Chapter 7: Welcome to Madrid

2024 Words
Lumabas ako ng kwarto at hinarap si Trystan. "Anong ginawa mo sa akin? Bakit ako wala na akong damit nung nagising ako!" nanlalaki ang mga mata ko, "Wag ka ngang umarte na parang hindi ko pa nakikita yan!" sagot naman nito sa akin. Napanganga na lang ako sa kaniyang sinabi, "Anyway, I went to your room to say thank you and when i get close to you I felt how hot you were so, nag magandang loob lang naman ako at pinunasan yung katawan mo para kahit papaano, sumingaw yung init ng katawan mo. That's all I did, I swear!" ani nito habang may ginagawa sa kusina' "Oh! By the way, I made a soup for you!" Kumuha ito ng mangkok at nilagyan ito ng bagong lutong sabaw. Naglakad ito papunta sa akin at iniabot ang bowl. Hinawakan din nito ang aking noo. "Your temperature feels normal now." Ibinaba nito agad ang kaniyang kamay, "Well it doesn't matter!" Naglakad na ito palapit sa pinto. "Ubusin mo yan para mas gumaan pakiramdam mo." dugtong nito bago tuluyang lumabas. *Trystan's POV* Umalis na ako sa apartment ni Daisy at pumunta naman sa bahay ko. Naligo ako at nag-ayos ng sarili para sunduin sa airport ang kaibigan kong si Bailey kasama ang kaniyang fiancee. Saglit lang ang pag-aantay ko ng masulyapan ko ang mukha ni Bailey. "Bailey! Here!" sigaw ko habang kumakaway. "Dude! Congrats!" We shook hands. "Thanks, dude! Anyway, this is Eliza, my fiancee!" "Ohh! I finally get to meet the girl na kinababaliwan ng aking kaibigan." Pumunta na kami sa sasakyan ko para makapagpahinga na rin sila. "Do you know any apartment that we can stay in for a while?" pagtatanong ni Bailey sa akin, "Yeah! I have an apartment that I don't usually go to! If you want, you can stay there. Wala na kayong iintindihin, kompleto na yung gamit duon, and it'll be my pleasure kung duon kayo mag i-stay." pagmamagandang loob ko sa kanila, "Sure! Thanks!" pagsasalamat ni Bailey sa akin, "Just like I said, it's my pleasure!" nagmaneho na ako papunta sa apartment na tutuluyan nila, Nang makarating kami duon, tinulungan ko na sila na mag baba ng mga gamit nila at tinulungan ko na rin sila na ipasok ang mga gamit sa loob ng apartment. Nang maipasok na lahat ng gamit ay hindi na rin ako nag tagal sa kanila at umalis na rin ako. Alam ko naman na pagod din sila sa byahe. Dahil parehas lang pala kami ng apartment unit ni Daisy, binisita ko na muna siya. Kumatok ako sa apartment nito at nang buksan niya ang pinto ay agad na akong pumasok. "Inubos mo ba yung pagkain mo?" pagtatanong ko sa kaniya, "I did! Ang sarap mo palang mag luto." sagot naman nito sa akin, "Kasing sarap ko!" ani ko naman, "Yuck! Lumabas ka na nga!" inis naman na wika nito sa akin, Hinawakan niya ang aking braso at hinahatak ako palabas. "Okay, okay! Im going! Jeez!" Lumabas na ako ng apartment ni Daisy at habang naglalakad ako ay hindi ko mapigilan ang tumawa. Tuluyan na akong lumabas ng apartment unit at papaandarin ko na sana ang sasakyan ng bigla kong masulyapan si Adrian na bumababa ng sasakyan. May dala itong mga prutan na naka lagay sa basket at may nakataling lobo na may nakasulat naman na get well soon. Okay na ang pakiramdam ni Daisy. Thanks to me! Bumaba ako ng sasakyan at sinalubong si Adrian. "Hey, dude!"pagbati ko sa kaniya, "Hey! What's up? What are you doing here?" pagtatanong naman nito sa akin, "I just helped a friend!" sagot ko naman sa kaniya, "What about you?" Tinignan ko ang kaniyang dala, "Why are you here?" "Just vising a friend who's sick!" sagot nito sa akin. Hindi na niya kailangan niyan! Pinagluto ko na siya! "Oh! Great! I'll wait here then!" "For what?" pagtatanong niya, "I wanted to talk to you about something special!" sagot ko naman sa kaniya, "What is it about?" "Well, my friend will celebrate their reception in my bar, and they asked if I know