CHAPTER 4

1310 Words
HINDI MAKAKALIMUTAN ni Syrene ang unang pagkakataon na nakita niya si Clint Carter. Ilang oras siyang naghintay sa labas ng isang bagong bar sa Makati. Ayon sa pinsan ni Carrie na si Rica, pupunta raw si Clint sa opening ng bar na iyon dahil kaibigan ng aktor ang may-ari. Inip na inip na si Syrene. Gusto na niyang umuwi. Anong oras na pero hindi pa niya nakikitang pumasok man lang ang aktor. Hindi niya alam kung may iba itong dinaanan o baka mali lang talaga ang impormasyon na binigay sa kanya ni Rica. Bandang alas onse ng gabi, hindi na niya napigilan. Ihing-ihi na siya. Sarado na ang ibang malalapit na establishments at bawal naman siyang pumasok sa loob ng bar dahil kailangang may invitation card. Kagat-labing nagpalinga-linga si Syrene sa paligid. Gusto na niyang maiyak. Mukhang hindi talaga siya para sa trabahong ito. Jusko! Ano bang kamalasan ito? Mukhang maiihi pa yata ako sa panty ko. Naisip niyang umuwi na lang pero sayang ang lahat ng effort niya kung susuko siya ngayon. Ilang oras na siyang naghintay. Dali-dali siyang umikot papunta sa likod ng gusali kung saan mayroon ding ibang paparazzi na nakaabang kay Clint pero alam niyang maging ang mga ito ay hindi pa nasisilayan ang binata. Medyo madilim sa parteng iyon pero wala pa rin siyang makukublihan. Tutulo na talaga ang ihi niya. Hindi na niya kayang pigilan! Halos takbuhin niya ang papunta naman sa kabilang side ng gusali. May masikip na eskinita doon. Halos sakto lang para makadaan ang dalawang payat na tao. Doon nakalagay ang basurahan ng bar at ng katabi nitong establishment kaya medyo mabaho pero choosy pa ba siya kung ganitong kahihiyan niya ang nakasalalay? Hindi na siya nagdalawang-isip pa. Nagtago siya sa likod ng isang metal bin at mabilis na binaba ang suot na jeans at underwear. “Haaay…” Napapikit pa si Syrene habang dinadama ang kaginhawaan habang sumisirit ang ihi niya sa semento. Sa sobrang tagal niyang pinigilan ang ihi niya kanina ay matagal siyang natapos. Punong-puno ang pantog niya. Matatapos na sana siya nang bigla siyang nakarinig ng pagbukas na pintuan. Gulat na napakislot si Syrene. Ni hindi niya alam na may pintuan pala sa side na iyon! Nagsimula siyang mag-panic. Mamamatay yata siya sa hiya kapag nahuli siyang umiihi doon! Pinuwersa niya ang sariling ilabas na ang lahat ihi at isusuot na sana ulit ang panty at jeans nang may narinig siyang kakaibang tunog. Natigilan siya. “Hmm… Uuuggh… Hmm…” Salubong ang mga kilay na napatingin siya sa pinanggagalingan ng mga tunog at nasapo niya ang bibig nang makita ang dalawang taong naglalampungan. Nakasandal ang babae sa pader habang hinahalikan ito ng isang lalaki. Malikot din ang mga kamay ng lalaki. Kung saan-saan iyon dumadako sa katawan ng babae. Napalunok si Syrene. First time niyang makakita ng ganoong eksena sa totoong buhay. Pinamulahan siya ng mukha sa paraan ng pag-ungol ng babae. Parang sarap na sarap ito sa ginagawa. Nakaramdam siya ng inis sa sarili. Bakit parang siya pa yata ang naiilang samantalang ang mga ito ang dapat na mahiya? Dahan-dahan niyang inangat ang panty niya at sinunod naman ang jeans. Ingat na ingat siyang huwag mapansin ng mga ito kaya hindi niya inaalis ang paningin sa dalawa. Biglang pinakawalan ng lalaki ang bibig ng babae at nagsimulang maglakbay ang mga labi nito sa gilid ng leeg ng dalaga. Napasinghap si Syrene dahil bahagyang tumambad sa kanya ang mukha ng binata. “Oh, Clint…” ungol ng babae na tumingala pa na parang iniaalay nito ng buong-buo ang leeg sa lalaki. Nag-panic ulit ang isipan ni Syrene. Tama nga siya! Si Clint Carter ang lalaking nakikita niya ngayon! At hindi niya lang ito basta nakita. Binigyan pa siya nito ng live show! Nanginginig ang mga kamay na inangat ni Syrene ang camera na kanina pa nakasabit sa leeg niya. Click! Hindi niya alam kung sino sa kanilang tatlo ang pinaka-nagulat sa nangyari. Ang tanging alam niya lang ay sabay-sabay silang