I. NAGULANTANG sa mahimbing na pagkakatulog ang bente y quatro anyos na dalaga sa pagtunog ng telepono. Pupungay-pungay pa ang mga mata niya nang kapain niya ang telepono sa kanyang bedside table. Her eyes immediately squinted when the brightness of her phone welcomed her sleepy eyes. Pinindot niya ang answer button at hindi na nagawa pang basahin ni Laura ang naka-rehistrong kontak sa screen ng kanyang smartphone.
Hindi pa man niya naibubuka ang bibig para tanungin kung sino ang tumatawag sa kanya nang maunahan siya ng nasa kabilang linya.
“Laura, gisingin mo na ang diwa mo at mahabang byahe ang tatahakin natin ngayon,” bungad ng lalaki. Noon nakilala ni Laura ang boses ng tumatawag sa kanya.
Umupo siya mula sa hinihigaan niyang kama saka matatalim ang tingin na sinipatan niya ang wall clock. “Alam mo ba kung anong oras pa lang?” inis na tanong niya sa binata.
“Oo, alam ko. Alas dose uno ng hating gabi,” natatawang sagot ng lalaki sa kanya.
She groaned out of frustration. Parang iniis siya nito. “Alam mo pala, e! At siguradong alam mo rin na kakatulog ko lang kaninang alas onse-bente y sinco,” puno ng sarkasmo na sambit niya. “Tapos ngayon, heto ka at sinasabihan mo akong gisingin ko ang diwa ko. Anong klase kang partner, Saimon? Patulugin mo naman ako!” reklamo pa niya.
Narinig niya ang pagbuntong hininga ni Saimon sa kabilang linya. “Gusto man kitang ‘wag istorbohin, utos ito ng nakakataas. Mahal ko ang trabaho ko, Laura, kaya parang awa mo na; bumangon ka na,” puno ng pagsusumamo na pakiusap sa kanya ni Saimon.
“Ano bang meron?” pagkuwan ay tanong niya.
“Kapag bumangon ka na riyan saka ko na ipapaliwanag sa’yo. Kaya bilisan mo na at narito na ako sa labas ng bahay mo.”
“Ano?!” gulat na bulalas ni Laura sabay tayo at nilapitan ang binata ng kwarto. Sumilip siya roon at naroon nga si Saimon sa labas ng bahay niya, nakalapat pa rin ang telepono sa tenga. “Sige na, ibababa ko na itong telepono. Hintayin mo ‘ko riyan at pagbubuksan kita ng pinto.”
Nagmamadaling lumabas ng kwarto si Laura. Mabibilis ang hakbang na tinungo niya ang sala at binuksan ang pinto. Tumambad sa kanya ang makulit niyang partner na si Saimon Solen. Mestizo ito na may pagkasingkit ang mga mata. Noong una niya itong makilala, akala niya ay may lahi itong insik o Koreano pero purong Filipino raw ito.
Alam na ni Laura na kapag narito na si Saimon sa lugar kung saan siya nakatira ay napaka-importante at delikado ang kanilang pupuntahan.
Nakatapos si Laura ng Mass Communication sa isang sikat na unibersidad sa bansa, at kasalukuyang nagtatrabaho sa isang sikat na T.V network bilang reporter. Dahil bago pa lang siya sa larangan ng pagbabalita, kung saan-saan siya ina-assign para masubukan ang kanyang talino at tapang.
Mag-iisang taon pa lang siya sa kanyang tinatahak na career pero laging patok ang kanyang balita dahil na rin sa kanyang tapang at lakas ng loob.
Dumiretso sila ni Saimon sa kusina ng kanyang bahay. “Magkape ka muna riyan at maliligo lang ako. Mabilisan lang, promise,” may pagmamadali na ang boses niya nang talikuran niya ang lalaki at nagtungo sa banyo. “Gumawa ka na rin ng sandwich na babaunin natin at may mga cup noodles diyan sa cabinet!” dagdag pa niya.
Alam nilang mapapasabak na naman silang mag-partner sa pupuntahan nila.
Within five minutes, natapos siyang maligo at malalaki ang hakbang na dumiretso siya ng kanyang kwarto para magbihis at ayusin ang ilan mga gamit na dadalhin niya. Napaisip tuloy siya kung hanggang kailan kaya siya sa field na ito.
Kahit mag-iisang taon pa lang siya sa pagiging reporter, it’s quite difficult for her. Naroon na ‘yong kahit na mayroon siyang tapang, hindi pa rin niya maiwasan ang matakot lalo na’t ina-assign siya, sila ni Saimon, sa ibang lugar na hindi pa gaanong pamilyar sa kanila.
Dali-dali na siyang lumabas ng kanyang silid at nagtungo sa kusina.
“O, magkape ka na muna,” ani Saimon sabay abot sa isang tasang kape. “Para naman hindi ka masyadong antukin.”
Tinanggap niya ang inabot ng lalaki sa kanya saka sumimsim ng kaunti. “Wala akong alam na may lakad tayo ngayon,” pagtatapat niya. “Ano bang meron?”
“Tumawag si Manager at nag-utos na pumunta tayo sa Mindanao. May mga taong labas na nag-hostage sa pamilya niya sa Kidapawan. Tahimik ang ginawang hostage drama, kaya wala pang mga taga-medya ang nakaamoy,” paliwanag ni Saimon.
Sa narinig niya mula sa binata, inisang lagok na lang ni Laura ang kanyang kape at saka tumayo. “Let’s go,” aya niya na may kasamang pagtango.
Dali-daling sinukbit ni Laura ang bag sa kanyang likuran bago sinubo ang isang sandwich sa kanyang bibig. Sinuklay niya ang kanyang lampas sa balikat ang haba ng kanyang buhok habang papalabas sila ni Saimon mula sa kanyang bahay.
Matapos ikandado ni Laura ang pinto ng kanyang bahay, malalaki ang hakbang ang ginawa nila ni Saimon palapit sa nakaparadang sasakyan. Pumasok siya sa passenger seat habang ang kasama niya ang magmamaneho.
“Hold on tight, Laura. Within fifteen minutes nasa CZN na tayo,” banta ni Saimon sa kanya.
At alam niyang baka hindi lang kinse minutos, baka sa loob lang ng limang minuto ay nasa CZN station na sila. Gano’n ka-dedicate sa trabaho ang kanyang partner sa pagbabalita. Halos paliparin ni Saimon ang kanilang sinasakyan sa mabilis na pagmamaneho nito.
“Why so fast?” biro ni Laura. “Need promotion?”
Tutok ang mga mata ni Saimon sa expressway pero nakuha pa rin nitong sagutin ang pagbibiro niya. “I don’t need promotion. Life and death ang nakataya rito. Pakikiusapan natin ang mga nang hostage para pakawalan ang pamilya ni Manager.”
“So… papasukin natin sila?”
Mabilis na sinulyapan siya nito. “Yes! Kung iyon ang kinakailangan,” giit nito.
“Hindi ba parang hindi na natin trabaho ‘yon?”
“Afraid?”
Saglit na natahimik si Laura. Pinatong niya ang siko sa frame window ng sasakyan saka ipinwesto niya ang pisngi sa kanyang palad. “Not really,” she mumbled.
“Well, good luck sa atin.” Nagkibit balikat si Saimon at idiin lalo ang pagkakaapak sa silinyador.