PANIMULA
“DAMN IT! Paanong nagkaro’n ng problema sa accounting department?!” nanggagalaiti na singhal ni Conrad sa lalaking nakatayo sa harap ng office table niya.
Conrad was sitting on his swivel chair as his hands furiously placed on the table, while the man in front of him was in forties and was the head of the accounting department of his company. Nakikitaan na ng puting hibla ang buhok ng kaharap niya at halata ang pagod sa mukha nito. The man seem sleepless.
“I am talking to you, Mr. Pablo! What happened?!”
Napalunok ng laway si Mr. Pablo bago sinagot ang tanong ni Conrad. A bud of sweat formed on his forehead, and a drop of it cascaded his temple down to his cheek. “K-Kulang po ‘yong nai-ship na products sa… sa Z-Zapan Manufacture.” Halos hindi na makatingin na sagot sa kanya ni Mr. Pablo.
Napapikit ng mata si Conrad. He heaved a sigh as if trying to calm himself, where in fact he can’t calm. Halos mamuti na ang palad niya sa higpit ng pagkakayukom ng kamay niya. Sumandal siya sa kinauupuan niyang swivel chair.
“Get out of my company, Mr. Pablo,” he remarked without glancing over at him.
“M-Mr. Mondragon—”
He opened his eyes, giving the man a raging stare. “I do not want to see your face here anymore. I do not want your failed service in my company. Naturingan ka pa namang Accounting Head ng kompanya ko, yet kapalpakan ang dinala mo rito,” he told him between his gritted teeth. “Now, get out of this building while I am asking you nicely.”
Hindi na nagsalita pa si Mr. Pablo at nakayukong lumabas ito ng kanyang opisina. Nang marinig niya ang pagsara ng pinto, noon na sinuntok ni Conrad ang office table niyang gawa sa mahogany. He let out a frustrated groan.
He is mad and disappointed from what happened to the accounting department. Maaga siyang namulat sa negosyo at nakita niya ang mga magulang at lolo niya kung paano palaguin ng mga ito ang Mondragon Enterprises Inc. At ito ang unang pagkakataon na may pumalpak sa kompanya niya.
Mondragon Enterprises Inc. is a holding company that offers business process outsourcing, real estate, telecommunication, and facilitates shipments of goods, materials and products through airline, train, and trucking terminals and shipping docks. Hindi lang pagshi-ship sa ibang bansa ang inaasikaso ng kompanya niya. Mondragon Enterprises Inc., is also a company that sustains materials of other companies. May manufacturing factories din ito sa iba’t-ibang panig ng bansa.
While Zapan Manufacture Company is one of his shareholder. At masyadong maselan ang naturang kompanya pagdating sa mga produkto. As the owner of Mondragon Corporation, alam ni Conrad kung ano ang gusto at ayaw ng Zapan Manufacture. They do not want late ship of materials, at ayaw din nila ng kulang o sobrang produkto. That’s why he always note to accounting and shipping department na on-time ang pag-deliver at sakto ang bilang ng mga materyales para sa Zapan Manufacture.
Tumayo siya mula sa kanyang swivel chair saka nilapitan ang isang cabinet niyang naglalaman ng iba’t-iba klase ng alak. Dinampot niya ang isang bote ng brandy at kumuha ng isang babasaging baso. Bumalik siya sa kanyang office table at nilapag doon ang hawak ng kanyang magkabilang kamay. He opened the bottle and pour the liquid in his glass.
Maririnig sa apat na sulok ng opisina ang tunog ng pagbuhos ng likido sa baso. He stopped when his glass filled halfly with brandy. Hindi na nag-abala pa si Conrad na takpan ang bibig ng bote at basta na lang dinampot ang baso.
Bago niya talikuran ang mesa, nahagip ng mga mata niya ang kulay tsokolateng envelope. He sipped from his drink before facing the tinted glass wall behind him. Mula sa ika-dalawampung palapag kung saan naroon ang kanyang opisina, kitang-kita niya ang malawak na syudad ng Buena Astra.
