Chapter 10: Getting rid of him

2147 Words
Para sa aking mga mambabasa: Ang istorya pong ito at may English at Tagalog version na inyo lamang pong mababasa sa ibang we.bplat.form gaya ng G.O.O.D.N.O.V.E.L at nakaPayToRead. Hindi na po ito magtatapos dito, maliban sa kung mailalathala ba ito sa Dre.ame. Pasensiya na po at hanggang sampo lamang ang mailalagay kong chapter. Pwede ninyong mabasa ang akda at i-search lamang sa go.ogle upang lumabas kung saang we.bsite ko siya nai-post. Marami pong salamat sa patuloy na pagbabasa at pang-unawa! =DISCLAIMER= ©2021 NOT A SAINT written by JL Dane All rights reserved. This is an original work of fiction and the results of a mind’s imagination. Any Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way without the Author’s written permission or publisher except for the use of brief quotations in critical articles or reviews. Stealing is a crime, please avoid Plagiarism. If this content is captured and published, the offender can be traced and will face the full extent of the legal ramifications stated by the law. Please follow/subscribe, comment, and add this to your library. *************** MALALIM pa rin ang iniisip ko hanggang makarating kami pabalik sa bahay ni Ate Roa sakay ng Taxi. Hindi ko alam kung paano tatakasan si Ezekiel Bellevera. “Hindi ko na mapapayagan pa ang nangyaring ito, Celestine. Simula bukas ay babalik ka na sa bahay ninyo. There, you will be safe and I will not think a second thought of your safety.” Napipilitang napatango na lamang ako kahit hindi ko naman talaga gusto ang bumalik roon. Ngunit dahil kinakailangan ko ng kunin ang mga gamit ko para lumipat sa napili kong apartment, tumango na rin ako at pumayag sa sinabing iyon ni Ate Roa. Kailangan ko na rin palang makahanap ng training agency who will trained me for a martial arts. Para hindi na maulit pa ni Bellevera ang ginagawa sa akin ni Brent. Akala nila ay okay lang ako, na malakas ako. Hindi nila alam wasak na wasak ako sa loob. Mukha lang akong masaya, maganda at masigla ngunit sa loob ko ay isang pangit, masalimuot at nanlulumong Celestine. Isang rosas na hindi puno ng tinik kung hindi puno ng damo sa paligid. Hindi lang nila alam kung gaanong hirap ang pinagdaanan ko nang nabubuhay pa si Brent. Nalaman ni Brent ang lihim ko at nangako siyang hindi niya sasabihin iyon kay mommy basta siya lang ang makauna sa akin. Wala akong nagawa, sa edad kong dise otso noon ay hindi ko man lang naipagtanggol ang sarili ko dahil natatakot ako sa kanya. Nagsimula ang takot ko sa ilang beses niyang paghimas ng palihim sa mga maseselang parte ng katawan ko. Itinago ko ang lahat kay mommy dahil nakikita kong masaya siya sa piling ni Brent. Hindi ako lumaban at tinanggap na lang ang trato sa aking iyon ni Brent. Tinanggap ko na lang na iyon ang magiging kapalaran ko habang kasama ko si Brent sa bahay. Sa bawat araw na ginagalaw niya ako, sa buong parte ng bahay, sa sasakyan, sa labas ng mansion o kahit sa opisina ay tiniis kong lahat. Umiiyak ako hindi sa harapan niya. Itinago at kinimkim ko ang lahat ng hirap sa loob ng mahabang panahon. Napakaswerte ng g*go dahil hindi niya ako mabubuntis, walang ebidensya kahit pa magsumbong ako kay mommy. Anong saysay pa kung magsumbong ako? Hindi rin naman ako pakikinggan ni mommy. Hanggang nakahanap ako ng ideya para matakasan ang kamiserablehan kong ito. And I’m glad it works. Ngayon nga na may panibago ng Brent sa buhay ko, hindi ko alam kung paano pa ito muling matatakasan lalo na at ayaw ko ng gumawa muli ng masama. Isang masamang bagay para sa taong deserving. Nang makarating sa bahay niya ay pabagsak kong ibinaba ang katawan kong pagod sa biyahe at sa aksidente. Siguro namanhid na rin ang lahat ng parte ng katawan ko dahil sa ginawa ni Brent. Sabi sa akin ng kapwa ko model, I should be glad to have a family compares to others that have been abused by their parents or stepfather/stepmother. There are a lot who went with much tragedy that they become slaves. I should