HALOS hindi makatingin si Syrene kay Clint nang makabalik na sila sa kuweba. Hiyang-hiya siya sa nangyari kanina, at pakiramdam niya ay na-shock din ang buong sistema niya noong maramdaman niya ang matigas na bagay na tumama sa p*gkababae niya habang buhat-buhat siya nito. Sobrang lakas na naman ng hangin at ulan sa labas. Nakaupo lamang siya sa may gilid habang yakap-yakap ang dalawang tuhod dahil giniginaw na siya kahit sa tingin niya ay hapon pa lamang sa oras na iyon. Si Clint naman ay abala sa kakapukpok sa buko gamit ang matulis at pahabang bato na napulot nito kanina. “D*mn!” Napakislot si Syrene nang ihagis ni Clint ang bato dahil bigo itong mabuksan ang buko. Naubusan na ito ng pasensiya. Ilang beses na humugot ng malalim na hininga ang binata na parang pinapakalma ang s