Chapter 9: Surprise, it’s a fact!

1989 Words
=DISCLAIMER= ©2021 NOT A SAINT written by JL Dane All rights reserved. This is an original work of fiction and the results of a mind’s imagination. Any Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way without the Author’s written permission or publisher except for the use of brief quotations in critical articles or reviews. Stealing is a crime, please avoid Plagiarism. If this content is captured and published, the offender can be traced and will face the full extent of the legal ramifications stated by the law. Please follow/subscribe, comment, and add this to your library. *************** NABASAG ang salamin ng sasakyan dahil sa paghampas ni Ezekiel Bellevera ng bato. Hindi ko na tuloy alam kung paano ipaliliwanag kay Manager Roa ang nangyaring ito. “Akala mo ba matatakasan mo ako, Celestine?” Pilit niyang binubuksan ang sasakyan habang mahigpit ko itong hawak. “Tigilan mo na ako, Bellevera. Hindi kita gusto!” Doble na ang dagundong ng t***k ng puso ko at natatakot na ako sa inaasal niya ngayon. “Buksan mo ang pinto at mag-usap tayo.” “Wala tayong dapat pag-usapan.” Nanginginig ang kamay na binuhay ko ang sasakyan at nang magsimula ng mabuhay ay agad ko iyong pinatakbo. Halos makaladkad si Bellevera sa ginawa ko. Kasalanan niya, tinakot niya ako. At mas natataranta ako kapag natatakot. Ilang sandali pa ay bigla na lamang akong humampas nang biglang may bumangga sa kotse Umuusok ang sasakyan at nararamdaman kong may mainit na likidong tumulo mula sa ulo ko. Bahagyang kumikirot iyon. Nang magdilat ako ng mata ay nakita ko ang isang pulang sasakyan. That’s the exact car Bellevera brought when I found me during the traffic jam. Sa lakas ng impact ng pagbangga ay ramdam ko ang pagsakit ng katawan kong humampas na kulang na lamang ay lumabas ako ng windshield. Mula sa peripheral vision ay nakita kong lumabas ng sasakyan si Bellevera at naglalakad papalapit sa akin. Nanghihina ako at wala akong magawa kahit ang sumigaw. I guess this is my end. Ezekiel Bellevera surely captured me. “Sinabi ko naman sa iyo na hindi ka makakawala sa akin, Celestine.” Iyon ang eksaktong tinig na narinig ko nang bumalik ang kamalayan ko. “A-Ano ito?” Katabi ko na siya sasasakyan at siya na ang nagda-drive. Wala na rin ako sa sasakyan ko. Binuhat niya ako patungo rito sa sasakyan. “Kung hindi madaan sa santong dasalan, then santong paspasan. Mainipin ako, Celestine.Ayaw ko nang pinaghihintay ako.” “Ibaba mo ako! Ano ba Ezekiel! Ihinto mo itong kotse.” Kahit anong pilit kong pagwawala ay parang hindi siya tinatablan. Nanghihina lang ako sa ginagawa ko. “Sa isang kundisyon. Magpapakasa tayo, ngayon din!” “No! That’s impossible! You are hilarious! Hindi ako magpapakasal sa iyo. Hindi kita mahal. Alam ko rin namang hindi mo ako mahal.” “Tama ka. Hindi pa nga, pero gusto kong akin ka lang, Celestine.” Huminga ako nang malalim at doon ko na nabitiwan ang salitang hindi ko dapat sinabi. “Isang buwan. Bigyan mo ako ng isang buwan. Sa loob ng isang buwan, kapag hindi mo ako napaibig sa iyo. Let’s cut our connections.” Hindi ko siya kayang mahalin. Kahit ang isang buwan ay imposibleng makuha niya ang kalooban ko. Hindi siya ang lalaking gusto kong makasama. Isa pa ay ayaw ko sa mga lalaki. Nandidiri ako sa kanila. “Deal! Ngunit may kapalit. Isang buwan tayong magde-date. Ibig sabihin makukuha ko ang kahit anong naisin ko sa iyo hanggang magsawa ako. Sa loob ng isang buwan kapag nagsawa na ako at napagod, malaya ka na.” That’s unfair! Halos paningkitan ko siya ng mga mata sa sinabi niyang iyon. “It’s not fair!” “Alam ko. Sayang naman ang kwagwapuhan ko kung walang pakikinabangan sa iyo. Dahil iyon lang naman ang mapapala ko sa iyo at hindi mo ako kakayaning mahalin, then let’s make that a deal. Come on, Celestine, don’t act like a virgin. Alam naman nating may nakauna na sa iyo.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at marahas na nilingon siya habang nakahawak sa kumikirot kong ulo. “P-Paano mo nalaman ang bagay na iyon?” “Akala mo kung sino kang malinis. You are Not A Saint, Celestine. Mukha ka lang santa dahil sa ganda at alindog mo. Pero wala kang pinag-iba sa mga babaeng naiikama ko. But let see baka mas hindi hamak na mas masarap kang ikama kaysa sa kanila.” “Hayop ka! Kung babastusin mo lang ako, patayin mo na lang ako.” “Hintayin mong patayin kita sa sarap. You can scream my name in ecstasy, Celestine. But the will depend on your performance.” “Wala kang kasing hayop!” “Kung ginalingan n’yo lang sana ni Brent na magtago, hindi ko malalaman at maiinggit. Tsk! But that was too late. Patay na siya.” Lalo akong nanggigigil na hampasin siya. Hindi pa ba sapat ang kamiserablehang naranasan ko. Pati siya, gusto rin niya akong gawan ng masama. “You should be thankful. Gusto kitang pakasalan, kumpara kay Brent Echavez na hanggang kama lang ang tingin sa iyo. Paano ka nga naman niya mapapakasalan kung asawa niya ang iyong ina.” Hindi ko na napigil. Tuluyan na akong naiyak sa mga sinasabi niya. “Tama na!” “Siguro ikaw talaga ang puntirya niya, pero dahil gusto siya ng iyong ina, sila ang nagpakasal. And you left as a wh*re, a lady warming your stepfather’s bed.” “Tama na! Please, tumigil ka na!” Nakatakip na ang mga kamay ko sa aking tainga. Ayaw ko nang marinig ang kahit na ano. “That’s the truth, Celestine. Pera lang naman talaga ang habol ng mommy mo sa stepdad mo. At ang magaling mong stepdad, ikaw ang habol kaya sila nagpakasal.”   “ARAAAY!” napahiyaw ito ng todo nang kagatin ko ang braso niya. Naitulak niya ako at muntik humampas ang mukha ko sa bintana. Iyan ang nararapat sa mga lalaki. Hintayin mo lang Bellevera. Bibigyan kita ng sakit na hindi mo nanaising hilingin. “May sa aswang ka ba? Do you really need to bite me? Huwag mong gamitin ang bibig mo na saktan ako, Celestine. Use it in something else. Perhaps making me cry in fantasy.” Binigyan pa niya ako ng kakaibang ngisi. Alam ko na ang iniisip niya. Kahit hindi niya i-point out alam kong iyon ang nais niyang sabihin. Napakamany*k talaga niya. Palaging makamundong pagnanasa ang naiisip niya. “Don’t think about biting me again, Celestine. Dahil hindi mo gugustuhin ang ganting ipalalasap ko sa iyo kapag pinatulan kita.” Binuksan niya ang lock ng pintuan. “Umpisahan natin ang date bukas ng tanghali. Para naman makapagpahinga ka. Bumaba ka na. Baka hindi kita matansiya, masaktan pa kita,” utos nito sa akin nang ihinto nito sa tabi ang sasakyan. Nagmamadaling kinalas ko ang seatbelt at agad na tinulak ang pintuan para bumukas. Pinanood ko na lang na paharurutin niya palayo ang sasakyan. Iniwan niya akong mukhang basahan. Masakit ang ulo ko kasabay pang kumikirot ang mga sugat na natamo ko. Hindi ko akalaing mas masahol pa pala sa demonyo ang nakilala ko. If mom knows this, she would not let me be with him. Kailangan kong gumawa ng paraan para matakasan siya sa kahit na anong paraan. Kung kinakailangan kong mag-aral ng self defense, martial arts, taek wondo o muay thai. Lahat gagawin ko para lang hindi matuloy ang binabalak niya. Muli akong naglakad. Hindi alam kung saan paroroon hanggang dalhin ako ng aking mga paa sa tapat ng