GUSTONG bumangon ni Syrene dahil naiihi siya, pero parang ayaw niya pang dumilat. Pakiramdam niya ay pagod na pagod siya ngayon na para siyang tumakbo sa isang napakahabang marathon. Susubukan niya sanang matulog ulit pero bigla siyang nag-panic nang may ma-realize. Shit! Nakaihi na yata ako nang hindi ko namamalayan! Para siyang naliligo sa sarili niyang ihi dahil basang-basa ang buong katawan niya. Ramdam niya rin ang napakainit na sinag ng araw sa balat niya kaya sigurado siyang umaga na. Hindi man lang ba siya ginising ni Jenson at ni Xia? Bigla siyang dumilat pero napahiyaw siya at agad ding pumikit ulit dahil para siyang mabubulag sa sobrang liwanag. Saka niya lang napansin ang tunog ng paligid. Tunog ng alon. Tunog ng mga ibon. Dumilat ulit si Syrene. Nasa dagat si