Chapter 3
Nagsimula ang aming klase. Nakilala ko na rin ang mga kaklase ko. Tinandaan ko ang pangalan nong gwapong lalaki nang tinawag ang pangalan niya. Zack Perez.
Tulad ng inaasahan, halos alam ko na lahat ang itinuturo ng aming teacher. Galing ako ng public school pero mahilig akong magbasa. May internet ako sa bahay ng lolo ko at mas nahilig akong magbasa kaysa sa maglaro sa labas. Maliban na lang sa paliligo sa ilog. Iyon kasi ang kahinaan ko. Pero yung maglaro ng bahay-bahayan o kaya kahit mobile games, hindi ko nakahiligan. Tinuruan ako nina Mommy at Daddy na gamitin ang oras ko sa mas makabuluhang bagay. Kaya nga kahit malayo sila sa akin noon, lagi nila ako tinatawagan para kumustahin at paalahanan ang kahalagahan ng edukasyon at pag-aaral ng mabuti. Iyon ang kaibahan ko sa lahat ng kababata ko noon. Isang katangian kong kinatakot ng mga guro ko kasi mas maalam pa ako sa kanila lalo na sa mga trivia.
Dahil sa ipinamalas kong katalinuhan sa klase ko nang ilang araw, nakuha ko ang respeto ng ilan sa kanila. Hindi na nila ako kinukutya dahil sa aking mga gumagaling nang galis at ang tumutubo nang buhok. Hanggang sa nakita ko ang grupo ni Zack na kinatatakutan ng mga bata sa buong campus namin. Nasisindak niya silang lahat. Natatakot kapag lumalapit siya lalo na sa mga mukhang mahihinang mga lalaki at babae. Nandiyang kinukuha niya ang mga pagkain nila. Itinatapon o kaya ay inaambaan ng suntok. May mga babae rin siyang sadyang binabangga o kaya ay pinahihiya. Hindi ko alam pero nasasaktan ako para sa mga mahihina. Tama nga si Daddy. May mga bully pala talaga at isa si Zack doon. Nabawasan tuloy yung tingin ko sa kanyang kaguwapuhan.
Pero kahit ganoon si Zack. Siya ang pinakamatalino sa klase nang wala pa ako. Siya rin ang gusto ng lahat na Presidente. Okey kasi siya sa mga malalakas at kagaya niyang matatalino at sikat sa campus ngunit hindi sa mga mahihina. Hindi siya yung bully na walang alam o makagulo lang. Bully siya sa mga nakikita niyang pwedeng target na hindi makaganti o hindi siya malabanan. Iilan lang naman ang bilang ng mga mahihina sa buong campus kumpara sa dami nang nag-a-admire sa kanya. Iilan lang ang pwede niyang biktimahin pero kinatatakutan siya ng lahat. Nirerespeto sa angkin niyang talino at galing sa paglalaro. Siya rin ang panlaban ng school ng taekwondo at arnis. Ibig sabihin, maalam sa combat. Ako, matalino lang sa klase.
Kahit medyo tumubo na ang buhok ko, nagmumukha pa rin akong lalaki. Hindi pa rin nawawala ang mga bilog-bilog na itim na peklat sa aking balat. Hanggang pagkatapos ng klase namin sa Science ay nagtanong ang bago naming teacher na halatang laging kinakabahan kapag nagtuturo ng, “Do you have any question, class?”
Kamakailan lang nang naglagay sila ng kaklase namin ng sirang upuan kaya nang umupo ang teacher naming at dahil may katabaan ito, bumagsak siya. Tumingin ako noon kay Zack. Nagtatanong kasi ang guro namin kung sino ang gumawa no’n, walang sumasagot. Walang nagsasalita kasi lahat sila takot kay Zack. Gusto ko na noong magsumbong pero iniisip ko kasi baka sa akin ibaling yung pambu-bully niya. Hindi ko gusting maging kasunod niyang biktima.
Kaya lang kung lahat ng students hawak niya. Kung lahat kami, magbulag-bulagan, magbingi-bingihan at magpipi-pipihan sa kanyang kawalang paggalang at disiplina, sino ang aayos sa mali niyang ugali.
“No more question? Kung wala nang tanong…”
“Ma’am, may tanong ako.”
“Yes Zack. Make sure na may kinalaman sa lesson natin.” Tumingin siya sa labas. Naroon pa rin ang Principal namin na para bang sinadya niyang making talaga sa talakayan ng hindi halata.
“Why is the sky blue?” tanong ni Zack sabay tingin pa sa Principal naming nasa labas lang ng classroom naming kausap ang aming Guidance Officer. Alam kong sinadya nito ang magtanong para pahiyain ang guro namin. Naririnig kasi sa labas ang discussion sa loob. Kinabahan agad ako para sa bago naming teacher. Hindi ko kayang nakikita siyang ninenerbiyos. Matalino si Ma’am, nauunahan lang ng nerbiyos dahil na rin sa bully na si Zack.
“Any other pertinent question about lesson, earth?” Medyo nakita kong iritado ang teacher namin kay Zack na pati kasi siya alam ko at ramdam kong binu-bully rin ni Zack. Naawa ako sa kanya. Kaya siguro kapag pumapasok sa klase namin, halata ang kanyang nerbiyos. Halatang hindi siya comfortable. Iyon ay dahil sa ilang beses na siyang tinatanong ni Zack ng kung anu-ano o kung anong inilalagay niya sa table nito.
“How come that my question is not pertinent? We are studying about earth, everything above the Earth's surface, including space is part of earth and sky is not excluded.”
“Excuse me, Ma’am. Pwede hong ako ang sasagot sa tanong ni Zack.”
“Sure,” nakangiti ngunit namumula na sagot sa akin ng aming teacher. Nakita ko kasi yung nginig ni Ma’am at awang-awan na ako.
“Your question is why the sky is blue, right?”
“Nagmamagaling ka na naman,” nakita kong pikon siya sa ginawa ko.
“Hindi ako nagmamagaling, nagtanong ka. Baka lang hindi mo alam kaya tinanong mo si Ma’am o baka naman gusto mo lang i-challenge kasi naghahanap ka talaga ng itatanong sa kanya na wala naman sa ating lesson. Nagtanong ka, sasagutin ko pero ako ang magtatanong mamaya sa’yo tungkol sa itinuro niya at tignan natin kung nakinig ka ba talaga kanina o abala ka sa paghahanap sa cellphone mo ng itatanong kay Ma’am.”
Nakita kong namula si Zack. Unang pagkakataon yatang may lumaban sa kanya. At ako na maitim, maliit, payat, pangit at mukhang zebra ang gumawa no’n sa kanya.
“Going back to your question, the sky is blue because the earth is surrounded by an atmosphere. The atmosphere is a mixture of gasses. The way the sun’s light travels through the atmosphere makes the sky look blue. White light is made of several different colors, like you see in a rainbow. Each of these colors travel in a wave, but the wavelength varies. Red light has a long wavelength, while blue light has a much shorter wavelength. When light from the sun enters our atmosphere, the waves collide with gas molecules. The longer wavelengths, like red and yellow, pass straight through and appear to us as “regular” sunlight. Shorter wavelengths, like blue, bump into the gas molecules and scatter in different directions. Some of it still makes it through directly, but the rest is reflected to our eyes from all directions, so the whole sky looks blue. Ngayon, nasagot ko ba ang tanong mo?”
Nagpalakpakan ang lahat ng kaklase namin.
Pati ang teacher namin ay halatang bumilib sa akin. Pati siya nakipalakpak din.
“Ako naman ang magtatanong sa’yo kung talagang nakinig ka kay Ma’am kanina.”
“Ano ‘yon?” matapang niyang tanong pero namumula ang kanyang mga mata. Halatang sumasabog na siya sa galit sa akin. Hindi lang siya makaporma pa kasi nandoon si Ma’am at ang aming Principal at Guidance Officer ay nasa tapat lang ng classroom namin at may pinag-uusapan. Imbes kasi na ang teacher namin ang balak niyang ipahiya, sa kanya nag-boomerang.
“Nag-discuss si ma’am kanina tungkol sa elements in the atmosphere, di ba?”
Huminga si Zack nang malalim. Kunot ang noo na nakatingin sa akin.
“My question is, what are the 5 most common elements in the atmosphere?”
“Ano?”
“Uulitin ko ba ang tanong dahil hindi mo narinig o uulitin ko kasi hindi mo alam ang sagot. Dalawang beses na inulit ‘yan ni Ma’am kanina. Pero sige, uulitin ko ang tanong, what are the 4 most common elements in the atmosphere?”
Nakita kong tumingin siya sa mga kaklase namin. Nagkamot. Nangangamote.
“Hindi mo alam. Uulitin ko para alam mo. Nitrogen, Oxygen, Argon and Carbon dioxide. Next time, making ka na lang kaysa sa naghahanap ng itatanong. Siguraduhin mo ring alam mo lahat bago ka magmagaling,” sinabi ko iyon sa kanya bago ako umupo.
Biglang naramdaman kong may humila sa likod ko at pinatayo niya ako.
“Anong sinabi mo ha? Mayabang ka ha!” Singhal niya sa akin. Inambaan niya ako ng suntok sa mukha.
Napataas ako ng kamay.
Nagulat ako. Kinakabahan. Nanginginig.
Doon na nagsimula ang pagpapahirap ni Zack sa akin. Ako na ang target ng bully. Ginawa niyang impyerno ang sumunod kong mga araw sa paaralang iyon. Ang hinangaan kong lalaki, ang akala ko kayang-kaya kong tapatan ang siya palang magiging katunggali ko sa kahit anong larangan. Kaya ba ng kagaya ko lang ang kagaya ni Zack?