isang private clinic. Doon ay hindi ko na kinaya, nawalan ako ng balanse at nagdilim ang paningin ko hanggang nawalan na ako ng malay. Hindi ko na alam kung gaano ako katagal na nakatulog simula nang bumagsak ang paningin ko sa kadiliman. Nang dahan-dahan kong imulat ang mga mata ko ay pagbaha ng liwanag ang nasilayan ko. Nasa loob na ako ng isang kwarto. “Okay ka lang ba, Miss Celes?” Napalingon ako sa tinig na iyon. Tinig ng isang babae. “N-Nasaan ako?” “Nakita kitang nawalan ng malay sa tapat ng clinic namin. I am Doktora Punzalan. Mabuti nga nakilala kaagad kita. Fan mo kasi ang dalaginding ko.” “Salamat, doc.” Umahon ako sa pagkakahiga at umupo ngunit pinigilan naman niya ako. “Dahan-dahan lang. Hindi pa naghihilom ang mga sugat mo. Pwede kang mahilo at bumagsak ulit.” Hindi na ako nagpumilit bumangon ayon sa sinabi niya. “Pwede ko bang kontakin ang manager ko? Unfortunately nasa kotse ang cellphone ko at naglakad lang ako para sana makahanap ng tulong.” “No worries.” Hinugot niya ang kanyang phone mula sa bulsa ng kanyang hospital gown. “Here is my phone. Pwede mo nang matawagan ang manager mo.” Mabuti na lang at mas kabisado ko ang number ni Ate Roa kaysa sa sarili kong phone. Ilang minuto ay may sumagot din. “Hello. Roa speaking.” “Ate Roa…” “Celestine? Ikaw ba ‘yan? Where the hell are you! Alam mo bang nag-aalala na ako at hanggang ngayon ay wala ka pa.” “Sorry, ate. Nasa clinic ako.” Bahagya kong nilayo ang phone sa tainga ko para makuha ang address kung nasaan ako. Ibinigay ko iyon sa manager ko at agad ding pinatay na ang phone at ibinalik sa may-ari. Wala pang kinse minutos ay dumating na si Ate Roa na mukhang masama ang timpla. “Bakit? Anong nangyari? Bakit ka narito? Okay ka lang ba?” Sobrang pag-aalala ang puminta sa mukha niya. “Okay lang ako, ate. Tinulungan naman ako ni Doc Punzalan.” “Ano ba ang eksaktong nangyari? Bakit may benda ka sa ulo?” tanong niya habang nakatayo. Hindi halata sa mukha niya ang simpatya kung hindi ang inis dahil nagkasugat ako at may iba pang galos sa braso ko. “May lasing kasing bumangga sa kotse. Naiwan ko iyong kotse hindi ko alam kung na-tow na.” “Sige. Ako na ang bahala sa kotse ko. Sa susunod hindi na kita pahihiramin ha. Kung alam ko lamang na ganito ang mangyayari sa iyo, hindi na kita pinayagang umalis.” Binigyan ko lang siya ng apologetic smile kahit nakakahiya na dahil panay na ang tingin ni Doc Punzalan. Para akong nagkaroon ng inang sinesermonan ako dahil sa kasalanan. “Sorry, talaga ate.” “Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sumama na lang sana ako sa lakad mo. Paano kapag nalaman ito ng mommy mo? Paniguradong pati ako masasabon noon.” “Huwag mo na lang ipaalam sa kanya, ate. Sorry na talaga. Hindi na mauulit.” “Hindi na talaga! At hindi pwedeng hindi niya iyan malaman. Kapag nakita niyang may sugat ka, malamang ay ako ang tatanungin niya kung bakit pinabayaan kita.” Napapahiyang ngumiti ako at tumahimik na lang habang tinatanggap ang mga sinasabi niyang iyon. “Wala ng susunod, Celestine. Hindi ka na makahihiram sa akin ng sasakyan. Kung may lakad ka, kasama na ako. Mayroon ka pa namang naka-schedule na kontrata. Paano na ang balat mo kapag nagkapeklat iyan? Masasayang ang contract endorsement.” Tuloy-tuloy lang siya sa panenermon na parang wala roon ang doktora. Dahil private clinic ay wala silang private room. Isang kurtina lang ang nakatkip bilang pintuan. Sa kabila ng mga sugat na iyon, hindi iyon ang pinag-aalala ko. Kung hindi ang delubyong hatid sa akin ni Ezekiel Bellevera.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD