CHAPTER 3

1176 Words
SA ISANG iglap lang, nagbago ang buong buhay ni Syrene at nag-iba ang pananaw niya sa mundo. She was forced to mature at a young age para sa mga kapatid niya. Walang pamilya sina Syrene sa Mindanao dahil parehong galing ng Manila ang kanilang mga magulang. Na-assign lamang ang ama niyang pulis sa lugar na iyon at doon na sila lumaki ng kanyang mga kapatid. Wala na silang kamag-anak sa paternal side, at sa maternal side naman, mayroon siyang isang tita na matagal na niyang hindi nakikita. Pumunta ito sa burol ng mga magulang niya ngunit napakataray nitong tingnan. Alam na kaagad na ayaw niyang sumama rito papunta ng Manila. Kahit anong mangyari, gusto niyang buo pa rin silang magkakapatid na magkakasama dahil sila na lamang ang mayroon sila sa buhay. May naiwan na kaunting pera para sa kanila ang kanilang mga magulang at fully paid na rin ang tinitirahan nilang bahay. May natanggap din sila galing sa life insurance na bagama’t hindi kalakihan ay alam niyang malaking maitutulong sa kanilang magkakapatid. But Syrene was just fourteen years old. Second year high school. Nasanay siya na ang lahat ay pino-provide ng mama at papa niya. Nasanay siya na parang walang katapusan ang perang hinihingi niya sa mga magulang tuwing may kakailanganin siyang bilhin. Kaya naman kahit hindi milyon-milyon ang naiwan sa kanila, ang buong akala niya ay sapat na iyon para sa darating na mga panahon. Lumipat siya ng public school ngunit hindi niya inalis sa private school ang dalawang kapatid dahil ayaw niyang mahirapan ang mga itong mag-adjust. Hindi niya rin pinaalis si Ate Gina dahil walang maiiwan na adult na tatayong guardian nila kung sakali mang masilip ng DSWD ang kanilang sitwasyon. She wanted to keep their family and make everything as normal as possible for her brother and sister. Si Jenson ay sampung taong gulang pa lamang at si Xia naman ay anim na taong gulang. Ngunit nagmistula nang batang ina si Syrene dahil siya ang nag-alaga sa mga ito. Hindi na siya ang Syrene na kagaya noon na pawang pansariling saya at interes lamang ang iniisip. Hindi na niya nasubaybayan ang career ng kahit sino mang artista dahil pakiramdam niya ay napakawalang-kuwenta na ng mga ganoong bahay. Nagsimulang mamroblema sa pera si Syrene noong labing-anim na taong gulang siya. Doon niya na-realize na ang perang naiwan ng kanilang mga magulang ay hindi na aabot hanggang sa maka-graduate siya ng kolehiyo. Kapag hindi siya makahananp ng trabaho, tuluyan nang mauubos ang pera nila. Iniisip pa lamang niyang magugutom ang kanyang mga kapatid ay gusto na niyang umiyak nang umiyak. Napilitan siyang paalisin si Ate Gina at ilipat ang mga kapatid sa public school kahit na masakit sa kalooban niya. Nagsimula din siyang tipirin ang budget nila sa pagkain. Ngunit kahit anong pagtitipid ni Syrene ay umabot pa rin sa puntong halos walang-wala na siyang mahuhugot na pera sa banko. Alam niyang kailangan na niyang gumawa ng hakbang. Tinawagan niya ang kanyang tita sa Manila at ang sabi nito ay bibigyan siya nito ng trabaho sa maliit na restaurant na pag-aari nito at pag-aaralin ang kanyang mga kapatid. Nakahinga ng maluwang si Syrene. Pina-rent-ahan niya ang bahay nila sa Mindanao at lumuwas siya ng Manila bitbit ang dalawang kapatid. Noong una ay maayos at masaya naman sila. Maaga pa lang ay nasa restaurant na siya at gabing-gabi na kung umuwi. Nagsimulang magsumbong ang dalawang kapatid niya na para silang ginagawang alila sa bahay ng kanilan tita. Sinubukan niyang intindihin ang sitwasyon nila dahil nakikitira lamang sila at wala silang ibang matutuluyan sa Manila. Ngunit hindi na siya nakatiis nang isang gabi na umuwi siya ay umiiyak ang dalawa niyang kapatid at may pasa si Jenson. Ora-mismo, nakapag-desisyon siyang umalis ng bahay na iyon kasama ang kanyang mga kapatid. May sapat siyang ipon para makapag-down payment sa isang maliit na pang-upahang bahay at sa pang-araw-araw nilang gastusin hanggang sa makahanap siya ng trabaho. Ngunit seventeen years old lamang si Syrene noon. Nahirapan siyang makahanap ng trabahong may magandang suweldo dahil kahit ang mga call center ay naghahanap ng at least eighteen years old. Isa pa ay simula nang pumunta sila ng Manila, tumigil na siya sa pag-aaral. Ni hindi niya natapos ang senior high school. Nabuhayan lamang siya ng loob nang may pinadalang link ng isang IG post sa kanya si Carrie. May isang social media account na naghahanap ng mga freelancer na makakapag-submit sa kanila ng mga nakaka-intrigang pictures ng mga sikat na celebrities. Simula nang manalo si Clint Carter bilang best actor sa Cannes Film Festival, nagkaroon na ng interest sa Filipino movies and TV series ang iba’t ibang bansa. Nagsimulang makilala ang Philippine Entertainment Industry at halos naging kasabayan na ang South Korea sa larangang iyon. Dahil doon, nagsulputan na rin ang mga Paparazzi sa bansa. Marami nang gustong bumili ng mga larawan ng mga sikat na aktor at mga aktres. The more scandalous the picture was, the better. Iyon ang naging daan para sa career ni Syrene bilang isang paparazzo, kung matatawag nga bang isang career iyon. Alam niyang maraming galit sa uri ng trabaho niya pero iyon ang bumubuhay sa kanilang magkakapatid. Hindi siya nagdalawang isip na piliin si Clint Carter bilang subject ng kaniyang mga larawan dahil unang-una, malakas ang hatak nito sa market. Pangalawa, gusto niyang tuparin ang pangarap niya noon na makita ito palagi. Pangatlo, doon na yata talaga siya inilagay ng tadhana dahil… “Girl, natatandaan mo ba ‘yong kinuwento ko noon sa ‘yo na nakapasok bilang assistant ang pinsan ko sa agency na nagha-handle kay Clint?” Excited na tanong ni Carrie nang kausapin siya nito sa video call. “Oo.” “Girl, this is it!” Nanlalaki pa ang mga mata sa tuwa na anunsiyo ni Carrie. “This is it ang ano?” Pagod siya sa maghapong paghahanap ng trabaho kaya hindi niya mapantayan ang energy ng kaibigan. “Su-supply-an ka niya ng mga impormasyon tungkol sa schedule ni Clint! Basta ba ikaw na rin ang bahala sa porsyento niya tuwing may mabebenta kang picture.” Sunod-sunod ang pagkurap ni Syrene. Pino-proseso pa ng utak niya ang sinabi ng kaibigan. “P-Puwede ba ‘yon?” Pinaikot nito ang mga mata. “Siyempre hindi. Kaya dapat mag-agree kayong dalawa sa kung magkano ang porsyento niya dahil iri-risk niya rin ang trabaho niya para rito.” Hindi nakatulog si Syrene buong magdamag pagkatapos ng pag-uusap nilang iyon. Marami ang nagco-comment noon sa mga posts niya na magaling siyang mag-picture. Mayroon din siyang DSLR na iniingatan niya talaga dahil iyon ang huling regalo na binigay sa kanya ng mga magulang niya noong huling kaarawan niya na buhay pa ang mga ito. Walang mawawala sa kanya kung susubukan niya. Besides, pagod na pagod na siyang maghanap ng trabaho na mabubuhay sila ng komportable ng mga kapatid niya. Madalas ay below minimum wage ang tumatanggap sa kanya dahil wala pa siya sa legal age. Habang tinitingnan niya ang mukha ng mga kapatid niyang mahimbing na natutulog, nakapag-desisyon na siya. Susubukan niya ang trabahong iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD