanya ng mga bagay-bagay. Maging siya rin ay komportable sa pagbabahagi rito ng mga pinagdaanan niya noon. Nang sumapit ang gabi, tuluyan nang naging kalmado ang panahon. Normal na ang hangin at naglabasan na rin ang mga bituin sa langit. Umupo sila sa opening ng kuweba. Nakasandal si Syrene sa balikat ng binata habang nag i-star gazing at nag-uusap ng mga pangarap nila sa buhay. Kinuwento niya rito na