be glad that I am not a slave. Mas gugustuhin ko pa nga yatang maging slave kaysa ang maging kirida ng sarili kong amain. Alam kong nagsisimula nang magduda si mommy noon na pinaniniwalaang may kabit si Brent at wala siyang kaalam-alam na ako ang kabit ng kanyang asawa. How hypocrite! How miserable unlucky life I had! Akala ko ang pagiging mayaman ay isa ring ligaya ngunit nagkamali ako. Isa itong bangungot, malaking-malaking bangungot. “Gusto mo bang kumain?” Hindi ko napansing nakatayo na pala sa dulong kama si Ate Roa. “No, ate. Lalabas na lamang ako kapag gusto kong kumain,” sagot ko sa kanya kahit ang totoo ay wala akong balak lumabas ng kwartong iyon. It felt like that was my safe haven. “Okay. Pagaling ka. I hope it will not gives you trauma. Marami ka pang mararating. Mas malayo.” Tumagilid ako ng higa saka umusal, “Thank you so much, ate.” Hinintay kong makalabas na si Ate Roa. Kung bakit kasi wala man lang akong kaibigan? Parang wala man lang gustong makipagkaibigan sa akin. Oo nga pala, kapag nalaman na ng lahat ang lihim na mayroon ako ay maaapektuhan din ang modelling career ko. Career na kailangan kong alagaan. Sana tawagan na ako ng airlines nang sa ganoon ay matahimik na ako at makapagtrabahong muli. Kapag nasa trabaho ako, sa airlines o sa modelling, doon ko lang nararamdaman ang katiwasayan. Kumpara dito na palagi akong aligaga at hindi matahimik.   NAPAKABILIS nang araw. Parang kailan lang nang pumunta ako kayla Ate Roa ngayon ay nasa tapat muli ako ng mansion at kailangan ko na namang makita si mommy. Sa sala ay hinagilap ko na ng tingin si mommy ngunit instead na si mommy ang makita ko, isang repleksyon ng isang halimaw ang natagpuan ko—walang iba kung hindi si Bellevera. “Oh, hello there, my fiancè. Nagkita na naman tayo.” “Talaga bang sinusundan mo ako sa kahit saang lugar ako magpunta?” naiinis na tanong ko sa kanya. Ngumisi siya nang nakakaloko. Ngising ang sarap sampalin ng kanyang mukha. “I’m just hunting you down, eat you alive… Maybe you can think that you can hide. I can smell your scent in miles…” Nakapandidiri! Alam na alam ko ang lyrics na iyon mula sa isang kanta. “Stop your dirty mouth, Bellevera.” Lumapit siya sa akin at biglang hinablot ang braso ko. “Sa tingin mo ba makatatakas ka sa akin? Malalaman at malalaman ko kahit saan ka magpunta o magtago.” “Iniisip mo bang tatakasan kita?” Saka ko pahablot na binawi ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. I cross my arms over my chest. “Bakit naman kita tatakasan? Hindi ang katulad mo ang dapat tinatakasan. Baka ikaw ang tumakas kapag nalaman mo kung ano ba talaga ako.” Wala ng dahilan para tumakas at magpanggap. In the end malalaman din niya ang lihim ko. Marahil masyado lang na maaga na sasabihin ko sa kanya ang lahat. “Hindi dahil nagtatapang-tapangan ka na ngayon ay dapat na kitang katakutan. Babae ka lang Celestine, you will never get on top me. You will stay under me, whether in the house, relationship or in bed,” makahulugang sabi niya. Go on! Magpakasaya ka hangga’t may oras ka pa Bellevera dahil titiyakin kong magsisisi ka sa ginagawa mong ito. Mas malakas pa rin ang kapit ko sa mga santo. At kung kinakailangan kong kumapit sa demonyo ay gagawin ko. Mailabas ko lamang ang mga bulok na sisitema at bulok na pag-uugali na katulad ng sa iyo. Nilampasan ko na lang siya at agad umakyat sa itaas kung nasaan ang kwarto ko. Hindi ko alam kung nasaan si mommy pero kukunin ko na ang mga gamit ko ngayon. Ititipon ko na ang lahat ng mga iyon at hihintayin ko na lamang na makaalis ang hayop na Bellevera na iyon. Hinding-hindi ako papayag na magpasakop sa kanya, isang buwan, isang linggo, isang araw, isang oras o kahit isang minuto pa. Inayos ko lang ang mga gamit ko. Kailangan kong makahanap ng tiyempo kung paano makatatakas sa paningin niya. Kahit saan ako magpunta ay palagi siyang naroon at tila binabantayan nga niya talaga ako. Sa mga katulad niya ako labis na natatakot. Ngunit hindi na ngayon. Nang sandaling namatay si Brent ay kailangan ko na ring harapin ang takot ko. Kailangan ko na ring tumayo mula sa aking mga paa. Kinuha ko lang ang phone ko at gumawa ng ibang account sa social media. Ito lang ang paraan upang makahanap ng mga bagong kakampi o mga kaibigan. Sa paraang ito, hinding-hindi nila ako mahuhusgahan at hindi rin nila malalaman ang tunay kong katauhan. Gumawa rin ako ng panibagong email address na ni-link ko sa isang sikat na social media. Nakahanap agad ako roon ng mga group chats, group rooms at group page. Una ko kaagad na inalam ay ang magtuturo ng martial arts. May mga na-browse akong video ngunit hindi sasapat iyon para mabilis kong matutunan ang lahat. I want an actual one. Nagtanong na lang ako at nag-post baka may alam silang training agency na pwede kong salihan Tumunog ang phone ko, isang notification, ilang minuto matapos akong makapag-post. May mga comments kaagad akong nabasa, kapwa puro recommendation. Pangalan ng kompanya, address, contact person at contact number. Agad akong nag-screenshot at kinuha ang mga iyon. Itinipon ko lang iyon para matawagan bukas o sa susunod na araw. Mahihirapan nga lang ako kapag nag-umpisa na ang bago kong project. Kailangan ay makahanap ako ng timing at tamang schedule para maisingit iyon. Halos mabitiwan ko ang cellphone na hawak ko nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Hindi pa nakuntento ang kumatok, pilit pa nitong binubuksan ang doorknob. Mabuti na lamang at nai-lock ko iyon. Ngunit kahit naka-lock basta walang double lock ay sinumang may kopya ng susi sa kwarto ko ay mabubuksan din iyon. Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko. Hindi pa ako handa sa yugtong ito ng buhay ko. Hindi ko pa kayang magpasakop muli sa kahit sinong lalaki lalo na kay Bellevera. Marahas na bumakas ang pintuan. Mabuti na lamang at nakatalukbong ako ng kumot. Isang imahe ang nakita ko. Walang iba kung hindi… Si mommy. Dahan-dahan akong nagbaba ng kumot. “What happened to your head?” pagtatakang tanong niya nang mapagmasdan ang ulo kong may benda pa at hindi ko pa naiaalis. Bakit hindi niya tanungin ang magaling na lalaking pinagkakatiwalaan niya? Bakit hindi niya tanungin mismo at manggaling sa bibig ni Bellevera ang explanation sa nangyari sa akin? “This is nothing, mom,” sagot ko kahit gusto ko nang ipagsigawan na kasalanan ito ng magaling na lalaking gusto niyang i-arranged marriage sa akin. “Ano ba ang nangyayari sa iyo, anak. You are not like that. Why suddenly you become that stubborn? Hindi ka nga nagpaalam na aaalis ka. Mabuti na lamang at sinabi sa akin ni Roalyn ang lahat.” Para akong batang nauupos at gustong daluhungin siya ng yakap. Ngunit napakaimposible namang concern siya sa nangyari sa akin. Kilala ko si mommy, kung hindi tungkol sa pera ay hindi siya magiging concern. Nakatutuwa nga lang malaman ngayon na hindi na siya lango sa alak kagaya ng dati. Nagtitino na siya. Ngunit sana katulad ng pagtino niya ay ang buhay ko. Sana matino na rin ang buhay ko kung hindi rin sa kagagawan niya. Lumapit si mommy sa akin at umupo sa kama saka hinaplos ang mukha ko. “Sana maintindihan mong gusto ko ring mapabuti ka. Alam kong hindi na magiging normal ang buhay natin dahil nawala na ang Daddy Brent mo. But I will stay with you, my daughter.” How I wish na totoo ang lahat. How I wish na kaya niyang tuparin ang mga iyon. Hinila lang niya ako para gawaran ako ng halik sa bumbunan. “Magpahinga ka na. At kung aalis ka, sana magpaalam ka naman. Kung hindi mo kaya, just leave a letter. Maiintindihan ko naman ang lahat.” Sana nga. Sana nga siya ang unang taong makakaintindi sa akin pagkatapos ng lahat. Ng lahat ng ito. I love you so much, mom. Kahit pa ganito na ang kalagayan ko. I will stay loving you, mommy. Lumabas na si mommy matapos matiyak na nakahiga na ako at nakumutan ng maayos. Sa muling paggising ninyo ay baka wala na ulit ako rito sa bahay o kaya ay matagalan bago tayo muling magkita, mommy.  

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD