CHAPTER 2

1215 Words
“SYRENE! Tingnan mo! Tingnan mo!” Malayo pa lamang ang kaibigan niyang si Carrie ay nagtitili na ito patakbo sa kanya. Kakatapos lang ng P.E class nila kung saan pinag-jogging sila ng kanilang teacher paikot sa oval track ng kanilang eskuwelahan. Pawis na pawis siya at iinom sana ng tubig nang marinig ang pagsigaw ni Carrie sa kanyang pangalan. Kapwa sila fourteen years old at nasa ikalawang taon ng high school. Magkasundo sila sa halos lahat ng bagay kaya naman naging malapit na kaibigan niya ito. “Ang ingay mo oy!” natatawang saway niya rito. “Tingnan mo kasi!” Hingal na idinutdot nito ang hawak na cellphone sa mukha niya. Halos maduling si Syrene sa ginawa nito kaya bahagya siyang umatras. Mukha kaagad ni Clint Carter ang nakita niya sa screen kaya naman bigla siyang nabuhayan ng dugo at mabilis na binasa ang headline na nakasulat sa itaas ng nakangiti nitong larawan. Philippine’s Clint Carter Wins Best Actor Award at Cannes Film Festival Namilog ang mga mata ni Syrene at napaawang ang mga labi. Agad niyang tiningnan si Carrie para siguraduhing totoo nga ang nakalagay doon at hindi isang prank lamang. Sasakalin niya talaga ang kaibigan kapag hindi totoo iyon! Aba, ilang araw niyang pinagdasal ang pagkapanalo ng pinakamamahal niyang aktor! Legit na iiyak talaga siya ng isang balde kapag hindi nito nakuha ang award. “T-Totoo ba?” Excited na tumango si Carrie. Fan din ito ni Clint kaya umasa rin itong manalo ang lalaki. Sa mukha pa lamang nito ay alam na kaagad ni Syrene na hindi ito nagloloko lang! “OH-EM-GEEE!” Bilang nagpakawala ng malakas na tili ni Syrene na ikinagulat ng mga nakapaligid sa kanila. Halos sasabog siya sa tuwa. Hinawakan niya ang dalawang kamay ng kaibigan at nagtatatatalon sila roon sa bleachers kahit hindi pa nakaka-recover ang lungs niya sa pag-jogging kanina. But so what? Nanalo ng best actor sa isang prestigious international film festival ang matagal na niyang iniidolong aktor. Kahit pa malagutan siya ng hininga ora-mismo ay wala siyang pakialam. “Ang galing talaga ng bebe natin!” Halos maiyak sa tuwa na wika ni Carrie nang sa wakas ay tumigil sila sa pagtalon at nagyakapan na lamang. “Sabi ko na nga ba, si hubby ang mananalo! Ang galing-galing niya!” wika naman ni Syrene. Minsan ay hubby ang tinatawag niya kay Clint dahil nag-iilusyon siyang asawa niya ang 23-year-old na aktor kahit hindi naman nito alam na nag-e-exist siya sa mundong ibabaw. “Gagi, kailangan nating mag-celebrate,” deklara ni Carrie. Tumango-tango siya at saka bumitaw sa pagkakayakap rito para tingnan ito ng seryoso sa mukha. “Bukas, magbabaon ako ng marami at masasarap na pagkain!” Tumango rin ang kanyang kaibigan. “Ako din!” Nagyakapan ulit sila habang tumatalon-talon pa. …………… BUONG ARAW maganda ang mood ni Syrene. Pakiramdam niya ay dinuduyan siya sa alapaap. Simula pa lamang twelve years old siya ay crush na niya ang aktor na si Clint Rivera nang may mapanood siyang isang movie nito. Simula noon ay palagi na niyang inaabangan ang kahit na anong proyekto ng binata. He was good in any genre. Mapa-action man, o comedy, o romance, o kahit na nga horror movie ay kayang-kaya nitong gampanan ang role nito. Puno na nga halos ang kuwarto niya ng mga poster ng lalaki. Minsan ay napapagalitan na siya ng kanyang mama. Paano ba naman kasi, halos nauubos na ang allowance niya sa kabibili ng kahit na anong may mukha ni Clint. Noong tumuntong siya ng first year high school sa isang private school sa kanilang bayan, may print ng mukha ng aktor ang kanyang back pack, kaya naman napansin kaagad siya ni Carrie at nilapitan nito dahil fan din pala ito ni Clint. Doon nagsimula ang maliit nilang fans club na silang dalawa lamang ang miyembro dahil kahit maraming fans si Clint sa school nila, na-O-OA-han ang mga ito sa level ng pagka-die-hard-fan nilang dalawa ng kaibigan. Pero wala silang pakialam dahil masaya sila sa ginagawa nila. Sisipol-sipol pa si Syrene nang pumasok siya sa loob ng bahay nila na hindi naman masyadong kalakihan. She belonged to a middle-class family. Pulis ang papa niya at may maliit na negosyo ng mga skin care products naman kanyang mama. Siya ang panganay sa tatlong magkakapatid. Nasa elementarya pa lamang ang mga ito na isang babae at isang lalaki. Mayroon silang isang kasambahay na siya na ring sumusundo sa mga kapatid niya at nag-aasikaso sa kanila dahil gabi na kung umuwi ang kanilang mga magulang. Dire-diretsong pumasok si Syrene sa kanyang kuwarto. Gusto sana siyang sundan ng bunso nilang si Xia na anim na taong gulang pa lamang pero pinagalitan niya ito dahil ayaw niyang paistorbo. “Do’n ka kay Ate Gina! May gagawin ako!” “Laro lang tayo, Ate,” nakalabi nitong pakiusap. “Labas!” Inis niyang saway at padabog na isinara ang pintuan. Nang makita niya ang nakangiting picture ni Clint Carter na nakapaskil sa likod ng pinto, biglang umamo ang mukha niya at hinalikan iyon at hinaplos-haplos pa ang pisngi. “Sorry, hubby! Nasaktan ka ba sa pagbagsak ko ng pinto?” aniya sabay kiskis ng sariling pisngi sa mukha nito. “Congrats nga pala! Ang galing mo talaga at super guwapo pa! Tiyak na pag-aagawan ka na naman ng iba pero akin ka lang ha?” Tumawa siya saka hinagis ang backpack sa study table at excited na humiga para buksan ang cellphone. Kanina pa siya kating-kati na mag open ng social media dahil gusto niyang basahin ang lahat ng articles at post tungkol sa pagkapanalo ng binatang aktor. Nakipag-bardagulan pa siya sa comments na hindi umaayon kay Clint Carter. Aba! Walang karapatan ang kahit na sino na pagsalitaan ng masama ang hubby niya. Ipagtatanggol niya ito kahit pa tawagin siyang keyboard warrior. Para sa kanya ay napaka-perpekto nito. Bulag lang may ang ayaw kay Clint Carter. Hanggang sa nakatulugan na niya ang pag-i-scroll sa kanyang cellphone at kakaaway sa bashers ni Clint. Naalimpungatan lamang si Syrene nang mabibilis na mga katok sa kanyang pintuan. Nang idilat niya ang mga mata, madilim na ang paligid. Hindi naman siya ginigising ni Ate Gina para lang maghapunan dahil alam nito na kumakain lamang siya kung kailan niya gusto. Madalas ay hating-gabi na siya bumababa dahil mahilig naman siyang magpuyat. Mabibilis ulit na mga katok. Inis na bumangon si Syrene at tinungo ang pintuan. Nakasimangot pa siya nang buksan iyon. “Syrene!” ani Ate Gina. Kinuskos niya ang mga mata. “Syrene, ang mama’t papa mo.” Natigilan siya sa tono ng babaeng kaharap kaya ibinaba niya ang mga kamay at tiningnan ito sa mukha at salubong ang mga kilay na hinintay na ipagpatuloy nito ang sinasabi. “Syrene…” Parang maiiyak na ito at tila nag-aalangan na magsalita ulit. “A-Ano po ba ‘yon, Ate Gina?” Hindi na niya naitago ang kaba sa kanyang boses dahil sa inaasta nito. “N-Nahold-up sila sa shop kanina.” “Po?!” Nagsimulang bumilis ang t***k ng puso niya. Para iyong malakas na drums na nakakabingi. “S-Sinubukang lumaban ng papa mo, p-pero… nabaril silang dalawa.” Hindi na alam ni Syrene ang mga sumunod pa na nangyari dahil biglang dumilim ang paningin niya at dire-diretso na siyang bumagsak sa sahig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD