=DISCLAIMER=
©2021 NOT A SAINT written by JL Dane
All rights reserved. This is an original work of fiction and the results of a mind’s imagination. Any Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way without the Author’s written permission or publisher except for the use of brief quotations in critical articles or reviews.
Stealing is a crime, please avoid Plagiarism. If this content is captured and published, the offender can be traced and will face the full extent of the legal ramifications stated by the law.
Please follow/subscribe, comment, and add this to your library.
***************
THANKS to someone's hand. I felt at ease. I really thought I'm going to die.
“Are you okay?”
I've been catching my breath when Ate Roa asks. She runs out of the room and after a while, she arrived. Her hand is holding a glass of water. She handed it to me.
“Uminom ka muna. Mabuti na lang pala at naisipan kong i-check muna kita bago ako nagpatay ng mga ilaw.”
Nangininig pa ang kamay ko nang tanggapin ko ang baso ng tubig mula sa kanya. Pinagpapawisan din ako ng malapot nang maglaglagan iyon at gumapang sa aking sentido pababa sa tainga.
Ang panaginip ko ay para talagang totoo. Pakiramdam ko ay hindi isang bangungot ang nangyari kung hindi katotohanan, a deja vu. Talagang narito siya.
Nilagok kong lahat ang laman ng baso sa isang inuman lang.
“Sigurado ka bang okay ka lang?” muling tanong sa akin ni Ate Roa.
Tumango lang ako. Umupo naman siya sa gilid ng kama ko saka pinunasan ang pawis sa aking noo.
Hindi ako umiimik, nanatili lang tahimik habang nakamasid sa paligid.
Sinulyapan ko ang bintana kung bukas iyon. Huminto na ang ulan, ngunit sarado pa rin ang mga bintanang naaaninag sa manipis na kurtina. Tinagalan ko ang pagsulyap sa bintana, pinipilit na baka bumukas iyon, may pumasok nang walang nakakakita.
“M-May pumasok ba rito, Ate Roa?” kinakabahang tanong ko. Ninenerbiyos ako sa ideyang may pumasok nga at ni isa sa gwardiya ay hindi man lamang naalerto. Paano kung narito siya? Paano kung nais talaga niya akong pagsamantalahan? He wanted to barge in and take advantage of me. Hindi ko na makakaya ang ikalawa. Natapos na ang malagim na bangungot sa buhay ko at hindi ko na kakayanin ang panibagong bangungot sa piling ng mga lalaking ito.
Dapat nga lang yata akong kabahan dahil ang bagay na kinatatakutan ko ay muli na namang sasalakay. Kahit siguro anong pilit kong iwasan at takbuhan ang mga bagay ay lalo iyong magpupumilit na lumapit sa akin. Gustong-gusto ko na ng katahimikan ngunit hindi ako nilulubayan ng taong nais kong kalimutan. They are my heartaches at the same time. Kailan ba matatapos ang lahat? Kailan ba ako magkakaroon ng katahimikan sa buhay? Gusto ko lang ng normal na buhay.
“Wala namang pumasok maliban sa akin,” sagot ni Ate Roa. Hinila pa niya ang mga kamay ko nang hindi ako agad tumingin sa kanya dahil naka-focus lang ang aking paningin sa pag-scan sa malaking bintana at sa pintuan. “Kung sakaling may papasok, mabilis maalarma ang mga gwardiya sa buong subdivision. I even put an alarm system in case na may magnanakaw.”
Naramdamaman ko ang masuyong paghaplos ni Ater Roa sa likuran ko para pakalmahin ako. Bahagya nitong tinunaw ang kabang nararamdaman ko at pagkabalisa.
“Walang lalapit sa iyo, Celestine. I’m right here. No one will harm you, believe me,” sabi pa niya saka hinila ako para bigyan ng magaan na yakap. Humiwalay rin naman siya kalaunan saka tiningnan ako sa mga mata. “Gusto mo bang samahan na lang kita rito hanggang makatulog ka?”
“Salamat ate,” sagot ko bilang pagsang-ayon sa sinabi niya.
Ayaw ko ng mag-isa at ayaw kong madilim ang paligid. Sa kadilimang iyon ay para akong nakakulong sa isang hawla na hindi ko alam kung paano bubuksan. Hindi ako makahinga at parang unti-unting hinihila ang kalakasan ko.
Iyon ang eksaktong naramdaman ko nang mga sandaling iyon na wala akong kasama sa kwarto. Dahil kahit patay na si Brent, ramdam ko pa rin ang presensiya niya. Hindi ang actual na Brent kung hindi ang panibagong Brent na susunod sa katauhan ng aking stepdad.
Tumayo ang manager ko, hinila ang kumot at dinala iyon hanggang sa leeg ko. “Hayaan mo, hindi ako aalis sa tabi mo hanggat hindi ko natitiyak na nakatulog ka na,” pinal na sabi niya na isang proteksyon sa akin upang tuluyan na akong mapanatag.
Gusto ko ng sabihin sa kanya na ilang araw o linggo na lang ay pwede na akong makasal ngunit hindi ko alam kung maiintidihan ba niya ako o kakampi siya sa akin. Hindi naman saklaw ni Ate Roa ang buhay ko at baka sabihin lang nito na nasa akin ang desisyon.
Isang desisyong hindi ko alam kung paano kastiguhin. I’m an obedient daughter who does what others tell me to do. That’s exactly what I am. Wala akong kakayahang tumayo sa sarili kong mga paa at nakadepende palagi sa sasabihin ng iba.
Dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata na ang huling nasilayan ko ay ang mukha ng manager na nanonood sa aking pagtulog. Sa sandaling iyon sana ay magkaroon ng kapanatagan ang buhay ko kahit ilang oras lamang. Masyado na nga siguro akong greedy kung nais ko ng habang buhay. Kahit ilang araw na lang o ilang linggo. Dahil kahit nais ko ng panghabang buhay ay mukhang imposibleng mangyari hangga’t nasa anino ko pa rin ang mga bakas ng nakaraan at ng panibagong kasalukuyang sisirang muli sa pilit kong inaayos na buhay.
KINABUKASAN..
Tinatamaan na ng sikat ng araw ang mukha ko kaya ako napamulat ng mga mata. Hindi ko napansing mataas-taas na pala ang sikat ng araw nang umagang iyon. Nang lingunin ko ang pwesto ni Ate Roa kung saan siya nakaupo kagabi ay wala na ito roon. Tahimik na ang buong kwarto ngunit kahit paano ay puno na ng liwanag ng araw na sumisilip na sa loob ng kwarto.
Umangat ako sa kama saka nag-unat. Ito ang unang beses na hindi ko kinailangang bumili ng sleeping pills. Naubos na rin kasi at wala na akong supply simula nang mawala si Brent. Siya lang ang bumibili para sa akin niyon tuwing hindi ako nakakatulog sa gabi dahil sa mga bangungot na pinananatili ang aking kamalayan.
Napaangat ang tingin ko sa pagbukas ng pinto ng kwartong kinalalagyan ko. Sumilay ang ulo ni Ate Roa na nakasilip sa nakapinid na pintuan at nakahawak sa doorknob.
“Good morning! Mabuti naman at gising ka na. Mag-almusal na tayo. Kanina pa ako nakaluto pero hindi muna kita ginising. Gusto kong makakuha ka ng sapat na tulog. Mag-ayos ka na at sumunod sa akin sa dining,” sabi nito bago lisanin at itulak ang pintuan pasara.
Tinanguan ko siya bago niya maisara ang pintuan.
Mabuti na lamang at totoong wala na ako sa hell mansion na iyon. Sa bahay ni Ate Roa, mayroon akong privacy at nakakahinga ako ng maayos. Babalik na naman ako sa dati kapag pinaalis ako ni Ate Roa. Mawawalan na naman ng ritmo ang buhay ko. Hindi na naman magiging normal ang t***k ng puso ko. Hindi ko na aasahan na magbago ang isipan niya ngunit sana ay pumayag siyang makahanap ako kahit isang maliit na studio apartment lang. Makalayo lamang sa mansion.
Natitiyak ko namang hindi na ako kakailanganin pa ni mommy. Mommy has everything she wanted and longing for. Hindi ako kasama sa mga bagay na iyon. I am no one but just a plain Celestine.
Oo, maganda ako, maputi, matangkad, sexy, may bilugang balakang at mahahabang makinis na hita. Mga katangiang mayroon ako ngunit hindi ko maipagmalaki. Dahil sa kabila ng mga katangiang iyon ay isang kamiserablehan.
Para akong isang babaeng nakakadena sa loob ng isang hawla. Hindi makahinga at puno ng paghihirap ang dinaranas. Ano pa ang silbi ng mga katangiang hinahangad ng mga kababaihan kung ang kapalit naman ay pagdurusa?
Napahikab ako. Gusto ko pa sanang matulog. Para akong nagbuhat ng ilang sako ng bigas dahil sa pagod at antok. Mabigat ang katawan ko ganoon din ang talukap ng aking mga mata. Ngunit hindi ko naman pwedeng tanggihan si Ate Roa. Mamaya na lang siguro ako magpapaalam na matutulog muli para lang makabawi ng lakas.
Tumayo na ako. Binuksan ang lugagge at kumuha ng towel upang gamitin sa paghihilamos. Nilabas ko na rin ang toothbrush at sariling baong toothpaste.
Lulugo-lugo akong lumabas ng kwarto saka walang imik na dumiretso lang sa banyo. Nang matapos ang pagto-toothbrush, naghilamos na rin ako. Doon lang nawala nang tuluyan ang antok ko. Salamat sa tubig at medyo nagkabuhay nang muli ang inaantok kong diwa.
Naghila na ako ng sariling upuan. May fried rice na sa plato ko, isang sausage, pritong itlog na puro puti, walang egg yolk, sa isang platito ay dalawang hiwang mansanas at isang basong orange juice.
Hindi na lang ako nag-react sa pagkain ko kahit na gustong-gusto ko ng egg yolk. Nang sundan ko ng tingin ang bawat pagsubo niya ay doble ng dami ng laman ng plato ko ang plato niya. Nakakainggit naman. Dalawang fried egg yolk pa ang laman niyon.
“Ate, may lakad ka ba mamaya?” tanong ko matapos ang pagsubo at matiyak na nalunok ko na ang pagkain sa bibig ko.
“Bakit mo naitanong?” Tiningnan pa niya ako na puno ng pagtataka bago siya uminom ng isang basong tubig.
“Pwede ko bang hiramin ang kotse mo? May balak lang sana akong puntahan,” paalam ko pa. Gusto ko ng maghanap ng ibang bahay na pwede kong tirhan. Hindi ako pwedeng magtagal dito sa bahay ni Ate Roa dahil hindi rin naman niya ako papayagan. Isa pa ay nais ko sanang walang makaalam kung saan ako lilipat lalo na kay mommy. Kapag nalaman din ni Ate Roa ay paniguradong magsusumbong iyon kay mommy at malalaman na ni mommy kung saan ako titira.
Hindi ko maasahan si Ate Roa sa mga bagay na ito dahil alam kong na kay mommy ang tiwala niya at wala sa akin. Isang talent manager na mayroong talent model lang ang trato niya sa akin. Kahit pa sabihin kong naaasahan ko naman siya kapag kinakapos ako. Malapit din ang loob ko sa kanya ngunit may mga bagay-bagay lang talaga na kailangan kong sarilinin.
“Saan ang punta mo?” seryosong tanong niya habang magkasalubong ang dalawang kilay. Parang mala-agila ang pagkakabaon ng kanyang tingin sa akin. Tila isa akong ahas na pinanonood hanggang dakmain at dalhin sa lungga nito para kainin.
“Sa puntod ni daddy,” palusot ko. Dadaanan ko lang ang punto ng tunay kong ama kaya may katotohanan na rin ngunit pagkatapos niyon ay maghahanap na ako ng apartment. Sa online muna ako titingin. Makakatulong sa akin ang social media.
“Sige, ilang oras kang mawawala?” tanong na naman niya na may bahid ng paninigurado na babalik ako pagkatapos kong hiramin ang sasakyan niya.
Babalik naman talaga ako, hindi ko nga lang tiyak kung gaano katagal.