natigilan nang biglang lumiwanag ang flash ng camera ni Syrene. Mahabaging lupa! Lamunin mo na lang ako ngayon din! Sabay na napatingin sa kanya si Clint at ang babaeng kasama nito. He looked bewildered. Nang mapatingin ito sa hawak niyang camera ay biglang rumehistro ang matinding galit sa mukha nito. “Paparazzi!” he hissed. Natulala si Syrene. Kahit madilim sa bahaging iyon ay parang lumiliwanag ang balat ni Clint. Sobrang guwapo nito! Parang hindi totoong tao. Parang anghel na bumaba sa lupa. Parang knight in shining armor. Parang prinsipe na galing pa sa malayong kaharian… Pakiramdam ni Syrene ay nahi-hypnotize siya sa presensya ni Clint na hindi niya maintindihan. Ngunit nagising lamang ang diwa niya nang bigla itong gumalaw papalapit sa kanya. Awtomatikong napatayo siya para tumakbo, pero saan siya tatakbo? Iisa lamang ang lagusan doon at nakaharang doon si Clint at ang babae na mukhang familiar din ang mukha. Marahil isa itong modelo o beauty queen o… “Delete that f*cking photo!” galit na utos ni Clint. Walang ibang choice si Syrene kundi ang subukang tumakbo ng mabilis papunta sa binata at baka may pag-asa pa siyang makawala rito. Ngunit mabilis siya nitong nahawakan sa magkabilang braso. “Burahin mo ang picture!” muli nitong utos. Takot na takot na napatingin na lamang siya sa mukha nito. Shit! Hindi siya maka-concentrate kung ano ang dapat gawin. Sobrang lapit na lamang ni Clint sa kanya ngayon. Halos yakap na siya nito. Puwede na nga niya itong nakawan ng halik, eh. All those years na pinapantasya niya ang binata at heto na sila ngayon. Hawak-hawak na siya nito. Pero galit ang lalaki. Para na siyang kakainin nito ng buhay. “Delete that photo or I’ll—” “Clint Carter! Clint Carter!” Buong lakaw na sigaw ni Syrene. Takang natigilan ang aktor habang nakatingin sa kanya. Ngunit bago pa man ito naka-react muli, nagsitakbuhan na ang mga pararazzi sa kinaroroonan nila. “s**t!” Ang huli niyang narinig na bulong ng binata bago ito tumakbo papasok ulit sa nakakubling pintuan kasama ang babaeng kahalikan nito kanina. ……….. NANG makauwi si Syrene nang gabing iyon, mahimbing nang natutulog ang mga kapatid niya. Umupo siya sa gilid ng kama at binuksan ang camera. Tiningnan niya ang larawan na kuha niya kanina. Kitang kita doon ang paghalik ni Clint sa leeg ng babae habang ang isang kamay nito ay nakahawak pa sa dibdib nito. Matagal niya iyong tinitigan. Nagtatalo ang isipan niya. Siguradong malaki ang makukuha niyang bayad sa larawang iyon. Pero kaya ba ng konsensiya niya? Mayamaya, pinindot niya ang delete button. Ngunit natigilan siya at saka muling tiningnan ang dalawang kapatid na payapang natutulog. Humugot siya ng malalim na hininga at saka kinuha ang laptop. Ibebenta niya ang larawan. ………… HINDI iyon ang una at huling pagkakataon na nasaksihan niya sa ganoong eksena si Clint Carter. Sa two years niya na pagtatrabaho bilang paparazzo, ilang beses na niya itong nakahuan ng mga hindi kaaya-ayang larawan. Nakabili siya ng mga mamahaling camera. Iyong tipong kayang mag-zoom in kahit ilang kilometro pa ang layo ng kanyang subject. Nakuhaan niya pa ito ng litrato sa isang nude beach sa Europe kasama ang international model na dini-date nito noong panahong iyon. Pero sa ngayon, wala na lamang ang bagay na iyon kay Syrene. Sanay na siya. Wala na siyang konsensiya. She used to put Clint Carter on a high pedestal. Hangang-hanga siya rito. Ngunit habang tumatagal, nawawala ang paghanga niya sa aktor. Hindi ito ang lalaking pinapantasya niya noon. He was a womanizer and an arrogant assh*le. Kilalang-kilala na rin siya ng lalaki. In fact, kapag nakikita nito ang mukha niya sa mga event, nasisira na agad ang araw nito. Alam niyang kung may pagkakataon lamang ang lalaki, gustong-gusto na siya nitong durugin. Kaya sino ba ang mag-e-expect na darating pala ang isang araw na paglalaruan silang dalawa ng tadhana?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD