Chapter 8: Fact or Hoax

1967 Words
=DISCLAIMER= ©2021 NOT A SAINT written by JL Dane All rights reserved. This is an original work of fiction and the results of a mind’s imagination. Any Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way without the Author’s written permission or publisher except for the use of brief quotations in critical articles or reviews. Stealing is a crime, please avoid Plagiarism. If this content is captured and published, the offender can be traced and will face the full extent of the legal ramifications stated by the law. Please follow/subscribe, comment, and add this to your library. *************** “KUKUNIN mo na ba itong apartment? One month deposit, one month advance. Eight thousand lahat,” mataray na sabi ng landlady na pinasukan ko rito sa mataas na gusali. It looks like a condominium from the outside but when I check inside mukha lang palang apartment. Pero pwede na ring pagtiyagaan kaysa as wala. Nasa loob ng isang compound at mukhang tight naman ang security dahil may security guard sa ibaba bago ka tuluyang makapasok sa main gate ng establishment. May nakita rin akong mga CCTV’s sa bawat kanto. Siguro naman hindi na ako masusundan dito ng Bellevera na iyon. Iyong kotse na bigay na lang ni Brent ang kailangan kong kunin. May malawak naman na parking area sa gitna na tapat ang building. Hindi ko lang na-check kung may mga CCTV’s din. Iyon ang mga kailangan ko kung sakaling guluhin na naman ako ng lalaking iyon. Hindi ko alam kung manhid siya at hindi pa niya nahahalata na ayaw ko sa kanya. Ayaw ko sa mga katulad niya dahil nakapandidiri siyang talaga. “Kailan ka lilipat?” tanong niya sa akin nang mag-abot ako ng pera at mabilis iyong ibulsa. “Sunod bukas po,” sagot ko na nakamasid pa rin sa paligid. May kusina at banyo na tama lang ang lawak. Maganda rin ang ambiance sa loob. Gamit lang ang kulang. May mga bintana rin naman at gumagana naman daw ang mga aircon. Spacious rin ang kwarto. May maliit na receiving area o sala para sa bisita. Pwedeng-pwede ng pagtiyagaan. Mas gugustuhin ko ng mag-struggle dito kaysa makasama ang Bellevera na iyon sa iisang bubong. “Ano nga ulit ang trabaho mo?” “Flight steward po.” Nilingon ko na siya sa pagkakataong iyon. “Pamilyar kasi ang mukha mo. Mukha kang model at parang nakita ko na iyang mukha mo sa isang magazine. Hindi ko lang alam kung saan.” “Sigurado naman pong mahigpit ang security rito?” “Oo naman. Gumagana rin ang mga CCTV. If ever na hindi gumana, I-report mo kaagad.” Mataba siyang babae at panay ang paypay sa fan na dala niya. Kumpleto rin sa alahas ang katawan. May malaking bilog namala-singsing na hikaw, may makapal na gintong kwintas at de-porseras ang kamay. “Kung wala ka ng tanong, ito na ang susi nitong apartment. I-remind ko na rin na hindi pwedeng ma-late ang bayad dahil kung hindi asawa ko na isang miyembro ng mafia ang sisingil sa iyo. Maliwanag ba?” Tumango ako mula sa sinabi niya saka tinanggap ang susi. Wala naman sa hitsura ko ang late magbayad at hindi ko rin ugaling tumakas sa utang. “Huwag ho kayong mag-aalala, on time po ako magbabayad sa inyo.” “Good,” sabi nito saka dumiretso na sa hagdan. Sumunod na rin ako sa kanya pababa. Nasa second floor lang ang kwartong nakuha ko kaya hindi na ako gaanong mapapagod sa pag-akyat-baba. Kailangan ko na lang ng mga electric equipment para tuluyang maging bahay ko na ang apartment It would be better if I have my own house. Ngunit sa sitwasyon ko ay hindi pa ako pwedeng bumili ng sariling bahay. Kulang pa ang perang naipon ko. Isang o dalawang kontrata pa sa modeling agency at baka makabili na ako. My decision is finale not to mention anything to my manager. Hindi rin