CHAPTER 39

1104 Words

ABOT-ABOT ang kaba ni Syrene habang sakay siya ng van ng agency pabalik sa condo ni Clint. Akala niya pa naman, hindi na niya makikita pa ulit ang binata simula nang mag-walk out siya sa Senior’s Ball. Pero sadyang pinaglalaruan nga yata siya ng tadhana dahil mahigit dalawang linggo lamang ang lumipas, heto’t maghaharap silang muli. At bakit naman sa ganitong sitwasyon pa kung saan malaki ang disadvantage siya? May utang siya ritong malaking halaga! Kahit saang anggulo tingnan, wala siyang puwedeng ipang-bargain sa binata. Tatalab kaya kung magpaawa effect siya rito? Tutal, sinabi nito sa kanya na hirap itong kalimutan siya. Paano kaya kung akitin na lang niya ito? Tumigil ka, Syrene. Ni hindi mo pa nga sigurado kung si Clint pa rin talaga ang nakatira doon. Paano kung lumipat na pal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD