WALA silang imikan buong magdamag. Halos ayaw ngang lumapit sa kanya ni Clint. Nanatili itong nakaupo malapit sa opening ng kuweba habang nakatingin sa labas. Napakatahimik nito. Hindi rin nagsasalita si Syrene. Ngayong humupa na ang mga kiliting naglalaro sa buong katawan niya kanina, bigla siyang nakaramdam ng hiya sa muntikan na niyang pagbigay sa kanyang sarili sa binata. Jusko! Ano ba'ng iniisip ko kanina? Parang gusto niyang batukan ang sarili. Sinabihan niya pa ito na gusto niyang maramdaman ang sarap na nararamdaman ng mga babae nito noon. Pakiramdam niya napaka-pathetic niyang pakinggan sa sinabing iyon. Siguro sanay na ang binata na makarinig ng mga babaeng willing ibigay ang sarili rito. Hindi makapaniwala si Syrene na nagpadala siya sa temptasyon at ngayon ay napabila