He took another sip and his eyes contracted, instead gazing at the beautiful view of the city, his eyes fixed on his own reflection.
His necktie was a bit loose and the two upper button of his black polo was open. Nakatupi hanggang siko ang mahabang manggas ng itim niyang polo, revealing his soft and thin hair scattered on his arms. May pagka-mestizo si Conrad marahil na rin siguro sa hindi siya masyadong naglalabas sa mainit at alaga sa aircon. He was tall and has a well-built body.
Nag-aagaw ang kulay na tsokolate at itim sa buhok niya. May kakapalan ang kanyang kilay na bumagay sa hugis ng kanyang mga mata. His orbs glows in hazelnut colour. Matangos ang kanyang ilong at mapupula ang kanyang mga labi na tila ba nanghahalinang halikan. His face and jaw were as if sculpted perfectly by a sculptor. Para bang nililok siya nang kay perpekto ng isang… demonyo.
He’s gorgeously neat.
Nilagok niya ang natitirang laman ng baso at pinanood niya ang paggalaw ng kanyang Adam’s apple sa sariling repleksyon. At least, he calmed by tasting the fruity and subtly sweet taste of his brandy and by staring at his own reflection at the tinted glass wall.
Upon finishing his drink, Conrad decided to check what was inside the envelope that Connor gave him two hours ago. Yeah. Sa loob ng dalawang oras na ‘yon, wala siyang lakas ng loob na tingnan kung ano ang laman niyon. Grabe. Para siyang gago. Isa siya sa mga pinakamayaman at matapang na negosyante sa bansa, pero sa pagbukas lang ng envelope na nakapatong sa mesa niya ay naduduwag siya.
He can be wuss and pathetic sometimes.
Nilapag niya ang hawak na baso sa tabi ng bote ng brandy at saka dinampot ang envelope. He stares at it, still have no courage to open it. Nilipat niya ang tingin sa nakasarang pinto habang pinapaypay ang envelope sa kanyang palad. Bakit pakiramdam niya ay hindi niya magugustuhan ang malalaman sakaling buksan niya ang hawak?
Umabot ng ilang minuto ang pagtitig niya sa pinto na para bang doon siya kumuha ng lakas ng loob. Eventually, he can’t help himself anymore. Masyado siyang pinagtulungan ng curiousity at kaba.
Wala rin naman kasing sinabi si Connor sa kanya noong iabot nito sa kanya ang envelope. Conrad was surely left dumbfounded.
He began loosening the tie wrapped at the opening of the envelope. Huminga siya ng malalim nang ilabas niya ang laman niyon. Mga litrato at hindi niya mabilang kung ilan iyon. Ngunit gano’n na lamang ang panlalaki ng mga mata ni Conrad nang makilala kung sino ang laman ng bawat litrato.
It was his… wife.
Humigpit ang hawak niya sa wala nang lamang envelope at halos malukot na iyon. Naghalo-halo na ang mga emosyong dumadaloy sa sistema niya. Pagkabigla, hinanakit at sobrang galit. Akala ba niya ay pa—
Biglang nag-ring ang kanyang telepono. Wala sa sariling kinuha niya iyon at sinagot ang tawag.
“Hey, Conrad,” boses ni Connor. Inaasahan na siguro nitong mabibigla siya at walang makukuhang bati mula sa kanya kaya nagpatuloy ito. “I guess, you’ve seen the pictures.”
Naningkit ang mga mata niya. “Tell me where she is,” he stated.
“According to Navis’ research, she lives at Pallas Isla.”
“Does she live alone?” he asked. “Tell me she lived alone there!”
“Unfortunately, no.”
Something clenched his heart with wrath upon hearing Connor’s answer. Nag-ngitngit ang ngipin niya sa galit at kulang na lang ay mag-usok ang kanyang ilong. “Sinong kinakasama niya?”
“Cain Silva.”