Chapter 2
Habang naglalakad ako papasok sa school, hindi ko maiwasang lingunin ang mga schoolmates kong mga babae. Ang gaganda nila. Ang hahaba ng mga buhok. Ang puputi. Lahat magagara ang uniform, sapatos at bag. Wala akong nakikita nang parang mga kaklase kong mga tiga probinsiya na nakatsinelas at may lumang mga bag noon. Dito, sa bago kong school, lahat mayayaman. May mga sasakyang naghahatid-sundo sa kanila. May mga kasama pa ngang yaya ang mga iba. Lahat masaya. Lahat parang nagmamadali. Lahat ng nakatingin sa akin, nagugulat o kaya ay natatawa. Ramdam ko na ang kaibahan ko pero okey lang. Hindi ako dapat paapekto.
Iniisip ko na lang, hindi bale, tutubo at hahaba rin naman ang buhok ko. Mawawala rin ang mga galis sa balat ko at tuluyang mabubura ng mga ipinapahid kong gamot ang mga itim-itim na peklat sa mukha ko at buong katawan. Gaganda rin ako kagaya nila. Hindi ko dapat kaawaan ang sarili ko. Hindi dapat ako mahihiya dahil sabi nga ni Lola sa akin, pare-pareho kaming mga nilikha ng Diyos. Parehong mga tao kahit ano pang kulay ng balat at katayuan sa buhay. Walang sisira sa tingin ko sa aking sarili.
Hanggang sa nahanap ko rin ang aming classroom. Yung mga naabutan kong mga babae na naghaharutan na parang dati nang magkakakilala ay sandaling napatingin sa akin saka sila nagkatinginan.
“Hi classmates. Good morning!” bati ko sa kanila na buo ang pagkakangiti.
Nagkatinginan lahat sila saka sila nagngitian na natapos nang malutong nilang tawanan.
Umupo na lang ako at hindi ko na lang sila pinansin kahit medyo nasaktan ako sa ginawa nilang iyon. Sabi nga ni Daddy kanina. Hindi pa nila ako kilala. Makikilala rin nila ako at magiging kaibigan. Magbabago rin ang tingin nila sa akin. Sabi ni Mommy sa akin kagabi, kailangan kong itaas ang impression nila sa akin. Once dawn a magsalita ako at bibigyan ko ng pagkakataong i-redeem ang aking sarili, gagamitin ko iyon kasi daw minsan, firt impression lasts.
May mga bulungan man silang hindi ko naririnig sabay tawa at lingon sa akin pero okey lang. Hindi ko naman kontrolado kung paano nila ako pakisamahan.
Hanggang sa biglang may pumasok. Napako ang tingin ko sa batang lalaking iyon. Nakuha niya agad ang interes ko. Napaka-angas kasi ng dating niya. Parang siya yung mga napapanood kong mga child actor sa TV. Maputi, matangkad siya sa edad namin, sobrang gwapo at sobrang lakas pa ng dating.
Narinig kong kinilig ang mga kaklase ko nang mabungaran siya. Ramdam kong siya nga yata ang inaabangan nilang dumating.
Naamoy ko agad yung pabango niya.
Siya naman ay parang wala lang na dumiretso sa upuan sa likod na parang hindi ako nakita o napansin. Sinundan ko siya ng tingin. Iyon kasi ang unang pagkakataong makakita ako ng gwapong kagaya niya. Akala ko kasi sa TV lang o artista lang ang may ganoong hitsura, pwede ko rin palang makaklase. Ano kayang pangalan niya? Unang pagkakataon na parang may kung anong kilig akong naramdaman.
Nang nagsidatingan ang aming mga kaklase ay gumulo na ang buong classroom. Doon ko na nahalata na ang batang lalaking iyon pala talaga ang pinakasikat sa loob ng klase namin. Pinapalibutan siya. Kinakausap ng lahat. Kinawiwilihan ng karamihan. Sentro siya ng kuwentuhan. Boses at tawa niya ang nangingibabaw. Naisip ko, ako siya noon sa probinsiya. Na-miss ko yung ganoong pakiramdam at atensiyon samantalang ngayon, invisible ako. Invisible nga ba? Pansin ko kasi ako ang pinagtatawanan. Ako yata ang pinag-uusapan. Nakikita rin pala ako. Napapansin pero iyon ay dahil sa kaibahan ko sa kanilang lahat.
Pumasok ang aming teacher.
Tumayo ako at binati ko.
Nagtataka akong ako lang ang gumawa.
Saka na lang sila tumayo nang sinabi iyon ng teacher namin.
Tumahimik ang lahat.
Nagdasal kami. Binati ang teacher saka kami pinaupo.
“Before we start our class, may transferee tayo from Cagayan Valley. Zoe Paz, stand up and introduce yourself to your classmate.”
Sa pinanggalingan kong school. Iyon ang pinakapaborito kong bahagi ng pagsisimula ng aming klase. Yung ipakilala ang sarili sa harap ng lahat. Excited akong tumayo at hinarap ang lahat.
Hindi pa ako nagsasalita, nagtinginan na sila. Ang ngiti ay nauwi sa halos sabay-sabay nilang pagtatawanan.
“Silence!” malakas na saway ng teacher namin sa lahat.
“Hindi pa ako nagsasalita, natawa na kayo? Ganoon akong ka-effective magpasaya ha?” biro ko pa habang inaayos ko ang aking composure sa harap ng lahat.
Lalo silang naghagalpakan ng tawa.
Nahihiya na ako pero hindi… hindi dapat ako patatalo. Sabi ni Lolo ko, confident dapat ako kapag haharap sa ibang tao. Kapag daw kasi mahihiya ako, mawawala ako sa mga gusto kong sabihin. Kaya nga idol ko ang lolo kong kapitan eh kapag nagsalita sa harap ng mga tao.
“Good morning, Ma'am. Good morning classmates.”
“I'm Zoe Z. Paz…and it's my pleasure to introduce myself.”
“Wait!” nagtaas yung batang gwapo kanina, seryoso at lalong nakakainis ang kanyang kapogian kasi lumabas ang dimples niya.
“Yes?” may pa-cute pang tanong ko.
“What is that Z in your middle initial? Is it Zebra?”
“No! My surname is Zamora and not Zebra.”
Nagtawan sila. Late ko na na-realize na Zebra kasi batik-batik ang balat ko. Pinagtatawanan ako hindi dahil funny ako kundi sa panlabas kong anyo pero sabi ko nga, wala kahit sinong sisira sa tingin ko sa aking sarili. Pagkakataon ko na ito para magkaroon sila ng impression sa akin na kahit ganito ang panlabas kong anyo, malinis ang kalooban ko. Smart akong babae.
“I was born in Solana, Cagayan and grew up with my grandparents. I did my schooling at Solana North Central School and finish with high honors. My strength is that, I am always ready to take up new challenges and strive for excellence. This is because I believe success and failures are the best way to sculpt ourselves to reach our goals. And I believe in myself and my hard work, and I choose fulfilment in everything. My short-term goal is to achieve excellence in the skills I'm mastering. I am a positive person, funny at times and friendly. I am enjoying climbing the ladder of success. However, my long-term goal is to be a renowned businesswoman with a degree in Business Management just like my father and reach the highest level of success. My moral is never to intend to harm anyone on purpose but to help each and everyone to reach their goals. That's all about me, Ma’am. Thanks for allowing me to introduce myself to my dear classmates.”
Natameme silang lahat. Sabi ko nga sa sarili ko. Hindi nila ako kilala kaya madali lang silang pagtawanan ako. Hindi nila ako kilala kaya yung panlabas na anyo ko lang ang nakikita nilanmg pinagtatawanan. Wala akong pakialam sa kung anong tingin nila sa akin, Zebra? Okey lang. Ipakikita ko sa kanilang hindi nila ako kaya. Lalaban ako sa paraang alam ko. Ipagtatanggol ko ang sarili ko sa paraang alam kong malakas ako. Nagsisimula pa lang kami.