someone that can provide Italian food and Filipino dish as well. I asked you because, as I can remember, your restaurant serves Filipino dishes!" "Oh, that's a sure thing! I'll go to your bar tomorrow, and let's talk about everything we need to do." Nagpaalam na kami sa isa't-isa at ako naman ay pumunta sa aking bar. Kinabukasan. Punong-puno nanaman ng tao sa bar. Lahat ay nagkakasiyahan. Nagpakuha ako sa aking barista ng wine. Habang umiinom ako ay may napansin akong babae na tila ba tingin ng tingin sa akin. Para itong modelo sa haba ng kaniyang biyas. Ang kulot na buhok nito ay green. May haba ito ng hindi lalagpas sa kaniyang bilugan na pwet. Binaba ko ang baso at pumunta sa direksyon niya. "What's up baby?" Ipinalipot ko sa kaniyang baywang ang aking kamay, "Hey!" malambing na pagkakasabi nito, "I saw you looking from afar, and lucky you, you caught my eyes. I'm Trystan!" She chuckles, "And I'm Abby, now to meet you, guapo!" Ipinatong niya ang dalawa niyang kamay sa aking balikat. Nagsayaw kami ng nag sayaw hanggang sa inaya ko na siya sa VIP room. Umakyat kami at ni-lock ko ang pinto. *Daisy's POV* Nang umalis si Trystan, mamaya ay dumating naman si Adrian na may dalang mga prutas at lobo. "Hey, how are you feeling?" pagaalala niya sa akin, "I'm doing good now! I also ate already." "That's good to know!" "How was your date with Sydney?" pagtatanong ko sa kaniya. "It was good, but mid conversations with her, I realized that she wasn't the person I wanna be with!" sagot nito habang kumukuha ng tubig. "Oh! Why? What happened?" paguusisa ko sa nangyari, "Eh! She's just not! While I was with her, I couldnt feel a connection. I was looking for the connection I had with her when we were penpal. I was looking for the same connection we have to her!" Nagulat ako sa kaniyang sinabi. Kinuha ko ang unan na nasa aking sopa at binato sa kaniya. "Don't say that! Of course, you won't find that with any female. We've been friends for a long time, that's why we have this kind of connection. We're bestfriends." wika ko sa kaniya. Natawa lang ito at iniabot sa akin ang mansanas na binalatan niya at hiniwa-hiwa. "Here, have this!" ani niya, Habang kinakain ko ang mansanas, hindi ko maiwasan ang mapa-isip sa kaniyang sinabi. Anong koneksyon ba ang hinahanap niya? Yung parang mag bestfriend na koneksyon? Kung ganoon, bakit siya nakipag date kay Sydney. Hay naku! Bahala na nga siya. Nagpaalam na ito dahil may importante daw siyang aasikasuhin. Ako naman ay tinawagan si Marian upang ipaalam sa kaniya na mag bubukas na kaming muli bukas. Kinabukasan. Maaga akong pumunta ng shop. Ako na rin ang nagbukas nito, gusto kong makasigurado na walang lantang mga bulaklak sa mga naka display bago ko buksan ang shop sa mundo. Nang masigurado ko ang dekalidad ng mga bulaklak, binuksan ko na ang shop. Lumabas ako at humarap sa shop. Pinikturan ko ang labas pati na rin ang open sign na nakasulat sa entrance ng shop para ipost sa aking social media. 'We're open! Come and smell the blossom of these flowers.' Pumasok na ako sa loob ng shop at kumuha ng mga bulaklak sa loob ng storage area ko upang palitan ang mga nabulok na halaman sa labas. Gusto ko talaga na kapag may dumadaan sa harap ng shop ko ay napapahinto sila sa mabangong halimuyak na dala ng mga bulaklak. Gusto ko ng colorful. Kumuha ako ng Canna, Zinnia, at Bellflower at idinisplay sa harap ng aking shop. Sobrang nagtitingkaran ang mga kulay ng bulaklak at nakasisigurado ako na marami nanaman ang mamamangha na mga taong dumadaan. Madalas akong nakakakita ng mga humihinto sa harap ng aking shop upang mag picture. Mayamaya pa, tumunod ang palamuti na nilagay ko sa harap ng pinto. Nagsisimbulo ito na may pumasok sa aking shop. "¡Hola, señor! ¿Cómo puedo ayudarte?" pagbati ko sa pumasok. Ang pogi naman ng lalaking ito. Nakasuot ito ng itim na leather jacket at pants na kulay navy blue. Ang mga mata niya ay hugis almond at ang buhok niya naman ay kulay brown na kulot. May tangkad ito na hindi tataas ng 6'ft. "Sorry, I don't speak Spanish. Uhm, can I get a bouquet of yellow tulips? Thanks!" ani nito sa akin. Pati ang kaniyang boses ay masarap pakinggan. "Yes, sir!" Nagsimula na akong gumawa ng yellow tulips na bouquet. Ang swerte naman ng babaeng pagbibigyan niya nito. Mabilis ko lang nagawa ang bulaklak kaya binigay ko na rin sa kaniya kaagad. Nang mabayaran niya ako ay umalis din kaagad ito. Mayamaya ay dumating na rin si Marian. "Hi, ma'am! Sorry po, medyo na late ako. May emergency lang po akong pinuntahan." ani nito sa akin, "It's okay! What happened? Is anyone hurt?" pag uusisa ko sa kaniya, "Wala po ma'am. Kailangan lang po ng love support ng kapatid ko." sagot naman niya sa akin habang natatawa tawa at napapakamot sa kaniyang ulo. Natawa na lang din ako. Habang nagkekwentuhan kami ni Marian ay bigla namang dumating si Adrian, "Hi! I'm going at Trystan's bar but I saw the shop's opened so I decided to check on you!" wika nito sa akin, "If you want, you can go with me? They might need you." dugtong niyang wika sa akin, Need me? Na curious naman ako kaya ako sumama. Nandoon na rin naman si Marian kaya iniwan ko na muna ulit sa kaniya ang shop. Sabay na kaming naglakad ni Adrian papunta sa bar. Makapag thank you na rin sa ginawa sa akin ni Trystan. Infairness naman sa kaniya, masarap siya mag luto. Nang makapasok kami sa bar ay tumungo agad kami sa kinauupuan ni Trystan. May kasama itong dalawang tao. Yung isa is yung bumili sa akin ng bulalak at yung babae naman ay ang pinagbigyan niya. Malayo pa kami sa kanila ay nakikita ko na agad ang magandang mukha ng babae. Binabawi ko na ang sinabi ko kanina. Hindi lang pala yung babae ang swerte. Pati rin pala siya. Ang expensive nilang tignan dalawa. Aaaand there's Trystan. The annoying one! Annoying na may pagka sweet. Ay ewan! Basta minsan may ugaling demonyo, minsan naman parang nasasapian ng anghel. Nang makarating kami sa kinauupuan nila Trystan, inintroduce nito si Adrian sa mga kausap niya at si Adrian naman ay in-introduce ako sa kanila. "Hi! nice to meet you guys!" ani ng magandang babae, "He'll be the one to prepare the dishes. Don't worry, I've tasted their menus, and I promise you, you won't regret it!" ani ni Trystan sa kanila. "Great! I can't wait to taste the dishes you'll cook at our receptions." wika ni, sir Bailey, "It'll be my pleasure. By the way, I'd like to congratulate you both on your engagement as a gift and invite you to my restaurant for free." Wow! Sana all. "We'd love that! Thank you!" sagot naman ni ma'am Eliza, "It's an honor!" "By the way, do you have a florist for your wedding?" Pagtatanong ni Trystan sa soon to be married couple, "No, we haven't. Do you have any recommendations?" ani naman nila, "Well, lucky you, I know someone that can help us with the flowers!" ani ni Trystan sabay akbay sa akin, "Oh yeah! You were the one who arranged these tulips for me! That's why you look familiar." ani nito sa akin, "Yup, that's me! I'm the owner! And I'm happy to help with the wedding!" Mayamaya pa, nagpaalam na kami sa isa't-isa at si Adrian naman ay sinamahan ang dalawa papunta sa kaniyang restaurant. Mahaba-haba rin ang aming napag-usapan. Masaya silang kasama and thank god! Kapwa pilipino sila. Akala ko ay dudugo nanaman ang ilong. nang makalabas na sila Adrian ay mahina kong siniko si Trystan sa tagiliran. "Bakit mo naman ako nireto sa mga yun? Anong alam ko sa pag aarange ng mga bulaklak sa kasal? Nakakaloka ka!" ani ko sa kaniya. Inakbayan niya ako ulit. "Don't worry! I got you!" wika nito sabay ngiti sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD