CHAPTER 5

1752 Words
ISA NA namang TV series contract ang nilagdaan ni Clint Carter kung saan makakatambal niya si Jane Ramirez na isa rin sa mga tinataguriang malaking pangalan sa industriya ng Philippine showbusiness. Lahat ay excited sa proyektong ito. Hindi pa man sila nakapagsisimulang mag-shooting, marami nang mga nakaabang at nag trending na rin sa social media platforms ang tungkol dito. Pagkatapos nilang magpa-press conference, kumuha ng isang cruise ship ang kanilang executive producer upang ipagdiwang ang nalalapit na proyekto. Naniniwala itong deserve nila ang kasiyahang iyon bago pa man sila matali sa shooting commitments sa mga susunod na buwan. Bagama’t exclusive ang barkong iyon para sa kanilang selebrasyon, maraming imbitado na galing sa iba’t ibang larangan. May mga modelo, artista, athlete, politicians, at iba pa. “I don’t think one night is enough for this,” nakangising wika ni Clint sa kaibigan nitong artista na si Jacob. Kasalukuyan silang nakaupo sa bar habang umiinom ng alcoholic drinks at pinapanood ang mga nagsasayawan sa dance floor. Kaninang umaga, maaga silang umalis sa port dahil gusto nilang sulitin ang mga oras dahil kailangan na nilang makabalik bukas bago magtanghali. May paparating daw na bagyo at ayaw nilang maabutan sa laot ng malalaking alon. “Just look at those hot girls.” Tumango si Clint sa direksyon ng mga babaeng kanina pa patingin-tingin sa gawi nila habang sumasayaw sa gitna ng dance floor. Halatang umaasam ang mga ito na mapansin niya at isayaw. “Paano ako pipili sa kanila nito ngayon? I only have one night here.” Tumawa si Jacob. “Eh di pagsabay-sabayin mo sila ngayong gabi. Sulitin mo.” Tumawa rin siya pero sunod-sunod ang pag-iling niya. “Dude, you know I’m not into orgy. Mas gusto ko iyong one-on-one. Mas feel na feel mo ang sarap.” “Then check that girl out.” Inginuso ni Jacob ang isang babae na nakaupo sa malayo, ngunit nakatingin sa kanila. Maganda ang babae at may mapang-akit na ngiti. Hapit na hapit sa payat nitong katawan ang suot nitong white tube dress. “Who’s that?” interesado niyang tanong. “I think she’s a commercial model. Parang nakita ko na siya sa isang advertisement.” “Hmm…” Muling sinuri ni Clint ang dalaga. Ngunit bago pa man siya makapag-desisyon ay tumayo na ito habang hindi pa rin inaalis ang mga mata sa kanya. The woman walked gracefully in his direction. She looked very confident. Halatang sanay na sinasamba ng mga kalalakihan. “Clint Carter?” ani nito sa patanong na tono. Ngumiti ito ng mapang-akit sa kanya. “Hi! I’m Adeline. Can I dance with you.” Sumipol si Jacob. “Iba talaga kapag Clint Carter,” pang-aasar nito. Tumayo siya at hinapit sa baywang ang babae. “I don’t think anyone would be able to turn you down, Adeline.” Tumawa ito ng mahina at hinila siya sa gitna ng dance floor. Inis na inis na napatingin dito ang ibang mga babae. Ngunit sumayaw lamang si Adeline na parang wala itong pakialam sa mundo. F*ck! How he loved confident and gutsy women. Hinawakan niya ito sa baywang at halos magkiskisan na ang mga katawan nila doon. Upbeat ang kantang pinapatugtog ng DJ at game na game naman silang dalawa na sumayaw. At the back of Clint’s mind, naririnig niya ang boses ng kanyang manager. Be careful this time, Clint! For once, huwag ka munang magpa-picture na may kasamang ibang babae. Bini-build-up ng management ang love team ninyo ni Jane Ramirez para sa teleseryeng ito. Don’t ruin it! F*ck that. Hindi siya nag-artista para lang diktahan ang mga gusto niyang gawin sa buhay. In fact, the main reason kung bakit pinili niya ang karera na ito ay gusto niyang makawala sa diktador niyang ama na may-ari ng isang multi-billion-peso fast food chain company. Gusto niyang patunayan dito na kaya niyang gumawa ng sariling pangalan at pera. Palaging sinasabi ng mga tao na kaya lamang siya sumikat ay dahil mayaman ang pamilyang pinanggalingan niya. Mayroon pa ngang tsismis noon na may mga binayaran ang ama niya para lang tumunog ang pangalan noon ni Clint Carter. Ha! That old man never supported his career. Kahit pisong duling ay wala itong inilabas. Halos i-disown pa nga siya nito nang i-anunsiyo niya ang kanyang plano na maging isang artista noong 18 years old pa lamang siya. His father wanted him to run the company someday, kaya pinili niyang tahakin ang daan na napakasalungat sa kagustuhan nito. And look at him now. The name Clint Carter was well-known in different countries of the world. Dahil sa pag-aartista at sariling sikap niya, nakuha na rin niya ang billionaire status na walang hinihingi sa kanyang pamilya. He would never let anyone dictate him. Not his father, not his manager, and not even his fans. Gagawin niya ang gusto niyang gawin. Kaya nga maraming nagsasabing arogante siya. Biglang nag-abi ang beat ng music na pinapatugtog ng DJ. Naging malumanay iyon kaya naghiyawan ang mga tao at humanap ng kanya-kanyang mga partner. Si Clint naman ay mas lalo niyang hinapit papalapit sa kanya ang dalagang kasayaw. “May nakapagsabi na ba sa ‘yong napakaganda ng mga mata mo?” aniya rito habang tinititigan ito sa mga mata. Pero ilang beses na ba niyang nasabi ang linyang iyon sa iba’t ibang mga babae? Napangiti si Adeline. “I know you’re just trying to flirt with me, Clint, But you don’t have to say anything to get. I’m all yours for tonight.” Walang kiyemeng hinila nito ang batok niya at ginawaran siya ng halik sa labi. Nabuhay ang dugo ni Clint at kusang nilaliman ang halik na iyon. His hands started caressing her back seductively. Kulang na lang ay hubaran niya ito doon mismo sa dance floor. Nang sa wakas ay natapos sila, nginitian niya ito habang hinahaplos-haplos ang pisngi. “You’re so hot, babe.” “And you’re a good kisser,” ganting-puri nito. Mas lalong lumapad ang ngiti niya at napaangat siya ng tingin sa kabilang dako ng open-deck bar. Then he froze. Nahagip ng mga mata niya ang isang napakagandang babae. Halos hindi siya makahinga. Her skin was glowing like a goddess. Nakasuot ito ng itim na bestida na napakaganda ng pagkakahapit sa magandang kurba ng katawan nito. She had curves in all the right places. Ang kulot nitong buhok ay nakalugay at may gold clip sa isang side. Parang gustong iwan ni Clint si Adeline dito sa dance floor para lang lapitan ang babaeng iyon, pero natigilan siya. Nakatingin din ang babae sa kanya habang hawak nito sa isang kamay ang maliit na camera. Oh, s**t! Halos lumuwa ang mga mata ni Clint nang ma-realize niya kung sino ang babaeng tinitingnan niya. It’s that d*mned paparazzo! Ngayon niya lamang ito nakita na nakaayos ng ganoon. Madalas ay nakikita niya itong naka-maong na pants at maluwang na t-shirt at baseball cap. Who knew she could be this hot and gorgeous? Kinuyom niya ang mga palad. Siguradong kanina pa siya nito nakuhanan ng mga picture. Who the hell invited her to this party? Mapapatay niya ang nagpapasok sa babaeng ito! “Are you okay?” salubong ang mga kilay na tanong ni Adeline nang mapansin nitong nag-iba ang mood niya. “Babe, meet me in my room after an hour, okay? Here’s my key card.” Dinukot niya sa bulsa ang plastic card at binigay iyon sa babae. “I just need to talk to some people.” Napatango na lamang si Adeline habang nakasunod ang tingin sa kaniya. Sinenyasan niya agad ang kanyang P.A na si Kurt para lumapit. “She’s here,” bulong niya. “Sino?” “That d*mned paparazzo!” iritadong sabi niya. Nanlaki ang mga mata nito at agad na pinagala ang paningin para hanapin ang sinasabi niya. “Paano siya nakapasok?” “I don’t know!” he said frustratedly. “At wala na akong panahon para alamin pa. Listen, you still have my sleeping pills, right? Put some on her drinks. Make sure na makakatulog kaagad siya at bukas na magigising. F*ck! She’s really getting on my nerves. Just do something about her, okay?” Tumango-tango si Kurt. “Huwag kang mag-alala, Sir. Ako ang bahala.” Umalis na siya at nilapitan ang magiging director ng bago niyang teleserye dahil may ipapakilala raw ito sa kanya na mga businessmen na interesadong mag-endorso sa kanilang show. For the next hour, nakipag-usap, tawanan, at inuman si Clint sa ibang mga bisita. Tumingin siya sa relo at tiningnan ang paligid. Wala na si Adeline. Nagpaalam siya sa mga kasamahan. ……….. SUNOD-SUNOD ang pagkurap ni Syrene nang maramdaman niya ang bahagyang pagkahilo. Tatlong shot lamang ang nainom niya at kilala niya ang sarili. Hindi siya ganoon kabilis tamaan ng alak. Marahil nahihilo siya dahil sa alon. Hindi siya sanay sumakay ng barko. Humugot siya ng malalim na hininga. May mga kuha na siyang pictures ni Clint Carter sa gabing iyon. Sa palagay niya ay tama na iyon. Hindi na niya pipilitin pa ang sarili dahil para na talagang sasara nang kusa ang mga mata niya. Hilong-hilo siya habang naglalakad pabalik sa kuwarto. Binuksan niya ang maliit na bag para kuhanin ang kanyang keycard. Palabas na sana siya ng pinto nang may nakabunggo siyang isang babae. Nalaglag tuloy ang keycard niya kaya yumuko siya at kinuha iyon. “Sorry,” wala sa sariling sambit niya. “Be careful next time!” mataray nitong sagot at yumuko din at may dinampot sa sahig. Hindi na nakipagtalo si Syrene. Nagpatuloy lamang siya sa paglalakad pero kahit antok na antok na siya, narinig niya pang may kausap ang babae sa kanyang likuran. “What about him?” sabi ng boses ng lalaki. “Oh, don’t worry about him. If you will get me as your product endorser, I’m all yours for tonight.” Hindi na lumingon pa si Syrene. Sanay na siya sa mga ganoong klase ng tao sa tagal na niyang nagtatrabaho bilang paparazzo. Noong nasa hallway na siya ng mga cabin rooms, bigla siyang napahinto. Saan na nga ba ang silid niya? Tiningnan niya ang keycard. Room 311. Ipinilig niya ang ulo. Bakit parang Room 317 ang pagkakatanda niya kanina? Ah! Inaantok na nga talaga siya. Kahit ang room number ay hindi na niya matandaan. Pinuntahan niya ang Room 311 at binuksan iyon. Madilim ang paligid pero hindi na siya nag-abala pang buksan ang mga ilaw. Babagsak na talaga ang mga mata niya. Dire-diretso siya sa malambot na kama at wala pang dalawang segundo ay tuluyan nang nakatulog si Syrene.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD