HINDI napigilan ni Syrene na mapaungol nang tuluyang dumanpi ang labi ni Clint sa kanya. Kakaibang kiliti ang hatid niyon kanyang katawan. Naalala niya kung gaano kasarap ang halik nito noong nasa barko sila at inakala niyang nananaginip lamang siya. Ngayon, sigurado na talaga siyang totoong-totoo ang nangyayari. Hindi siya nananaginip lang. Para siyang nahi-hynotize at hindi maigalaw ang katawan. Hindi rin naman ito gumagalaw. Nanatili lamang nakadampi ang mga labi nito sa labi niya na tila dinadama nito ang kalambutan niyon. Mayamaya ay bahagya itong lumayo at idinikit ang noo kay Syrene. “I want to claim your lips so bad,” bulong nito habang hinihimas-himas ang batok niya. “Isipin mo na lang na kabayaran mo iyon sa lahat ng mga litrato ko na binenta mo.” Dahan-dahan siyang dumi