naman niya ako matutulungan. Sapat na na ako lang ang tutulong sa sarili ko. Pagod na akong masaktan at magtiwala dahil hindi ang katulad lang ni Bellevera ang dapat kong pagkatiwalaan. Dumiretso na ako sa kotse na hiniram ko kay manager. Mahirap na at baka mapansin niyang matagal akong nawawala. Ipinasok ko na ang susi sa keyhole, binuhay ang makina at nag-drive na. Ang layo mula rito hanggang sa bahay ng manager ko ay inabot ng dalawang oras at mas malapito ito sa airlines kung saan ako nagtatrabaho. Rinig na rinig pa nga mula rito ang ingay ng mga eroplanong bumabiyahe. Ito talaga ang pinili ko nang makita ko sa isang social media na rito malapit at may bakanteng apartment. Agad ko iyong sinunggaban bago pa may makakuhang iba. I located the address and brought me here. Mukhang friendly naman ang mga gwardiya na panay ngiti kahit hindi ko pa rin gusto ang mga pagngiti nila. Pakiramdam ko lahat ng nginiting ibinibigay nila ay may kahulugan—malagkit at masagwa. Simula nang mamatay si Brent iyan na ang tingin ko sa lahat ng mga lalaki. Wala ng naiiba lahat pare-pareho. Nakaraan naman ako sa puntod ng real dad ko, nagdasal lang akong sandali para gabayan niya ako sa lahat ng desisyon ko at dumiretso na ako rito.   PAGLABAS mula sa dinaanan ko ay kita na ang traffic na bumper to bumper. Hindi ko alam kung maiuuwi ko ng maaga ang sasakyan ni Ate Roa. Siguradong magtataka iyon kung bakit natagaalan ako gayong alam niya kung saan nakalibing ang biological father ko. Napaisip ako. Tama! Magdadahilan na lamang ako na dumaan din ako sa puntod ni Brent kahit nakadidiring daanan iyon. At kailanman hindi sumasagi sa isip ko ang daanan ang puntod niya. Binuksan ko na lang ang radio para maibsan ang pagkainip ko habang hinihintay na umusad ang nasa unahang sasakyan. Isang acoustic song ang pumailanlang sa loob ng sasakyan. Nang tingnan ko ang oras ay pasado alas singko na pala ng hapon. Apat na oras na ang nakalilipas simula nang magpaalam ako kay Ate Roa. Nang bahagyang lumuwang ang traffic ay agad ko nang tinapakan ng mariin ang gas para umusad. Kapag nailipat ko na ang mga gamit ko, bubuksan ko na ang kalayaang hinahanap ko. Makakapagliwaliw na ako, makakapasok sa bar nang mag-isa at wala ng magbabawal sa lahat ng desisyon ko sa buhay kahit si mommy. Sumilay ang malayang ngiti sa labi ko sa mga naiisip kong iyon. Ngunit nabawi ko rin agad nang maalala ko ang mukha ng aking ina. Ano kayang magiging reaction ni mommy kapag nalaman niyang ang mabait at masunurin niyang anak ay susuwayin siya at hindi na mangyayari ang gusto niya? Gusto naman ni mommy ng pera, bakit hindi na lamang siya ang magpakasal? Ayaw kong makasa at ayaw kong matali sa kahit sino. Ngayon pa nga lang ako nakalaya, gusto niya ay itali na akong muli sa isang bagay na kailanman ay hindi ko pinangarap. Kung magkakapamilya ako hindi ang isang katulad ni Bellevera ang nanaisin kong makasama. Mas gugustuhin ko pang mabulok ang kagandahan ko, at tumandang nag-iisa kaysa ang magpakasal sa lalaking hindi ko alam ang likaw ng bituka. Napa-preno ako ng mariin nang huminto ang sasakyang nasa unahan. Hindi sinasadyang napalingon ako sa gawing kaliwa ko  habang mariing nakahawak sa manibela. Nagsisi ako sa ginawa ko. Dahil hindi tinted ang salamin ng sasakyan ni Ate Roa ay kitang-kita ko ang nasa loob ng kabilang sasakyan na halos katabi na ng sasakyan. Kaagad kong sinuot ang shades na dala ko. Mahirap na at baka makilala ako. Kitang-kita ko ang babae sa ginagawa niyang iyon dahil ako lang ang mas malapit at hindi rin gaanong tinted ang bintana ng sasakyan niya. Kinilabutan ako at nandiri sa ginagawa niyang iyon na nakangudngod ang mukha niya sa kandungan ng lalaki. Hindi man ako magbigay ng kahulugan, alam ko na kung anong milagro ang ginagawa nila habang traffic. Mukhang sarap na sarap ang babae sa ginagawang paglasap, habang ang lalaki ay napapapikit pa nga at bahagyang naka-porma ng O ang bibig. Hindi man umabot sa pandinig ko ay natitiyak kong umuungol ito sa sarap. Mas lalo akong nagmamadaling umabante na ang nasa harapan kong sasakyan. Panay na ang tapik ng naiinip kong mga kamay dahil labis akong nandidiri sa nasaksihan ko. Talagang dito pa nila pinangalandakan. Hindi ba uso ang hotel, motel o apartelle at hindi na sila makatiis? Lalo akong nagkumahog na paharurutin ang sasakyan ko at makawala sa maruming tanawin na iyon nang makilala ko ang sakay ng sasakyan at walang iba kung hindi si Bellevera. Mabuti na lamang at hindi pa niya napapansing nasa tabi lang ng sasakyan ang sasakyang kinalalagakan ko. Tiniyak kong nakasara ang bintana ng sasakyan at naka-lock maging ang pinto. Ayaw kong makilala niya ako at masunduan kung saan ako naglulungga ngayon. Nang mag-green light na ay mabilis kong tinapakan ang gas at umabante ng mabilis para makaiwas sa sasakyang iyon. Para akong lalagnatin sa delubyong mangyayari kapag nahuli niya ako. Ramdam ko ang panginginip ng mga kamay ko at pangangatog ng tuhod ko. I felt like I am a prey hunt by a wild animal. Mahigpit ang kapit ko sa manibela na sana hindi niya ako nakita at sana rin hindi niya ako masundan. Sa mga naglalaro sa isipan ko ngayon ay lalo lamang dumodoble sa bilis ang t***k ng puso ko. Natatakot akong bigla na lamang may kumatok sa pinto ng sasakyan ko, hindi ang police dahil beating the red light kung hindi si Bellevera. O kaya ay bigla na lamang niyang basagin ang bintana ng sasakyan para buksan ang pinto at hilahin ako palabas kapag nagpumilit akong hindi sumama sa kanya. Nang muling huminto ang mga sasakyan ay huminto rin ang sasakyan ko pero hindi ang t***k ng puso ko. Isinandig ko ang likuran, lumapat sa upuan at mariing ipinikit ang mga mata sandali upang makakuha ako ng lakas at bahagyang mapakalma ang sarili. Kung tutuparin muli ang hiling ko, sana hindi niya ako matagpuan. Sana hindi mag-cross ang landas naming dalawa ni Bellevera. Okay lang kahit si mommy ang makakita sa akin. Huwag lang siya. Isang liko na lang. Isang diretso at patungo na ang mahabang kalsada sa isang subdivision kung saan nakatira si Ate Roa. Sa pagpula ng ilaw ay muli akong pumreno nang mariin at huminto. Kasabay ng bawat kabog ng dibdib ko ay ang takot at hallucination na baka bigla na lang siyang dumating. Hindi ko na mapigilan ang pagtibok ng dibdib ko na parang tinatambol sa sobrang bilis. Para akong magkakaroon ng heart attack sa sobrang kaba. Wala akong mapagpilian kung hindi ihinto ang sasakyan sa tabi at para buksan ang bintana ng sasakyan dahil nahihirapan na akong makahinga. Hindi sasapat ang aircon sa loob ng sasakyan na pakiramdam ko ay nasu-suffocate ako. Hanggang bigla na lamang may kumatok sa bintana ng sasakyan ko. Kitang-kita ko ang madilim at nakangising mukha niya. Parang ngising demonyo. Nakakatakot. Sobrang nakakikilabot. Nang hindi ko buksan ay mas malakas na pinukpok niya ang bintana ng sasakyan. Hindi naman agad nasira ang bintana. Umatras siya at nawala na sa paningin ko. Muli akong humugot ng malalim na paghinga. Masyado nga yatang malakas ang imahinasyon ko at grabe na ang hallucination ko kahit wala naman talaga si Bellevera. Halos mapatalon at mapatili ako nang biglang may batong pumukpok na sa bintana ng sasakyan ko. This is real. Hindi na ito hallucination lang. He is real. Hindi na lang basta ilusyon. He is coming for me. Somebody help me. Please…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD